Showtime Caravan in Manila

Photography: Allan Sancon
Updated: 01/30/2012
Views: 45819
Kinasabikan at inabangan ng halos buong Metro Manila ang paglibot ng Unkabogable Party Bus Caravan kahapon, Lunes, January 30. Palibhasa'y lulan dito ang mga host ng It's Showtime!, ang bagong palabas ng ABS-CBN na kapalit ng Happy Yipee Yehey!
Nagsimula nang tanghali ang pag-ikot ng Unkabogable Party Bus Caravan lulan ang mga hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Vhong Navarro, Karylle, at sina Teddy at Jugs.
Kasama rin sa bus ang magiging permanent hosts sa bagong show na sina Jhong Hilario, Ryan Bang, at Coleen Garcia.
Lumibot ang caravan sa Brgy. Santolan sa Pasig, Brgy. Nangka sa Marikina, pagkatapos ay dumaan sa EDSA papuntang Monumento, bago bumalik sa ABS-CBN .
Ang It's Showtime!, na may bagong format, ay mapapanood sa ABS-CBN simula Sabado, February 6, 2012.

-
Sa pagbabalik ng Unkabogable Party Bus Caravan, masayang sinalubong ng mga ABS-CBN employees at mga masuwerteng fans si Anne.
Photography: Allan Sancon
-
Kasunod naman ni Anne sina Vice Ganda at Billy Crawford na dumating na nagsasayaw at magkaakbay.
Photography: Allan Sancon
-
Magkasamang dumating naman sina Karylle at si Ryan Bang. Si Ryan ay isa sa magiging permanent hosts ng It's Showtime!.
Photography: Allan Sancon
-
Ang nagbabalik na si Coleen Garcia ay kasama rin sa caravan. Matatandaang matagal na naging hurado si Collen sa dating show, pero isa na rin siyang bagong permanent host sa bagong It's Showtime!
Nali-link ngayon si Coleen kay Gab Valenciano.
Photography: Allan Sancon
-
Tumatakbong dumating naman si Jugs.
Photography: Allan Sancon
-
Masayang nagsisigawan naman ang mga employees ng "Sample, Sample!" nang dumating si Jhong Hilario, na isa na ring permanent host.
Photography: Allan Sancon
-
Sinalubong ng ABS-CBN Channel unit head na si Ms. Cory Vidanes ang Party Caravan ng It's Showtime! bilang pagsuporta nito sa bagong palabas.
Photography: Allan Sancon
-
Tuwang-tuwang nag-cheer ang mga empleyado ng ABS-CBN at ibang fans sa mga It's Showtime! hosts.
Photography: Allan Sancon
-
Nakatakdang umalis si Billy Crawford (left) upang pumunta sa France para balikan ang kanyang international career. Kasama niya sa litrato sina Vice at Vhong.
Photography: Allan Sancon
-
Tinaguriang "Sample King" si Jhong Hilario (kanan) dahil sa husay niyang magsayaw. Si Ryan (kaliwa) naman ay ilang beses napaiyak dahil akala niya'y matatanggal na siya bilang hurado sa Showtime.
Photography: Allan Sancon
-
Pinagbigyan ni Anne ang sigaw ng mga ABS-CBN employees na "Sample! Sample!" Gusto nilang kumanta ang self-proclaimed non-singer.
Photography: Allan Sancon
-
Masaya ang Kitchen Musical star na si Karylle sa programa.
Photography: Allan Sancon
-
Naghagis ng T-shirt si Jhong Hilario, katulad ng palagi niyang ginagawa sa studio ng dating Showtime.
Photography: Allan Sancon
-
Dahil naghagis ng T-shirt si Jhong Hilario (kanan), binibiro ni Vice Ganda (gitna) na ihagis naman ni Vhong Navarro (kaliwa) ang kanyang cellphone.
Dedma lang si Vhong.
Photography: Allan Sancon
-
Umikot sa Pasig, Marikina, at Monumento ang Caravan ng It's Showtime!.
Photography: Allan Sancon
-
Sa Lunes, February 6, na magsisimula ang bagong noontime show ng ABS-CBN na may bago ring format: ang It's Showtime!.
Photography: Allan Sancon
