Bago ang premiere night ng romance-drama na Just One Summer, isa munang press con ang ginanap para sa nasabing pelikula kahapon, August 13, sa Max's restaurant, Megamall.
Pagkatapos ng press conference, dumeretso ang stars ng pelikula na sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, kasama ang ilang supporting cast, sa Cinema 9 ng Megamall, para naman sa nabanggit na premiere night.
Dumagsa ang fans nina Julie Anne at Elmo sa premiere night. Tilian din ang fans tuwing lumalabas ang dalawa sa screen lalo na sa romantic scenes.











