Natutulog Ba Ang Diyos? cast members
Photography: Courtesy of ABS-CBN
Updated: 01/28/2009
Views: 111869
Natutulog Ba Ang Diyos? ay isang de-kalibreng Sineserye na hinango mula sa obra maestra ni Lino Brocka at sa orihinal na nobela ni Ruben Marcelino. Ito ay tungkol sa kwento ng dalawang bata na pinagpalit ng kanilang magulang nang ipanganak sila. Ang isa ay mapupunta sa isang mariwasang pamilya samantalang ang isa ay magsisilbing alalay para sa kanyang bagong amo.

-
Sina Roxanne Guinoo, Jake Cuenca, at Joross Gamboa (kaliwa) ang mga bida sa kwento ng pag-ibig sa gitna ng mapaglarong tadhana.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Sina Gillian (Roxanne Guinoo) at Andrew (Jake Cuenca) ang dalawang batang pinagpalit ang mga kapalaran nang isilang sila ng kanilang mga magulang. Si Lorna Tolentino ang unang gumanap na Gillian sa pelikula ni Lino Brocka noong dekada ‘80s samatalang si Ricky Davao naman ang orihinal na Andrew.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Roxanne Guinoo bilang Gillian. Lumaki sa piling ng mapang-aping magulang. Mula pagkabata ay itinago na sa kanya ang isang katotohanan na siyang susi sa kanyang katauhan. Kung sa loob ng kanilang tahanan siya ay sunud-sunuran, sa labas siya'y palaban at may paninindigan. Makikilala at iibigin niya si Andrew.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Jake Cuenca bilang Andrew. Lumaki sa piling ng mapag-arugang magulang. Mayaman at malapit sa mga babae. Ang hindi alam ng lahat, unti-unti na niyang natutunang mahalin si Gillian. Ngunit, imbis na makilala si Gillian sa kung ano siya ngayon, mag-iiba at magbabago ang lahat dahil sa isang sikretong itinago sa kahapon.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Joross Gamboa bilang Mark. Matalik na kaibigan ni Andrew. Mula pagkabata, siya ang laging pumapagitna sa awayang Andrew at Gillian kaya naman hindi na maitatanggi pa ang kanyang lihim na paghanga sa dalaga. Ngunit, marami ang humahadlang. Mahal niya si Gillian kahit alam niyang mahal din ito ng kanyang kaibigan.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Dina Bonnevie bilang Rose. Butihing asawa ni Mike at and tumatayong ina ni Andrew. Mabait, mapagmahal at maunawain. Handa niyang ibigay ang lahat para kay Andrew. Mapapalapit ang loob niya kay Gillian.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Si Matt Ranillo III ang gaganap bilang Mike. Mayamang asawa ni Rose at ang tumatayong ama ni Andrew. May-ari ng isang malaking kompanya kaya naman masigasig niyang tinuturuan si Andrew na maging responsable. Dahil sa kagaspangan ng ugali ni Andrew, pilit niyang itatanong kung sa sarili kung kanino nga ba ito nagmana.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Rosanna Roces bilang Patria. Asawa ni Bernardo at ang tumatayong ina ni Gillian. May pusong ina ngunit iba ang ipinapakita nito kay Gillian. Pilit niyang itinago sa isang kasalanang ginawa ng kanyang asawa na si Bernardo.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Ronnie Lazaro bilang Bernardo. Asawa ni Patria at ang tumatayong ama ni Gillian. Namamasukang driver sa mansiyon nina Rose at Mike. Mapagpanggap. Nasa kanya ang susi sa katauhan nina Gillian at Andrew.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Ang mga tauhan ng Natutulog Ba Ang Diyos? ay ang mga sumusunod: (mula sa kaliwa, mga nakatayo) Denise Laurel, Ronnie Lazaro, Joross Gamboa, Bing Pimentel, Jake Cuenca, Matt Ranillo III, at Mara Lopez. Kasama rin nila sina (mula sa kaliwa, mga nakaupo) Rosanna Roces, Roxanne Guinoo, at Dina Bonnevie.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
