PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Stars in Boracay (Part II)

How come fewer celebrities went to Boracay this year?
Published Mar 28, 2008
The Madrigal sisters, Ehra and Michelle, consider themselves as Bora mainstays during Holy Week.

GOOD FRIDAY. Kinabukasan, Biyernes Santo, ay maaga kaming nagising dahil sa tilaok ng mga manok. Grabe, ang aga ng tilaok nila sa samantalang kauuwi palang naming noong mga oras na ‘yon!

Pero patuloy pa rin kami sa pagtulog hanggang sa magising ulit kami ng alas otso ng umaga. After breakfast, pumunta na ulit kami sa D' Mall para umikot. As expected, wala kaming nakitang celeb. Malamang tinanghali sila ng gising.

Pagkatapos mananghalian ay nadaanan namin itong si Raven Villanueva na tila naghahanap ng makakainan, kasama ang kanyang kaibigan. Hindi pa kami nakakalayo ay nakasalubong ulit namin itong si Victor Basa, kasama ang PR Officer ng Star Cinema na si Thess Gubi, and Star Magic handler na si Alan Real, at ang road manager na si Danilyn Nunga.

Noong nagtungo kami sa Jonah's para uminom ng shake, nasulyapan namin sina Zanjo Marudo at Mariel Rodriguez. Pareho pa'ng design ng suot nilang shades, bagama't magkaiba ng kulay. Hindi pa raw sila kumakain at kadarating lang daw nila sa Boracay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

After nilang kumain ay sinundan namin sila pabalik sa kanilang hotel. Sinabi sa amin ni Mariel na sa La Carmela pa raw sila naka-check in, na nasa station 3, kaya naman pagdating ng station 2 ay humiwalay na kami sa kanila. Anyway, magkita na lang daw kami sa kanilang rehearsal sa Fit N Right.

Tsinika rin nito sa amin na darating sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo, pati na rin yung iba pang artista na kasama sa production.

Pagbalik ay dumiretso na kami ng White House, mayroon daw kasing nag-iimbita sa amin na congressman para mag-snack. Kasama namin noon sina Ginger Conigero at Ricky Bautista ng ABS-CBN. Pero hindi rin ako nagtagal doon dahil kailangan naming bumalik sa station 2.

Tamang-tama, on our way, nakasalubong ko si Michelle Madrigal na naka-swimsuit kaya dali-dali ko itong kinunan.

Pagkatapos ay pumila kami sa bilihan ng inihaw na pusit, kung saan namin nakita sina Hero Bautista, na naka-Arab costume, at Direk Richard Arellano ng Pinoy Mano Mano, kasama ang tatlong Kung Fu Kids na sina Jairus Aquino, Paul Salas at Joseph Andrei Garcia. Pinagkakaguluhan ng mga tao ang mga bagets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pang busy sa mga fans ay itong si Andrew Wolfe. Feeling namin, lahat na yata ng mga taong gustong magpa-souvenir photo sa kanya ay pinagbigyan nito.

Kinagabihan, pagkatapos naming mag-ikot-ikot, pumunta na kami sa Nigi Nigi Resort para sa birthday party ni Paolo Contis. Nakita namin doon sina Isabel Oli, Mark Herras, Andrew Wolfe, at Marilen Nuñez.

Tanong nila sa amin, "Bakit ngayon lang kayo?" Pasado alas onse na ng gabi no'n. Sayang daw dahil hindi namin inabot ‘yong iba pang artista na nandoon.

Although, ang mga artistang sinasabi nila ay ang mga nakuhaan na rin namin.

At dahil nga patapos na rin ang party ni Pao ay lumipat na kami sa rehearsal ng Fit ‘N Right. Dito namin nakita ang ibang mga artista, sina Jake Cuenca, Roxanne Guinoo, Bangs Garcia, Wendy Valdez, Bruce Quebral, Rafael Rossel, at Pooh.

Sayang nga lang dahil kinailangan na naming magpahinga. Malapit na kasing mag- alas tres ng madaling araw. Mabuti sana kung malapit lang ang tinutuluyan namin, at kung hindi sana panay ang pagtilaok ng manok, makakapagpahinga pa kami ng maayos. Ang flight kasi namin ay 7:00 am. Sign off na kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa pangkalahatan, mas konti ang artista ngayon sa Boracay at mas konti ang kontrobersiya. Nangangahulugan ba na umiwas ang mga idolo natin sa mga parties at mga paparazzi? Kung iyon man ang dahilan, maigi na rin. Ang Holy Week naman kasi, ang magbida ay hindi dapat mga artista, kundi Siya.

Heto po ang konting nakuhaan namin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Madrigal sisters, Ehra and Michelle, consider themselves as Bora mainstays during Holy Week.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results