Nakisaya ang mga PPL Entertainment talents sa isang Christmas Party for the Press na ginanap noong December 1 sa Windmills & Rainforest sa Scout Borromeo St., South Triangle, Quezon City.
Bukod sa mga palaro at papremyo para sa mga taga-media, naging maningning ang event dahil sa pagdating ng halos lahat ng mga PPL talents.
Kasama rito sina Wilma Doesnt, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Carl Guevarra, LJ Moreno, Jolina Magdangal, Carlo Gonzales, Wendell Ramos, Arthur Solinap, Jopay Paguia, Geoff Eigenmann and Dingdong Dantes.
Tanging si Janno Gibbs lamang ang hindi nakadalo. Naroon din and President at CEO ng PPL na si Perry Lansigan.













