Nagkaroon na rin ng pagkakataon sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na magbakasyon!
Sa magkahiwalay na mga panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa magkasintahan, sinabi nilang dahil sa busy schedules nila'y hindi pa sila nakakapagplano ng bakasyon.
Pero sa huli ay naayos nila ito, at ang napili nilang vacation spot ay Japan.
Umalis ng bansa sina Marian at Dingdong noong Marso 30, at hanggang ngayon ay nasa Japan pa.
Ito ang ilang larawan na na-i-post ni Dingdong sa kanyang Instagram account (dongdantes).



