Annebisyosa: No Other Concert Part 2
Photography: Melo Balingit
Updated: 02/01/2012
Views: 1060
Noong January 28, 2011 ay natupad ang isa sa malaking pangarap ng aktres na si
Anne Curtis—ang magkaroon ng major solo concert. Pinamagatang Annebisyosa: No Other Concert,
naganap ang "first and last" concert ni Anne sa Smart Araneta Coliseum.
Bagamat hindi isang tunay na singer, napuno ni Anne ang Big Dome.
CLICK HERE to read related story.

-
Ipinakita ni Anne Curtis ang kanyang "rock-star side" sa pamamagitan ng pagkanta at paggitara ng rock songs na "Ironic" ni Alanis Morisette at "Zombie" ng Cranberries.
Photography: Melo Balingit
-
Sinamahan si Anne sa rock segment ng rock icon na si Rico Blanco. Kinanta ng dating Rivermaya vocalist ang "Champagne Supernova" ng Oasis. Pagkatapos nito ay nag-jamming sa paggigitara sina Anne at Rico, kasama si Ira Cruz.
Photography: Melo Balingit
-
Kinilig naman ang mga nasa audience nang tawagin ni Anne ang kanyang sumunod na special guest—ang kanyang ex-boyfriend na si Sam Milby. Nag-duet ang dating magkasintahan ng "Always Be My Baby" ni David Cook. Pagkatapos nito ay kinanta naman ni Sam ang kanyang hit single na "Akin Ka Na Lang."
Photography: Melo Balingit
-
Nag-init naman ang stage dahil sa sexy dance number ng co-stars ni Anne sa No Other Woman na sina Cristine Reyes at Derek Ramsay.
Photography: Melo Balingit
-
Sa kalagitnaan ng kanilang sayaw ay tinanggal ni Derek ang kanyang pang-itaas at tumambad ang kanyang magandang pangangatawan, na ikinatuwa ng mga kababaihan at kabadingan sa audience.
Photography: Melo Balingit
-
Hindi naman nagpahuli si Cristine, na seksing-seksi rin sa kanyang skimpy outfit, na ikinainit ng mga kalalakihan sa audience.
Photography: Melo Balingit
-
Hindi siyempre magpapatalbog si Anne, na bumaba sa stage suot ang isang very revealing swimsuit, na kapareho ng ginamit niya sa isang eksena sa No Other Woman.
Photography: Melo Balingit
-
Kunwari ay nagtatarayan dito sina Anne at Cristine, kagaya ng mga eksena nila sa kanilang pelikula, na isa sa pinaka-kumita noong 2011.
Pero nang tanungin ng dalawang aktres si Derek kung sino ang pipiliin niya sa kanilang dalawa, halimbawang pare-pareho silang walang karelasyon ngayon, natatawang sumagot ang aktor ng: "Kay Angel pa rin ako!" Ang kasintahan niyang si Angelica Panganiban ang tinutukoy ni Derek.
Photography: Melo Balingit
-
Napuno naman ng kulay ang stage habang kinakanta ni Anne ang "Super Bass" ni Nicki Minaj.
Photography: Melo Balingit
-
Nagmistulang isang prinsesa si Anne sa kanyang puting gown sa duet nila ng Pop Princess na si Sarah Geronimo.
Photography: Melo Balingit
-
Biro ni Sarah sa kanyang VTR interview, pinaghandaan at nag-practice daw siya nang husto para sa duet nila ni Anne.
Photography: Melo Balingit
-
Ang kanta ng Aerosmith na "I Don't Wanna Miss A Thing" ang kinanta nina Anne at Sarah. Pero ipinaubaya ni Sarah kay Anne ang pinakahuli at pinakamataas na tono ng kanta, na walang takot namang ginawa ng aktres.
Photography: Melo Balingit
-
Pinatunayan ni Sarah kung bakit siya binansagang Pop Princess sa kanyang solo number. Kinanta ni Sarah ang "Never Let Me Go"/"Let's Dance" mash-up.
Photography: Melo Balingit
-
Damang-dama naman ni Anne habang kinakanta niya ang "Someone Like You" ni Adele. Ito ang isa sa most-applauded numbers sa buong concert.
Photography: Melo Balingit
-
Tinapos ni Anne ang concert sa pamamagitan ng pagkanta ng "Born This Way" ni Lady Gaga.
Photography: Melo Balingit
-
Ito ang ilan sa mga ginamit na damit at accessories ni Anne sa kanyang concert.
Photography: Melo Balingit
-
Ang red gown na ito ang isinuot ni Anne sa kanyang "Someone Like You" number.
Photography: Melo Balingit
-
Ang sequence guide ng Annebisyosa concert, na nakapaskil sa dressing room ni Anne.
Photography: Melo Balingit
-
Kasabay na dumating ni Kris Aquino sa Araneta Coliseum ang kambal na sina Raymond at Richard Gutierrez at si Direk Erick Salud. Nagkagulo ang mga tao nang dumating ang grupo ni Kris.
Photography: Melo Balingit
-
Suot-suot ng TV host-eventologist na si Tim Yap ang specially-designed shirt ng concert ni Anne.
Photography: Melo Balingit
-
Kabilang din sa mga nanood ng concert ay ang singer na si Jed Madela at ang young actress na si Jessy Mendiola.
Photography: Melo Balingit
-
Naroon din ang dating aktres na si Nicole Anderson, anak ng aktres na si Jean Saburit.
Photography: Melo Balingit
-
Katabi sa upuan ng talent manager na si Annabelle Rama (third from left) sina Solenn Heussaff (extreme left), Georgina Wilson (extreme right), at ang isa sa mga bagong alaga ni Annabelle.
Photography: Melo Balingit
-
Nagbigay rin ng suporta ang Viva Talents Agency boss na si Veronique del Rosario (left) at sina Girlie Rodis at Veana Fores.
Photography: Melo Balingit
-
Tila nag-e-enjoy sa kanilang napapanood ang ABS-CBN lady executives na sina Charo Santos-Concio (in white) at Cory Vidanes (in black and white).
Photography: Melo Balingit
