Isang dosenang mga pangalan ng mga babae at lalake ang tinatayang mas sisikat sa paparating na Year of the Dragon.
Ang ilan ay hindi na maituturing na baguhan, pero hindi pa rin naman kasingsikát ng mga nagbibida nang mga artista.
Ang ilan ay unti-unti nang lumalaki ang pangalan sa industriya, pero sa 2012 ay mas malamang na magningning pa ang kanilang mga bituin.
Base ito sa kanilang nasimulang pangalan at pagpapatuloy na paggawa ng pangalan nitong papaalis na 2011, at sa mga nakatakdang gagawin nilang proyekto sa susunod na taon.
Nabuo ang listahan ng PEP sa sarili naming obserbasyon at pagtanung-tanong sa mga tao sa showbiz. Marami-rami pang pangalan ang lumabas, ngunit nilimita namin ang listahan sa isang dosena.
Narito ang listahan ng PEP's BETS FOR STARDOM: 12 FOR 2012.
Ito ay inilista randomly. Ibig sabihin, walang ranking ang listahang ito.












