CAST MEMBERS: Valiente
Photography: Noel Orsal
Additional photos from:
TV5
Updated: 01/31/2012
Views: 872
Pagkakaibigan, pag-ibig, galit,
lihim, at paghihiganti—dito iikot ang istorya ng remake ng 80's teleserye na Valiente.
Matapos ang kanilang limang taong
pamamayagpag noon, muling bibigyang buhay ng mga artista ng henerasyong ito
ang kwento ng pagkakaibigan na wawasakin ng galit at paghihiganti.
Noong Enero 30, Lunes, ay naganap ang grand
press launch ng
Valiente sa Hacienda
Leviste sa Lipa, Batangas, kung saan mismo nagaganap ang shooting ng action-serye.

-
Sa isang pambihirang pagkakataon
ay magkakatrabaho ang magkapatid na Mark Gil (kaliwa) at Michael de Mesa (kanan)
sa seryeng Valiente.
Gaganap sila bilang sina Armando
Braganza (Mark Gil) at Damian Valiente (Michael de Mesa), ang mga tauhan na magsisimula
ng kwento ng pamilya Braganza at pamilya Valiente.
Bagama't magkaiba ang estado sa buhay ng dalawang pamilya,
naging maganda ang kanilang samahan na mamamana ng kanilang mga anak na lalaki.
Photography: Noel Orsal
-
Ang papel na Armando Braganza
ay gagampanan ni Mark Gil.
Siya ang mabait at maawain na may-ari
ng Villa Braganza. Napalalago niya ang kanilang hacienda sa tulong na rin ng kanyang
matalik na kaibigang si Damian Valiente (Michael de Mesa), na isang magsasaka.
Mapapangasawa ni Armando si Trining (Jaclyn
Jose), at magbubunga ang kanilang pagmamahalan ng tatlong anak—Theo (Oyo
Sotto), Maila (Nadine Samonte), at Leona (Niña Jose).
Ngunit, maagang papanaw si Armando, at ito na ang
magiging simula ng pagkasira ng magandang relasyon sa pagitan ng mga Braganza at Valiente.
Photography: Noel Orsal
-
Gaganap na mabait at masipag na Damian Valiente si Michael de Mesa.
Siya ang magsasaka na matalik
na kaibigan ni Armando Braganza (Mark Gil), na siya ring may-ari ng
pinasasakahang lupa ni Damian.
Ang asawa ni Damian ay si Luming (Gina
Alajar), at magkakaroon sila ng isang anak, si Gardo (JC de Vera).
Tulad nina Armando at Damian,
magiging matalik na magkaibigan ang kanilang mga anak na lalaki—sina Gardo at Theo (Oyo).
Pero ang pagpanaw ni Armando ay lubos na
makakaapekto sa mga binata.
Photography: Noel Orsal
-
Ang malupit at makasariling si
Donya Trining ay gagampanan ni Jaclyn Jose.
Siya ang asawa ni Armando Braganza at ina nina Theo (Oyo), Maila (Nadine) at Leona (Niña).
Matapos pumanaw ng kanyang asawa'y
pamumunuan na ni Donya Trining ang Hacienda Braganza, habang unti-unti niyang binabago ang
kanyang mga anak upang maging malupit at makasarili, tulad niya.
Ang maling
paghubog niya sa kanyang mga anak ang magiging dahilan upang magkalayo ang loob
nila Theo at Gardo (JC), na tulad ng kanilang mga ama'y dating matalik na
magkaibigan.
Ngunit ang galit ni Trining sa pamilya Valiente, particular
na kay Gardo, ay bunga ng isang lihim na nakaraan.
Photography: Noel Orsal
-
Sina JC de Vera (kaliwa) at Oyo
Sotto (kanan) ang magbibigay-buhay sa mga karakter nina Gardo Valiente at Theo Braganza.
Sina Gardo (JC) at Theo (Oyo) ay matalik na magkaibigan simula pa noong mga bata sila. Sabay nilang
natutunan ang mga bagay-bagay sa hacienda, na itinuro ng kanilang mga
ama na sina Damian (Michael) at Armando (Mark).
Mangyayaring magkakalayo ang dalawa at magkakaroon ng magkaibang prinsipyo sa buhay.
Photography: Noel Orsal
-
Si Theo, na gagampanan ni Oyo
Sotto, ay ang panganay na anak nina Armando (Mark Gil) at Donya Trining (Jaclyn
Jose), at kapatid nina Maila (Nadine Samonte), at Leona (Niña Jose).
Isang responsible at mabuting
anak, kapatid, at kaibigan si Theo. Ngunit, matapos pumanaw ng kanyang ama'y
huhubugin siya sa maling paraan ng kanyang ina, at tulad nito'y magiging
malupit at mapagmataas.
Si Theo din ang isa sa mga hahadlang sa
pag-iibigan ng kapatid na si Maila at ni Gardo (JC de Vera). Tutulungan niya ang kanyang
kapatid na si Leona para mapaibig si Gardo.
Photography: Noel Orsal
-
Si Maila, ang mabait at
maunawaing anak nina Donya Trining (Jaclyn) at Armando (Mark), ay
gagampanan ni Nadine Samonte.
Simula pagkabata ay malapit na
ang loob ni Maila kay Gardo, ang matalik na kaibigan ng kuya niyang si Theo. Ang pagiging malapit nila kalauna'y hahantong sa
pag-iibigang wagas.
Ngunit dahil sa makasarili niyang kapatid na si
Leona (Niña) ay maaaring masira ang pagmamahalan nina Maila at Gardo.
Photography: TV5
-
"Hindi naman talaga siya masama,
isang babae lang siyang na-in love," ganito ang paglalarawan ni Niña Jose sa
kanyang karakter na si Leona.
Si Leona ay anak din nina Donya
Trining (Jaclyn) at Armando (Mark).
Kaiba kay Maila, sunod sa layaw
si Leona, at katulad ng kanyang ina'y makasarili at pilit kukunin ang anuman niyang naisin.
Iibig siya kay Gardo (JC), kaya naman
hihingin niya ang tulong ng ina at kuya Theo (Oyo) upang maagaw
si Gardo kay Maila (Nadine).
Photography: TV5
-
Ang anak nina Damian (Michael) at Luming (Gina) ay si Gardo, na gagampanan ni JC de Vera.
Isang masipag at mabuting anak, tutulong ito sa kanyang ama sa pagsasaka sa Hacienda Braganza, na pag-aari ni Armando (Mark), ang
matalik na kaibigan ng kanyang ama.
Matalik na kaibigan ni Gardo si Theo
(Oyo), ngunit dahil sa unti-unting pagbabago sa ugali ng huli'y magkakalayo
sila ng loob.
Photography: TV5
-
-
Ang batikang aktor na si John
Regala ay kasama rin sa serye bilang Peping.
Si Peping ang katuwang ni Donya
Trining (Jaclyn) sa pagsagawa ng masasamang plano laban sa pamilya Valiente.
Ngunit sa likod ng kanilang pagsasabwatan,
may isang sikreto mula sa kanilang nakaraan ang maaaring maging susi sa mga katanungan sa
kasalukuyan.
Photography: TV5
-
Si
Toni Mabesa ang gaganap na Victorino Penitente, ang malumanay at mabait na
kaibigan ni Donya Trining (Jaclyn).
Photography: Noel Orsal
-
Ang
pipeng si Ariston (Jim Pebanco) ang makakasaksi sa malagim na pangyayari sa nakaraan, na magbibigay
kasagutan sa ilang palaisipan sa pagitan ng pamilya Braganza at Valiente.
Photography: Noel Orsal
-
Ang
mga aktor at aktres na gaganap bilang mga batang Theo, Maila, Leona, at
Gardo ay sina (mula kanan) Arvic Tan, Liane Valentino, Czarina Suzara, at Ross
Pesigan.
Photography: Noel Orsal
-
Ang
freelance child actress na si Liane Valentino ay gaganap na batang Maila, ang anak nina Trining (Jaclyn) at Armando (Mark) at kapatid nila Theo
(Arvic Tan at Oyo Sotto) at Leona (Czarina Suzara at Niña Jose).
Unang nakilala
si Liane sa children's show ng GMA-7 na Tropang
Potchi.
Photography: Noel Orsal
-
Si
Czarina Suzara naman ang gaganap na batang Leona, anak din nina Trining (Jaclyn) at Armando (Mark) at kapatid nila Maila (Liane Velentino at Nadine Samonte)
at Theo (Arvic Tan at Oyo Sotto).
Si Czarina ay isang commercial model, at unang
napanood sa TV5 teen-oriented show na Lipgloss.
Photography: Noel Orsal
-
Si Arvic Tan ay ang gaganap na
batang Theo, panganay na kapatid nina Maila (Liane Velentino at Nadine Samonte)
at Leona (Czarina Suzara at Niña Jose), at nag-iisang anak na lalaki nina Trining
(Jaclyn) at Armando (Mark).
Si Arvic ay isang commercial
model, mang-aawit, at mapapanood din sa GMA-7 late-night show na Walang Tulugan With The Master Showman.
Photography: Noel Orsal
-
Si Ross Pesigan naman ang gaganap
na batang Gardo, ang anak nina Luming (Gina) at Damian (Michael).
Si Ross ay isang theater
performer mula sa Dulaang U.P., at ngayon pa lang sasabak sa pag-arte sa
harap ng kamera.
Photography: Noel Orsal
-
Ang remake ng Valiente ay nasa ilalim ng direktor na
si Joel Lamangan. "Malapit sa puso" raw ng veteran director ang proyektong ito dahil isa
siyang taga-subaybay noon ng orihinal na Valiente.
Photography: Noel Orsal
-
Ang mga aktor at aktres na
magbibigay-buhay sa mga tauhan ng palabas na Valiente: (mula kaliwa, pinakataas) JC de Vera, Nadine Samonte,
Oyo Sotto; (gitnang linya) Mark Gil, Jaclyn Jose, Michael de Mesa; (pinakababa) Tony Mabesa, Liane
Valentino, Ross Pesingan, Arvic Tan, Czarina Suzara, at Jim Pebanco.
Ang Valiente
ay magsisimula na sa Pebrero 13, sa primetime block ng TV5.
Si Mr. Tony Tuviera—na siya ring prodyuser ng Eat Bulaga!, ang blocktimer sa noontime slot sa GMA-7—ang prodyuser ng action seryeng ito.
Photography: Noel Orsal
