Dyesebel & Fredo's Wedding
Bukas ng gabi, October 17, ay matutunghayan na ang final episode ng telefantasya ng GMA-7 na Dyesebel. Pagkatapos ng maraming paghihirap na pinagdaanan nina Dyesebel (Marian Rivera) at Fredo (Dingdong Dantes) para ipaglaban ang pag-ibig nila sa isa't isa, isang masayang kasalan ang magaganap sa kaharian ng Sirenea, sa katuwaan ng kanilang mga nasasakupan. Magkakasundo sina Dyesebel at Fredo na sa lupa na magsama at magkaroon ng pamilya. Ibibigay ni Amafura (Rufa Mae Quinto) kay Dyesebel ang kuwintas na kinuha ni Betty (Bianca King) sa kanya at tuluyan na siyang magkakaroon ng mga paa. Minabuti naman ni Lucia (Jean Garcia) na magpaiwan na sa Sirenea at pamunuan ang kanyang kaharian.
(Text by Nora Calderon)
Uploaded: October 18, 2008


















