Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang cast members
Photography: Courtesy of GMA-7
Updated: 02/01/2009
Views: 564653
Simula sa ika-2 ng Pebrero, mapapanood muli ang tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA-7. Bibigyang buhay nila ang obra ni Carlo J. Caparas, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

-
Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ang ikatlong television series na pinagbibidahan ng love team nina Marian and Dingdong matapos ang Marimar at Dyesebel.
Ang karakter ni Marian, si Proserfina, ay natatakot na mahalin si Homer (Dingdong) dahil ang lahat ng lalakeng minahal niya ay napapahamak.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
May isang mundo na lulong sa kamunduhan, ambisyon at
kapangyarihan. Kung saan ang lahat ay may kani-kaniyang kasalanan.
Dito isinilang si Proserfina, may tapang na
hindi pangkaraniwan sa isang babae, may alindog na makapagpapa-ibig ng kahit
sinong lalaki. Dumating siya sa walang kabuhay-buhay na mundo ni Homer at
naghatid ng panganib at isang kakaibang kabog sa dibdib nito.
Ngayon, susuungin ni Homer ang mundo ni
Proserfina upang maipaglaban ang babaeng yumanig at lubusan bumago sa kaniyang
mundo.
Sa orihinal na likhang ito ni Carlo J.
Caparas, pag-ibig kaya ang papawi sa kasalanan at hahaplos sa pusong inangkin
ng kasamaan?
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Sa nakaraang press conference ng ABHSAT, ginawa muli nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang eksena kung saan biglaang nakitulog sa kama ni Homer si Proserfina.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Nang nagising ang nahihimbing na lalaki, kinuha naman ni Proserfina ang saxophone na siyang tinutugtog ni Homer.
Ang saxophone kasi ang tanging instrumento na pwedeng gamitin ni Homer, ayon sa bilin ng kanyang ina (ginagampanan ni Carmi Martin).
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Ayon kay Marian, isang challenge para sa kanya ang gumanap ng isang daring character tulad ni Proserfina.
"Bukod sa medyo sexy siya, misteryosa kasi ang character ko
dito, e," aniya. "Minsan sumusulpot ako, nawawala ako, makikitulog
ako sa kabilang bahay, yung gano'n. Parang hindi mo alam kung sino talaga siya
o kung ano yung pagkatao niya. Nakakatuwa na ang daling mag-shift ng character
ni Proserfina. Magulo yung utak niya sa mga pangyayari."
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Mart Escudero (kaliwa) ay ang kapatid ni Marian samatalang si Paolo Contis (kanan) ay isang lalaki na obsessed kay Proserfina.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Marian Rivera ay gumaganap bilang si Proserfina, ang misteryosang dalagang
bigla na lamang dumating sa buhay ni Homer. May pambihira siyang alindog
at madilim na nakaraan. Ipapakita niya kay Homer ang buhay na kailanma'y
hindi pa nito nararanasan.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Sa ABHSAT, first time ito ni Marian Rivera na magsuot ng two-piece swimsuit na
walang tapis. Noon kasi sa Marimar ay naglagay siya ng robe sa eksena nila ni
Katrina Halili.
Pumayag din daw ulit si Marian na mag-topless sa isang
eksena nila ni Dingdong sa swimming pool. Pero nagawa na rin naman daw niya ito
sa Dyesebel, kung saan gumanap siya bilang sirena.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Dingdong Dantes ay gumaganap bilang Homer, ang young executive na nasanay sa de-numerong pamumuhay.
Bagama't nasunod lahat ng luho at nakatakda nang ikasal ay nadarama
niyang sadyang kulang pa rin sa kanyang buhay. Magbabago ang lahat ng
ito sa umagang paggising niya ay may napakagandang babaeng natutulog
sa kaniyang tabi.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
May
pagka-O.C. (obsessive-compulsive) at boring ang halos successful career man na
si Homer, na siyang gagampanan ni Dingdong
sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Angelu de Leon bilang
si Heleen, anak mayaman na pabagsak na ang kabuhayan. Ibig maikasal
kay Homer para lamang hindi siya tuluyang maghirap.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Carmi Martin bilang
si Hera ang relihiyosang ina ni Homer na gumagawa ng desisyon
para sa anak, pati na ang pagpili ng mapapangasawa nito.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Jackie Rice bilang
Cassandra, ang nakababatang kapatid ni Homer na piniling mag-asawa
ng dukha kaya itinakwil ng ina.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Prince Stefan ay
si Aristotle na nakabababatang kapatid ni Homer na magpapari
upang tuparin ang utos ng relihiyosang ina ngunit iibig sa isang dalaga.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Paolo Contis ang magbibigay-buhay kay Rado, ang kriminal na haling na haling kay
Proserfina. Dahil laging bigo na mapaibig ito, gagawin ang lahat, kahit
gumamit ng dahas, maangkin lang ang dalaga.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Ngayong Lunes, February 2, magkakatapat ang teleserye nina Marian at Dingdong, ang ABHSAT sa GMA-7, at ang ABS-CBN teleserye nina Kim Chiu, Gerald Anderson at Jake Cuenca--ang Tayong Dalawa.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Mart Escudero ang bubuhay
sa katauhan ni Ulysses, ang nakababatang kapatid ni Proserfina
na nalulong sa droga. Malalagay ang buhay sa panganib kung kaya't
ililigtas ng kapatid.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Eugene Domingo ay ang madaldal na mayordoma na si Madel. Siya ang namamahala sa mansion ng mga Alcaraz.
Matagal nang naglilingkod sa kanila kaya parang anak na ang turing niya
kay Homer.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Alyssa Alano, gaganap
na Citas, ang mali-mali at accident-prone na alalay ni Madel (Eugene Domingo).
Laging up-to-date sa tsismis.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Carlene Aguilar ay gaganap
bilang si Clarisse, ang best friend ni Heleen (Angelu de Leon) na kasabwat nito
sa kaniyang mga plano.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Lovi Poe bilang si
Athena, simple at magandang mang-aawit sa simbahan. Makikilala at
mapupusuan ni Aristotle (Prince Stefan).
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Francine Prieto, gaganap
sa katauhan ni Shiela, ang babae ni Rado (Paolo Contis) na mahal na mahal sya.
Handang gawin ang lahat para sa lalaking iniibig--kahit pa ang pumatay.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Paolo Paraiso ay gaganap bilang Mike, ang best friend ni Homer na kaniyang napagsasabihan ng lahat
ng kaniyang mga sikreto.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Sherilyn Reyes bilang
Tia Galatea, ang kiming kapatid ni Hera na sunud-sunuran sa kaniya.
Ang takbuhan ng magkakapatid na Homer, Cassandra at Aristotle.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Kevin Santos as Jason,
kaibigan ni Aristotle na umiibig din sa babaeng iniibig nito.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Boom Labrusca
ay si Greg, ang kalaguyo ni Heleen (Angelu de Leon). Playboy, at takot matali
sa iisang babae.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Ayon kay Direk Carlo J. Caparas, hindi
siya papayag na maging last project na nina Marian ar Dingdong
ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Masasayang daw ang
napakalakas na chemistry ng dalawa. In fact, may naisip na siyang project para
sa dalawa.
"Nabili
na ng GMA-7 ang rights ng Somewhere na sa pelikula'y pinagtambalan nina Lorna
Tolentino at Rudy Fernandez. Bagay na bagay kina Marian at Dingdong yun,
maganda ang istorya at para sa kanila yun."
Photography: Courtesy of GMA-7
