Totoy Bato cast members
Photography: Courtesy of GMA-7
Updated: 02/18/2009
Views: 322741
Para kay Totoy, ang buhay ay isang mahabang laban. Sa murang edad, lalabanan nya ang pagmamalupit na daranasin sa kamay ng sariling ama. Bilang magsasaka, lalabanan niya ang mga pilit na mang-aagaw sa kaniyang maliit na bukirin. Bilang isang rebelde, lalabanan niya ang sistemang nagpahintulot na mawala ang lahat ng mahalaga para sa kaniya. At bilang boksingero, ipaglalaban niya ang karangalan.
Ngunit sa lahat ng paghihirap na pagdaraanan ni Totoy, isang laban ang susubok sa katatagan ng kaniyang loob, ang laban para sa kanilang pag-iibigan ni Anna.
Gaano katinding paghihirap ang kanyang kayang tiisin? Gaano kalaking balakid ang kaya niyang lampasan makasama lang ang babaeng kaniyang pinakamamahal?
Sundan ang matitinding laban na haharapin ni Totoy Bato simula ika-23 ng Pebrero sa GMA-7 Telebabad.

-
Sa mga nakaraang mga buwan, naghanda si Robin Padilla (kanan) para sa pisikal na requirements ng Totoy Bato. Sa bagong teleserye ito ng GMA-7, magiging mga guro niya sina Manny Pacquiao (kaliwa) at Eddie Garcia (gitna).
Photography: Courtesy of GMA-7
-
...
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Huling napareha sina Robin Padilla at Regine Velasquez sa pelikulang Till I Met You na pinalabas noong 2006.Ang Totoy Bato ay hango sa Carlo J. Caparas komiks na siyang ginampanan sa pelikula ni Fernando Poe Jr.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Robin Padilla
ay gaganap bilang Totoy, isang simpleng magsasakang mapipilitang maging rebelde.
Ipagpapatuloy niya ang laban para sa mas magandang buhay sa loob ng ring
kung saan siya'y babansagang Totoy Bato.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Sa kauna-unahang pagkakataon, haharapin ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang isang bagong hamon
sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang husay sa pag-arte. Siya ay magiging kaibigan at trainer
ni Totoy.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Ang batikang aktor na si
Eddie Garcia ay gaganap bilang Coach Fredo, retired boxer at martial arts expert.
Itinuturing na anak-anakan si Totoy.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Regine Velasquez ay si Anna, ang unang babae na nagpatibok sa puso ni Totoy. Ang maganda niyang boses ang makikita niyang susi upang makaahon sa kahirapan.
Sa paghahanap niya ng mas magandang kinabukasan, sila'y magkakahiwalay
ng kaniyang kaibigan at kababatang si Totoy.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Ian Veneracion bilang Miguel.
Isang mayamang binatang umiibig kay Anna. Gagawin ang lahat upang mawala
sa eksena si Totoy.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Mon Confiado bilang Turko,
isang beterano ng giyera sa Mindanao at naging torturer sa military.
May warshock kaya't mabagsik sa loob ng ring.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Ronnie Lazardo as Podong, ang
malupit na ama ni Totoy, isang ex-convict. Hanggang sa kahuli-huliha'y
magiging pasanin para sa kaniyang anak.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Caridad Sanchez bilang si Concha,
ang maunawain at relihiyosang lola nina Manuel (Rommel Padilla)
at Miguel (Ian Veneracion).
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Queenie
Padilla bilang Heather, ang unica hija ng hacienderong aagaw sa lupa
ni Totoy. Magtatanim ng poot laban kay Totoy.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Deborah Sun ang gaganap ng mukhang
perang ina ni Anna, si Matilda.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Ehra Madrigal gumaganap na
Trixie, isang GRO na siyang magiging kalaban ni Anna sa pagtingin ni
Totoy.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Jolo Revilla gaganap bilang
Andong, makakasama ni Totoy sa pagiging rebelde. Manliligaw ni Gilette (LJ Reyes).
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Tuesday Vargas bilang Connie,
ang kaibigan at assistant ni Anna.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Jodnee Gamboa bilang si Mauro,
ang mabait na tiyuhin ni Totoy.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Sweet Ramos bilang Cecilia,
ang pinakamahalagang babae sa buhay ni Totoy, ang kaniyang kaisa-isang
anak.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
LJ Reyes as Gilette, ang pinsan
ni Anna na may nalalaman sa martial arts. Botong-boto kay Totoy para
sa kaniyang ate.
Photography: Courtesy of GMA-7
