Lovi Poe's Birthday Mall Tour

Photography: Allan Sancon
Updated: 02/10/2012
Views: 43124
Bukas pa, Sabado, February 11, ang eksaktong birthday ng Kapuso actress na si Lovi Poe.
Ngunit bago dumating ang araw ng kanyang birthday, ipinagdiwang na niya ito, kasama ang mga fans, sa pamamagitan ng isang birthday mall tour noong February 5, Linggo ng hapon, sa SM City Manila.
Tunghayan ang mga kaganapan sa masayang Lovi Poe Birthday Mall Tour!

-
Sa kanyang pagbati, masayang-masaya si Lovi sa pagkakaroon ng birthday mall tour sapagkat ito raw ang pagkakataon na makakasama at mapapasaya niya ang kanyang mga fans.
Photography: Allan Sancon
-
Habang wala pa si Lovi, inumpisahan muna ni Mico Aytona, bilang front act ni Lovi, ang pagpapasaya sa mga fans na dumalo.
Photography: Allan Sancon
-
Naghandog ng ilang awitin si Miko habang hinihintay si Lovi mula sa guesting nito sa Showbiz Central, ang Sunday afternoon GMA-7 talk show.
Photography: Allan Sancon
-
Sa pagpapatuloy ng kasiyahan, nagpalaro at namigay ng mga papremyo si Mico (may hawak ng mike) sa mga fans.
Photography: Allan Sancon
-
Kahit medyo masikip na sa atrium activity center ng SM Manila, walang ininda sa paghihintay ang mga fans, makita lang ang kanilang idol.
Photography: Allan Sancon
-
Nang umapak na sa entablado si Lovi, naghiyawan ang kanyang mga fans, lalo na nang inawitan sila ng young actress.
Photography: Allan Sancon
-
Kwento ni Lovi sa mga fans: Masaya raw siya ngayong kaarawan niya kahit single siya.
Photography: Allan Sancon
-
Nang nilapitan ni Lovi ang kanyang mga fans, di magkaugaga at nagsiksikan ang mga ito para makuhanan siya ng picture, makasama siya sa picture, o makamayan man lang.
Photography: Allan Sancon
-
Dahil sa tuwang-tuwa ang mga fans ni Lovi sa birthday mall tour niya, napuno ng hiyawan at balyahan sa activity center.
Photography: Allan Sancon
-
Nagkaroon ng pakulo si Lovi para sa kanyang fans. Kumuha siya ng isang fan na gagayahin ang kanyang mga tanyag na linya sa Legacy, ang bagong serye sa GMA-7.
Photography: Allan Sancon
-
Makikita rito ang pakikipag-duet din si Lovi sa isa sa kanyang mga fans na dumalo sa mall tour.
Photography: Allan Sancon
-
Mapalalake man o babae, bata o matanda—halos lahat gustong makipagkamay sa kanilang Kapuso idol na si Lovi Poe.
Photography: Allan Sancon
-
Malaki ang papasalamat ni Lovi sa lahat ng fans na dumalo ng kanyang birthday mall tour.
Photography: Allan Sancon
-
Makikita ang sobrang suporta kay Lovi, ang babaeng anak ng yumaong Fernando Poe, Jr., ng kanyang mga avid "LOVI" fans.
Photography: Allan Sancon
-
Nagpapirma kay Lovi ang isang fan ng poster na nakalarawan ang idol.
Sa poster, si Lovi ang bagong endorser at commercial model ng isang brand ng alak na kasama ang Pinoy rock icon na si Ely Buendia.
Photography: Allan Sancon
-
Nagpapirma rin ang ibang fans ni Lovi ng mga VCD ng kanyang mga dating pelikula.
Photography: Allan Sancon
-
Kahit walang makaka-date ngayong darating na Valentine's Day si Lovi, masaya pa rin raw siya, lalo na ngayon na "super blessed" daw siya.
Photography: Allan Sancon
-
Si Lovi ang
gumaganap na Natasha Alcantara sa Legacy, ang pinakabagong handog na teleserye ng GMA-7 sa primetime.
Photography: Allan Sancon
