Isang pasasalamat ang inihandog ng ABS-CBN sa mga Kapamilyang patuloy at masugid na sumusubaybay sa kanila. Ito ay sa pamamagitan BIDA Kapamilya, isang maghapong Community Public Service na ginanap sa Ynares Center, Antipolo, noong nakaraang Abril 14, 2012 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi. Kabilang dito ang TLC ng DZMM, Ako Ang Simula Job Fair, Salamat Doc Medical Mission at BIDA Kapamilya Entertainment Show na dinaluhan ng ilang Kapamilya Stars.


















