Isa nang ganap na National Artist ang tinatawag na Action King na si Fernando Poe Jr. Naganap ang ceremony for the Conferment of the Order of National Artists for Cinema (Posthumous) noong August 16, sa Rizal Ceremonial Hall ng Malacañang Palace.
Sa pagkakataong ito, dumalo ang asawa ni FPJ na si Susan Roces at ang anak na si MTRCB Chair Mary Grace Poe-Llamanzares.
Nandun din ang iba pang National Artists— sculptors Napoleon Abueva and Abdulmari Asia Imao, poet Virgilio Almario (o mas kilala sa bansag na Rio Alma), at ang filmmaker na si Eddie Romero.




