features

Manny Pacquiao on his 8th world title: "Anuman na-achieve ko, tayong lahat yun."
by Karen A. Pagoslingan posted on February 11, 2011  STATS: 1277 Views | 26 Comments


Sa November 21 victory party na idinaos ng GMA-7 para kay Manny Pacquiao, isang palabirong Pacman ang humarap sa mga guests. "Pulitikong-pulitiko na ako magsalita, ano?" ang kanyang natatawang sinabi nang banggitin nito ang mga "hinahangad" pa niya sa hinaharap.

Photo By: Noel Orsal

Ang victory party ni Manny Pacquiao na idinaos ilang oras lang ang nakakaraan, hapon ng November 21, sa Studio 6 ng GMA Network Center Annex, ay nagmistulang meet-and-greet session.

Excited ang karamihan sa mga bisita—na binubuo ng mga piling executives ng Kapuso channel, advertisers, at kaibigan sa media at press—na magkaroon ng photo op with the "best fighter of the era," ang bansag ng mga sports magazines kay Pacman.

Ang iba, nagdala pa ng boxing gloves para masulatan ng autograph ni Manny. Meron ding mga nagpapirma sa kanilang mga T-shirts at caps.

Lahat ito, sa loob ng mahigit na trenta minutos, ay ginawa ng Pambansang Kamao nang walang reklamo.

Kahit pa halos isang oras siyang palipat-lipat ng studio—mula sa 6 papuntang 7, kung saan kasabay na ginawa ang live telecast ng Party Pilipinas—hindi man lang ito hiningal, at nagawa pang magbiro noong nagbigay siya ng maikling mensahe.

"Hindi ako kakanta rito, ha," ang kanyang bungad.

Saka niya sinimulang pasalamatan ang mga big bosses ng GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon (CEO), Jimmy Duavit (President and COO), at Annette Gozon-Abrogar (GMA Films president).

Nagtawanan ang mga tao dahil bigla itong humirit ng, "Nakalimutan ko na tuloy ang sasabihin ko. Andiyan ka kasi, e."

Ang kanyang tinutukoy ay si Grace Lee, ang co-host ni Chino Trinidad sa party, na binati niya ng, "May kamukha ka."

Walang pangalang binanggit ang palabirong boxer ng General Santos City, subalit ang sambit ng karamihan, "Hawig nga sila ni Krista Ranillo."

Balik sa kanyang speech, handog daw niya sa kanyang mga kababayan ang kanyang 8th world title sa WBC Super Welterweight division.

Aniya, "Ang karangalan ko ay karangalan ng lahat ng Pilipino. Anuman ang na-achieve ko, tayong lahat yun. Sana lagi niyo akong suportahan sa mga darating ko pang hinahangad sa buhay—mapa-boxing man o..."

Medyo binitin ni Manny ang susunod na salita, bago sabihin ang "mapa-sitcom."

Tawanan ulit ang mga tao, lalo na noong idinugtong niyang, "Pulitikong-pulitiko na akong magsalita, ano?"

NATIONAL TREASURE. Samantala, ipinaabot ni Atty. Gozon ang kanyang pagkabilib sa Pambansang Kamao.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

26 Comments

  • 26  trinoma_rat

    11/25/2010 | 05:49 PM
    to comment ko ito: wag mo na patulan ang comment ni almond kasi comment nya yon eh! eh may sarili ka namang comment din db? saka sinundan lang naman ni almond ang sinabi ni manny na atin lahat daw ang tagumpay....ok, fine, but we need cash hahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  geethreeg3

    11/24/2010 | 11:29 PM
    Congrats Manny and thanks for the honor na dinala mo sa bayan at sa lahat ng Pinoy.

    Wish ko lang sana pro-RH ka na para iboto kita next time.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  pusotisipmo

    11/24/2010 | 01:55 AM
    given na nagbibigay ng karangalan sa pinas si manny dahil sa pagkapanalo nya sa boxing t itoy nakakatulong din sa kalidad ng pinas,,pero mas magbibigay at mas gugustuhin ng tao na hindi lang karangalan ang dapat gawin ni manny kundi yung pwesto nyang congresman ay magampanan na nya ng buong puso,,.kase ito t;aga ang tututukan ng tao at ito tlaga ang nais o tunay na makakatulong sa pinoy,,ang mga proyekto na magagawa nya,,bakit kase tumakbo na syang congressman kung di pa pala nya maiwan ang boxing diba??saan wag muna,,kase he cant have it all,,di lahat sa kanya,,,di lahat puro pera ang mundong ito,kase kung gugustuhin ng dyos,makukuha nya lahat iyan,,blivvvvv me,,....pero dahil nag shashare naman si manny sa tao,,so,,ok padin,,well,sana wish ko lang,,magbilang naman tayo ng proyekto ni manny o ng lahat ng nasa pwesto,maging si PNOY,,sa pinas,,,diba,,we r proud of u manny pero mas proud kami sa magagawa mo sa pinas,,yun lang yun,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  thorns_143

    11/23/2010 | 02:30 PM
    sya lang ang tanging pilipino na nakakapag unite sa ating lahat. at hndi nya yun kailangang bayaran ng kahit aung halaga ng pera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  dreamon

    11/23/2010 | 02:10 PM
    Manny, please, please, magpacheck up kang mabuti lalo na ang kidneys mo kasi sabi ni jinkee sa interview nya kay Korina na after your fight, kulay maroon o itim ang ihi mo. Actually, di lang daw sa fight na ito nangyayari. Tapos nasa news pa na nagpunta ka sa ospital days after your fight with margarito kasi sumasakit ang tagiliran mo. Alagaan mo ang sarili mo at huwag ipagwalang-bahala ito. Wala ka nang dapat patunayan pa. Sarili mo naman ang asikasuhin mo para maenjoy mo ang pinaghirapan mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  chrisia

    11/23/2010 | 10:22 AM
    I am Very PROUD of MANNY PACQUIAO, CHARICE PEMPENGCO AND ARNEL PINEDA na HIRAP, PAGTITIIS at TUNAY NA TALENTO ang puhunan para umangat ang buhay at nagbibigay pa ng karangalan sa bansa. I AM PROUD na FILIPINO AKO!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  Syete

    11/23/2010 | 04:14 AM
    Pinasasaya mo kami Manny, at malaking parangal sa ating mga Pinoy ang nararating mo. Mabuhay ka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  funrel

    11/22/2010 | 10:32 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  czeska221

    11/22/2010 | 09:41 PM
    Huwag naman nating e interpret ang sinabi nya in a literal way, hindi money ang ibig sabihin niya, hehe kayo talaga...siya ang binugbog sa ring hindi tayo, plus he also shared his blessings sa mga neighbors niya doon sa gen.san, di naman xa madamot. kaya when i see this man, it really reminds me how great is the Lord! about kay jinkee, im not sure kung anung klaseng babae xa so i cant judge her, although at times she seems so fancy, what i meant is yung nagiging materialistic na xa, the more she associate herself with Belo and other celebs parang she tends to fly fly fly. u know what i mean. so i hope her feet remained glued on the ground despite of the blessings they got. for Manny, you make me and everyone proud!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  kapitan29

    11/22/2010 | 09:04 PM
    Sa akin lang, quot;you cannot serve two masters at a timequot;. Mamili ka congress or boxing ring. Kase definitely, merong isa dito na mapapabayaan mo, Manny. Kawawa din ang mga Filipino na nagbabayad ng tax para maipasweldo sa inyo. Pag nanalo ka naman, hindi mo naman pwedeng ibalik ang nasayang naming pera para sa mga absences mo during your training.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  shidax

    11/22/2010 | 07:44 PM
    SALAMAT MANNY PACQUIAO!you made us proud.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  mjay18

    11/22/2010 | 06:44 PM
    ang yaman moh pare

    hahahhaa.. yun na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  steelwings

    11/22/2010 | 05:34 PM
    guys, you dont have the right to question about his money and neither oblige him to share his wealth.

    Profession ni manny ang pagiging boksingero at hindi nya obligadong magbigay sa gobyerno ng pera dahil sariling sikap nya yun na kinita. Marumi talaga isip ng ibang pinoy at ang gobyerno natin. Hindi nyo dapat pakialaman ang pinaghirapan nya. Karangalan sa bansa ang pinakamalaking legacy nya sa bansa natin at wag kayong maningil ng premyo nya dahil hindi nya tayo amo. Let us just be happy that Manny is giving us dignity in the world.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  qazx

    11/22/2010 | 05:16 PM
    sana kung anuman meron ka samin lahat den yun... hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  sasha19

    11/22/2010 | 05:12 PM
    One thing na bumilib ako kay Manny is the humility..sobrang humble ng taong ito. Never did he said anything bad about his opponents..Manny has the truest sense of sportsmanship! Proud of you here in ME! Mabuhay ka!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  dos_ako

    11/22/2010 | 05:08 PM
    bakit ipamigay ba nya yong pera nya sa pinas? hinda naman.. kaya kalokohan yong sinabi nya para sa pinas ang pagkapanalo nya.. politico ka talaga dong.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  ordinaryme

    11/22/2010 | 03:53 PM
    ah ok...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • comment_ko_ito

    11/22/2010 | 03:44 PM
    dun sa nagsasabing pera pera ekek na comment dito, kapag pumusta ka kay manny kapag laban niya, cgurado may pera ka dahil sa kanya...dahil panalo xa..at yan lang ang kaya niya ibahagi when it comes to in kind..hindi xa para magpamudmod ng pera sa lahat ng Pilipino...sana maging proud na lang kayo sa kanya hindi un kung ano ano pa sinasabi nyo jan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • comment_ko_ito

    11/22/2010 | 03:41 PM
    Ang karangalan ko ay karangalan ng lahat ng Pilipino. Anuman ang na-achieve ko, tayong lahat yun. - sabi ni manny......ibig sabihin niya dito eh un pride niya ay pride ng bansa...hindi un pera niya ay pera ng bansa..ano ba yan...un iba dito ginawang literal un sinabi...akala pera ang tinutukoy...hayst!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chrisia

    11/22/2010 | 03:31 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About