Isang PEPster na nagngangalang rafradz ang nag-post ng blog entry sa PEParazzi na may girl group daw na bubuuin na pamumunuan ng young star na si Kim Chiu. Ayon kay rafradz, narinig daw niya ang kuwento mula sa isang "taga-Star Magic."
Subalit isang tawag ang mula mismo kay Thess Gubi, PR Head ng Star Magic, ang natanggap namin sa araw na ito, ika-10 ng Pebrero. Nagulat daw siya sa post ni rafradz. At nilinaw niya na walang ganoong plano para kay Kim Chiu.
"It's not true. We don't know saan nakuha nung nag-post yun. Pero it's not true," pag-uulit pa mismo ni Thess.