Nagpapadyak sa hiya si Sarah Geronimo nung nakasalang na siya sa entablado sa launching ng campaign ng Jollibee at ni Aga Muhlach ng MaAga ang Pasko.
Paano ba naman, parang hindi alam ng nagku-cue ng minus one ang trabaho nito dahil laging mali ang pasok ng minus one. Laging nasa gitna agad yung minus one at napapatingin na lang si Sarah rito. Napa-“Paanong napunta agad diyan?” si Sarah sa in-charge ng sound system equipments na mag-aakumpanya sana sa kakantahin niya.
Tatlong na beses nag-attempt ang nasa sound system na i-cue ang intro ng kanta pero palpak pa rin. Carry naman ni Sarah ang situwasyon at nag-spiel na muna ito habang inaayos ang sound system. Nagpatawa pa siya at tinanong ang audience kung gusto daw ba ng mga ito na mag-raindance siya dahil nang sandaling iyon, malakas ang ulan sa labas ng ginaganapan na Rockwell Tent sa Makati. With matching kulog at kidlat pa, huh!
At the fourth try, ayun, nakuha rin at kinanta na ni Sarah ang theme song ng MaAga ang Pasko entitled “MaAga Song.”
Ang kumplikado ng title, noh?