Priscilla Meirelles’s English Tea Party baby shower for Anechka

Photography: Monching Jaramillo
Updated: 01/24/2012
Views: 64664
Noong Linggo, Enero 22, ginanap ang baby shower para kay Anechka,
ang ipapanganak pa lamang na supling nina John Estrada at Priscilla Meirelles, sa Manila
Peninsula Hotel sa Ayala, Makati.
Simple ngunit elegante ang selebrasyon, na
dinaluhan ng ilang malalapit na kaibigan at mga kamag-anak ng mag-asawa.

-
Bagama't prominente na ang pagbubuntis ni Priscilla, angat pa rin ang kagandahan nito, na lalo pang binagayan ng kanyang
suot na lavender cocktail dress.
Maaga siyang dumating sa Manila Pen kaya naman nakangiti niyang
sinalubong ang mga dumadating na panauhin.
Inamin niya na "perfectionist" siya, kaya naman siya
ang naging punong-abala para sa baby shower ng kanyang magiging anak na si Anechka.
Photography: Monching Jaramillo
-
Ang "Anechka" ay isang pangalang Ruso na ang ibig sabihin ay
"grace," o kagandahan ng bikas at kilos.
Isa rin itong pangalan na hango sa Bibliya na ang ibig sabihin naman'y "the one
chosen by God to speak."
Nahirapan pa raw sina Priscilla at
John sa pagpili ng magiging pangalan ng kanilang anak.
Ani
Priscilla, "We are so picky when it comes to that, we really wanted our daughter
to have a unique name."
Photography: Monching Jaramillo
-
Siyempre, hindi pinalagpas ng mga anak ni John Estrada ang
baby shower ng kanilang bunsong kapatid.
(Mula kaliwa) Naroon ang magkakapatid na Yuan, Czarinah
Isabella, Michaela Aryanna, at Moira Danielle—ang mga anak ni John kay Janice de Belen.
Nabanggit sa amin ni Priscilla na mahilig sa bata
ang mga anak ni John, kaya naman sigurado siyang tutulungan siya ng mga ito sa
pag-aalaga ng kanyang magiging baby girl.
Photography: Monching Jaramillo
-
Naroon din sa kasiyahan si
Marcia Meirelles (kanan), ang ina ni Priscilla (kaliwa). Hindi gaanong marunong mag-Ingles ang nanay ni
Priscilla, kaya't ang usapan ng mag-ina ay salitang Portuguese.
Si mommy Marcia ay dumating sa bansa noong ika-23 ng Disyembre, at mananatili sa bansa hanggang sa kalagitnaan ng Abril para maalagaan ang
kanyang apo.
Photography: Monching Jaramillo
-
Kasama ang mga kaibigan ng soon-to-be-mommy...
Bagama't sa ibang bansa siya lumaki, sinabi niyang, "I'm a
Filipina by heart, and I know I have a lot of family and friends here already."
Photography: Monching Jaramillo
-
Matapos ang maliit na salu-salo ay sinimulan na ang programa, at si Priscilla mismo ang nagsilbing host.
Nauna niyang pinasalamatan ang lahat ng dumalo sa baby
shower ni Anechka, at kanyang ibinahagi ang kuwento tungkol sa pangalan ng kanyang magiging anak.
Photography: Monching Jaramillo
-
Isa sa mga games ay bingo!
Sinamahan ni Martha Young-Lim (kanan) ang misis ni John sa pagpa-facilitate ng laro.
Ang mga patterns na vertical, horizontal, at diagonal ang
sinunod ng mga manlalaro, at ang mga nagwagi ay binigyan ng pink pouch bag.
Photography: Monching Jaramillo
-
Dumalo sa baby shower ni Anechka si 2009 Miss
Philippines Earth na si Sandra Seifert (kanan).
Nanalo si Sandra sa "list it" game, ang laro na paramihan ng maililistang sagot ang mga kalahok para sa ibibigay na
kategorya ng host.
Photography: Monching Jaramillo
-
Naging charity event din ang baby shower.
Imbes na regalo para sa kanyang magiging anak ay mga donasyon
para sa C.R.I.B.S. Foundation ang hiningi ni Priscilla mula sa
kanyang mga bisita.
Nagbigay ang dating beauty queen ng mga gatas na pambata kay
Ms. Liway (kanan), kinatawan ng C.R.I.B.S. Foundation.
Ang C.R.I.B.S. Foundation ay isang non-government
organization na kumakalinga sa mga inabandunang sanggol at mga menor de edad na babaeng pinagsamantalahan.
Photography: Monching Jaramillo
-
Ang mga dumalo sa pagtitipon ay sinabihan na magsuot ng mga
wide-brimmed hats o mga sombrerong ginagamit noong Victorian
period.
Hinati sa tatlong kategorya ang pagpili sa mananalo—best hat, most elegant, at most fashionable.
Sa kategoryang best hat, nagwagi si Martha (kaliwa).
Photography: Monching Jaramillo
-
Old English tea party ang tema ng baby shower
para kay Anechka kaya ang bawat mesa ay puno ng chocolate at fruity pastries.
Photography: Monching Jaramillo
-
Sa unang tingin, parang ordinaryo lamang ang cake
na ito. Pero sa malapitan, ipinorma pala ito gamit ang mga baby diaper na
binalutan ng pink lace at dinekurasyonan ng ilang gamit para sa isang sanggol na babae.
Photography: Monching Jaramillo
