Cast Members: "Nandito Ako"
Updated: 02/06/2012
Views: 53290
Isang kuwento ng pagkakaibigan, pamilya, at pag-ibig ang
matutunghayan sa bagong mini-serye ng TV5 na Nandito Ako.
Ang kwento ay nakatuon sa dalawang dalaga na iibig sa iisang binata, na
magiging dahilan ng pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan.
Noong Sabado, Pebrero 4, ay naganap ang press launch
ng Nandito Ako sa Meralco Fitness
Center Multi-Purpose Hall, Meralco Compound, Pasig City.

-
Ang American Idol sensation na si David Archuleta (gitna) ang gaganap na bida sa mini-serye na Nandito Ako.
Unang beses na magka-trabaho nina Eula Caballero (kaliwa), at Jasmine Cutis-Smith (kanan), si David.
Isang napagandang pagkakataon sa kasaysayan ng local TV ang unang pagganap ni David sa isang palabas.
Photography: Noel Orsal
-
Si David Archuleta ang gaganap bilang Josh Bradley, ang
sikat na mang-aawit na mapupunta sa Pilipinas para sa kanyang concert tour.
Pero sa kanyang pagpunta sa Pilipinas ay malalaman niyang
buhay pa ang kanyang ina na si Kara (G Tongi).
Kaya naman magpapatulong siya kay Holly (Eula Caballero) na hanapin
ang kanyang ina. Ngunit ang matalik na kaibigan ni
Holly na si Anya (Jasmine Cutis-Smith) ang sasama kay Josh sa Batangas sa
paghahanap nito sa kanyang ina.
Noong una'y si Holly ang magugustuhan ni Josh. Ngunit,
unti-unting mababaling ang atensyon ng binata kay Anya.
Photography: Noel Orsal
-
Si Kara ay ang ina ni Josh (David Archuleta) na gagampanan
ni G Tongi.
Mawawalay siya sa kanyang anak na maninirahan sa ibang bansa
kasama ang ama nito, at iniisip niyang imposible na silang magkasamang muli.
Ngunit, matapos malaman ni Josh na buhay ang kanyang ina na nasa Pilipinas, hahanapin niya ito, at muli silang magkakasama.
Photography: Noel Orsal
-
Si Jasmine Curtis-Smith ay si Anya, ang anak ni
Theresa (Gelli de Belen) at nakatatandang kapatid ni Alladin (Byron Ortile).
Hihilingin ni Holly kay Anya na tulungan si Josh (David Archuleta) sa paghahanap
nito sa kanyang ina sa Batangas.
Sa kanilang paghahanap, magkakapalagayan ng loob si Josh at si Anya. Pero pipiliin ni Anya na magparaya
dahil alam niyang mahal ni Holly si Josh.
Photography: Noel Orsal
-
Ang mabait ina ni Anya (Jasmine Curtis-Smith) at Alladin (Byron
Ortile) ay si Theresa na gagampanan ni Gelli de Belen.
Mayroon silang iringan noon ni Margaret (Aiko
Melendez), ang ina ni Holly (Eula Caballero) na matalik na kaibigan ni Anya.
Ang masamang nakaraan nina Theresa at Margaret ay makakaapekto sa pagkakaibigan
ng kanilang mga anak.
Photography: Noel Orsal
-
Ang dalagang naghahanap ng pag-aaruga ng kanyang ina'y si
Holly, na gagampanan ni Eula Caballero.
Magkakagustuhan sa isa't isa sina Josh at Holly, hanggang sa
makilala ng binata ang matalik na kaibigan ni Holly na si Anya (Jasmine
Curtis-Smith).
Sa maikling pagsasama nina Josh at
Anya'y maghuhulog ang loob nila sa isa't isa na makaaapekto sa pagkakaibigan ng
dalawang dalaga.
Photography: Noel Orsal
-
Si Aiko Melendez ay ang nanay ni Holly (Eula Caballero) na
si Margaret.
Madalas niyang pagsabihan ang kanyang anak na
nagloloko. Ngunit, hindi niya alam na paraan lamang ito ni Holly para makuha
ang kanyang atensyon.
Samantala, mayroong hindi magandang nakaraan sina
Margaret at Theresa, ang ina ni Anya (Jasmine Curtis-Smith), na makakaapekto sa
pagkakaibigan ng kanilang mga anak.
Photography: Noel Orsal
-
Si Alwyn Uytingco ay si Billy, isang sound technician at matalik na
kaibigan ni Josh (David Archuleta).
Siya ang sasabihan ni Josh ng kanyang mga saloobin sa
tuwing nangungulila ito sa kanyang ina o may sama ito ng loob sa kanyang ama.
Photography: Noel Orsal
-
Ang kababata ni Anya (Jasmine Curtis-Smith) na si Mando ay
gagampanan ni Joseph Bitangcol.
Mayroon siyang lihim na pagtingin kay Anya. Kaya naman
pilit niyang sisirain ang nabubuong pagmamahalan nina Josh (David Archuleta) at
Anya.
Photography: Noel Orsal
-
Ang mapagkakatiwalaang personal driver ni Josh (David
Archuleta) na si Mang Pablo ay gagampanan ni Mon Confiado.
Siya ang madalas kuwentuhan ni Josh lalo na sa usaping
pag-ibig.
Photography: Noel Orsal
-
Si Ana Feleo ay si Chit, ang road manager at
tagapagtanggol ni Josh (David Archuleta).
Photography: Noel Orsal
-
Kabilang din sa cast sina RS Francisco (nakasalamin) at
Byron Ortile (bata).
Si RS Francisco ay ang gaganap bilang Volta,
ang parloristang matalik na kaibigan ni Theresa (Gelli de Belen).
Habang si Byron Ortila naman ay si Alladin, ang anak
ni Theresa at nakababatang kapatid ni Anya (Jasmine Curtis-Smith).
Photography: Noel Orsal
-
Ang mini-seryeng Nandito Ako ay nasa ilalim ng direkyon ni Mac Alejandre.
Katatapos lang pumirma ng four-year exclusive contract si direk Mac sa Kapatid network matapos niyang gawin ang primetime epic-serye ng
GMA-7 na
Amaya.
Photography: Noel Orsal
-
Masayang nagpaunlak na makunan ng litrato ang buong cast ng Narito Ako: (L-R) Alwyn Uytingco, Joseph Bitangcol, Aiko Melendez, Gelli de Belen,
Eula Caballero, Byron Ortile, David Archuleta, Jasmine Curtis-Smith, G Tongi,
Ana Feleo, RS Francisco, at Mon Confiado.
Mapapanood ang mini-seryeng ito ng Kapatid network simula
sa Pebrero 20, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Wil Time Bigtime.
Photography: Noel Orsal
