The Cast of Alice Bungisngis and Her Wonder Walis
Updated: 01/31/2012
Views: 1656
Magsisimula na sa February 6 ang Alice Bungisngis and Her Wonder Walis na pinagbibidahan ng isa sa mga pinakasikat na Kapuso tween star ngayon, si Bea Binene.
Makakasama niya sa kanyang mga kakaiba at nakatutuwang 'magical adventures' ang mga kapwa tween stars na sina Jake Vargas, Derrick Monasterio at mga beteranong aktor at aktres na sina Jean Garcia, Ana Roces, Janno Gibbs at marami pang iba.

-
Si Bea Binene ay ang gaganap bilang Alice. Dahil sa mga kakaiba ngunit sinasadyang mga pangyayari, nahiwalay si Alice sa kanyang mga tunay na magulang at naging isang teenager na lumaki sa isang ampunan.
Habang siya'y lumalaki, makakagisnan si Alice ng kakaiba at nakatutuwang bungisngis. Siya rin ay nagtataglay ng isang natatagong kapangyarihan.
Photography: GMA-7
-
Si Jean Garcia ay gaganap bilang Esmeralda, isang mangkukulam na naging dahilan kung bakit nalayo si Alice sa tunay niyang mga magulang.
Sa kalaunan, siya'y magpapanggap din bilang ina ni Alice upang matakasan ang isang sumpa na ipinataw sa kanya. Sa umpisa'y tatanggapin siya ni Alice bilang isang ina.
Photography: GMA-7
-
Si Ana Roces bilang Matilda, ang tunay na ina ni Alice. Isa siyang mabuting mangkukulam na isinumpa ni Esmeralda na maging matanda sa bandang huli.
Si Matilda ay ang asawa ni Hilario (Janno Gibbs), ang ama ni Alice.
Photography: GMA-7
-
Si Janno Gibbs bilang Hilario, ang ama ni Alice na isinumpa naman ni Esmeralda na mabitag sa sisidlan na may dagta.
Magpapatuloy ang paghihirap ng mag-asawang Matilda (Ana Roces) at Hilario hangga't hindi nawawala ang sumpa kay Esmeralda (Jean Garcia).
Photography: GMA-7
-
Jake Vargas bilang Ace, ang suplado at tahimik na tagapagmana ni Don Zaldy (Roy Alvarez).
Sa una ay hindi sila magkakasundo ni Alice ngunit sa kalaunan ay magiging matalik silang magkaibigan at magkakagustuhan na tutulan naman ni Maggie (Irma Adlawan), ang ina ni Ace.
Photography: GMA-7
-
Derrick Monasterio ay gaganap bilang Spade, ang kapatid ni Ace na maingay at masiyahin na magiging mabuting kaibigan din ni Alice.
Photography:
-
Lexi Fernandez bilang Queenie, ang schoolmate nina Ace at Spade na pagseselosan ni Alice at gagawa ng paraan upang pahirapan ito.
Photography: GMA-7
-
Si Alicia Alonzo ay gaganap bilang Lola Andeng, isang matandang nagtitinda sa Quiapo na mapapalapit kay Alice.
Photography: GMA-7
-
Roy Alvarez bilang Don Zaldy, isang mayamang pilantropo na siyang tumutulong sa ampunang tinutuluyan ni Alice. Siya rin ang lolo nina Ace at Spade.
Photography: GMA-7
-
Irma Adlawan bilang Gareng o Maggie, ang matapobreng ina nina Ace at Spade na tutol sa kanilang pakikipagkaibigan kay Alice.
Photography: GMA-7
-
Benjie Parasbilang Timoteo o Tim, ang mali-mali at laging palpak na alalay ni Esmeralda.
Photography: GMA-7
-
Sheena Halili bilang Sinag, ang tagasunod ni Esmeralda na isinumpa niyang maging manika upang mabantayan si Alice sa ampunan.
Photography: GMA-7
-
Sef Cadayona bilang Tomas o Tom, ang mayabang at atribidang sidekick ni Esmeralda.
Photography: GMA-7
-
Marc Justin Alvarez bilang Wally, ang pinsan ni Alice na isinumpang maging walis ngunit lagi pa ring handang tulungan si Alice.
Photography: GMA-7
-
Lenlen Frial bilang Gelay, ang makulit na batang umiidolo kay Alice sa bahay ampunan.
Photography: GMA-7
