Halos napuno ang Smart-Araneta Coliseum ng mga taga-suporta ng mga kandidata para sa Binibining Pilipinas 2012.
Ito ay ginanap pasado alas siyete ng gabi noong Linggo, Abril 15.
Sina Xian Lim, Venus Raj, Georgina Wilson, at Iza Calzado ang nagsilbing hosts.
Dumalo rin ang ilang former Binibining Pilipinas beauty queens tulad nina Jean Saburit, Daisy Reyes, Miriam Quiambao, Bianca Manalo, at marami pang iba.
Tinilian namang husto sina Richard Gomez at Phil Younghusband na kabilang sa mga hurado, kung saan kasama rin si Precious Lara Quigaman.



























