features

Shalani Soledad leads Google Philippines' 20 Most Influential Filipino Women of 2010; Kris Aquino comes in second

by Rommel R. Llanes posted on June 22, 2011  STATS: 2912 Views | 102 Comments


  According to Google Philippines, their 20 Most Influential Filipino Women of 2010 gathered the "greatest online mindshare in 2010," based on the volume of search queries by their users. Valenzuela councilor and Willing Willie co-host Shalani Soledad leads the list of Google's most influential Filipino women.

Photo By: Melo Balingit

Si Shalani Soledad ang pinaka-"influential na Filipina" nitong nakaraang taon.

Ito ay ayon sa Google Philippines na naglabas ng listahan ng "20 Most Influential Filipino Women of 2010."

Ang Google ay ang pinakagamit na Internet search engine sa buong mundo (kabilang na ang Yahoo! at Bing). Mayroon itong higit pa sa isang bilyong servers sa mga data centers sa buong mundo, kabilang na sa Pilipinas.

Nito ngang Martes, March 8, sa pag-oobserba na rin ng International Women's Day, inilabas ng Philippine office ng Google ang listahan nila ng mga "influential Filipino women" na may "greatest online mindshare in 2010."

Ayon sa dictionary.reference.com, ang mindshare ay "the level of awareness in the minds of consumers that a particular product commands" o "the amount of attention required by something, the time spent thinking about something."

Sinusukat naman ng Google ang "influence" ng isang personalidad base sa dami ng search queries na nakukuha ng search tool nito na Zeitgeist.

Iniipon ng Zeitgeist (German for "spirit of the times") ang lahat ng search queries na nakukuha nito araw-araw sa loob ng isang taon. Mula roon ay nasusukat kung sinong personalidad ang may pinakamalaking "awareness" o mindshare, na siyang sukatan din ng "influence" ng personalidad sa lahat ng users ng Google.

Si Shalani nga ang nasa number one spot ng listahan ng Google Philippines most influential Filipinas.

Nakilala si Shalani noong nakaraang taon nang sumuporta ito sa boyfriend niya noon na si Benigno "Noynoy" Aquino III. Matapos na maging presidente ng Pilipinas si Noynoy, patuloy na naging sentro ng atensyon si Shalani hanggang sa paghihiwalay nila ng  binatang presidente.

Sa ngayon, patuloy ang atensiyon na nakukuha ni Shalani dahil sa pagiging co-host niya sa TV5 show ni Willie Revillame na Willing Willie at pagkaka-link nito sa kontrobersiyal na TV host.  

Kasunod naman ni Shalani sa listahan ang kapatid ng ex-boyfriend niya na si Kris Aquino.

Naging maingay ang pangalan ni Kris noong nakaraang taon dahil sa kontrobersyang nilikha ng pakikipaghiwalay niya sa baskeball player na si James Yap.

Pangatlo sa listahan si Ruffa Gutierrez na pinag-usapan noong nakaraang taon, ang patuloy na pagkakaugnay niya kay John Lloyd Cruz.

Pang-apat si Venus Raj dahil sa popularidad ng kanyang "major major" na sagot sa Miss Universe Pageant at pagiging 4th runner-up niya rito noong nakaraang taon.

Pang-lima naman ang YouTube at international singing sensation na si Charice, dahil sa ingay na nilikha ng kanyang US TV show guestings partikular na ang paglabas niya sa musical comedy na Glee.  

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

102 Comments

  • 102  tintin4ever

    03/13/2011 | 01:33 PM
    Tin believes in the sanctity of marriage but her ex didn't help her in working out to make the marriage sacred since the guy is still engaged in some affairs with matrons and gays to have a comfortable life.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 101  neophyte

    03/13/2011 | 02:27 AM
    Shalani Google's Philippine most influential filipino women?WINNING
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 100  neophyte

    03/13/2011 | 02:23 AM
    Tin believe in the sanctity of marriage este secret wedding pala.i believe in marriage but better to keep it a secret. Weird , you believe in it but keep it hush hush LOL.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 99  tintin4ever

    03/13/2011 | 01:25 AM
    at no. 96 inggiteraparin,this is my last say before I go to sleep. Pinatapos ko lang ang panonood ko ng TALENTADONG PINOY. Tin never engaged in pre-marital sex before she became a Christian because she was just an innocent teenager na sinasamahan pa ng nanay niya sa mga tapings,shootings at contract signings and when she became a Christian at 18,mas lalo nang pinangangalagaan niya ang kanyang pagkakababae. Bakit? Kasi ang laki ng takot ni Kristine sa Dios at ang paraan ng pagpapalaki sa kanya ay based sa konserbatibong pagpapalaki ng mga magulang sa mga anak kaya hanggang ngayon, intact pa rin ang values niya sa kabila ng pinagdaanan niya sa buhay. Kung sa iba siguro nangyari ang nangyari sa kanya, tiyak nagpaka-daring na sa mga pelikula at soaps at makikita sa mga bars always having a good time pero not Kristine.She was and she is still the same Kristine na nakilala namin na maprinsipyo at may pagpapahalaga sa mga salita ng Dios. In fact, she turned Rubi kasi di niya kaya ang mga eksenang too graphic
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 98  tintin4ever

    03/13/2011 | 01:02 AM
    96 inggiteraparin,at yung kay Echo,sweet at very loving sila sa isa't isa because magnobyo sila pero di nila ginagawa ang mga bagay na ginagawa lang ng mag-asawa that's why Echo chose to break-up with Kristine kahit love niya ito as what Echo's mother attested na mahal na mahal nila ang isa't isa at umiyak pa nga ang nanay ni Echo dahil nasasaktan din sa paghihiwalay ng dalawa.Echo knew that Kristine is the kind of girl who will not settle for anything less than marriage at hindi pa yan maibigay ni Echo dahil marami siyang pangarap sa buhay. With Cindy Kurleto,Echo had a live-in relationship but not with Kristine.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 97  tintin4ever

    03/13/2011 | 12:55 AM
    at no. 96 inggitera pa rin, bago pa man naging Christian si Oyo,Christian na si Tin at siya ang good influence kay Oyo kasi noong ma-develop ang friendship nina Oyo at Tin, nabuksan ang mga mata ni Oyo sa mga Christian teachings.Sa isang interview niya during the promo of Iskul Bukol noong 2008, sinabi ni Oyo na good influence sa kanya si Tin. Si Tin ang humimok sa kanya na ipagpatuloy ang pag-aaral kaya kumuha sila at nakapasa ng entrance sa UP Open University,tinigil niya ang paninigarilyo at umiinom na lang sa mga special occasions at sabi pa niya,di na siya nanonood ng porno at 1 year na siyang walang sex life, meaning yung previous relationship ni Oyo, may sex life pa siya.Ikaw na ang mag-guess kung sino ang previous relationship ni Oyo before Kristine.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 96  tintin4ever

    03/13/2011 | 12:48 AM
    no. 96,inggiteraparin,your infos are incorrect kasi di pinalayas ni Tin ang nanay nyo.Ganito ang tunay na pangyayari.Pinapunta ni Kristine ang assesor sa LGV property niya kasi balak niyang ibenta ito.10 years ang pagbabayad ng lupa't bahay at nakaisang taon pa lang ang payment niya sa amortization nito.Ang katwiran ni Tin, di siya sigurado kung magiging maganda pa ba ang career niya o kung bibigyan pa rin siya ng project pero habang di pa yon naibenta,puwede pang tumira ang pamilya niya doon.Sa simula,di maintindihan ng nanay niya kasi masakit sa kanila na ibenta ang bahay dahil sila ang tumutok sa pagpapagawa nito kasi si Kristine nagtatrabaho at wala na siyang panahon para matutukan ang pagpapatayo ng bahay.Avid fan kaya ako kaya alam na alam ko ang nangyayari sa buhay niya.Marami akong reliable sources,friend ng nanay niya,friend ng buong pamilya niya at interviews mula mismo sa mga taong concerned kaya correct ang mga facts ko.Itanong mo pa sa nanay ni Tin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 95  inggiteraparin

    03/12/2011 | 09:54 PM
    tinti4ever at hindi un tsismis dahil nainterview pa nanay niya noon dahil sa ginawang pagpapalayas ni tin sa kanila... tin tin became only a Christian when she met OYO or after the break up of her marriage of Dieter. so? before she became a christian...okey lang lahat sa kanya...kahit anong gawin nila ni echo at dieter. so what? buhay nila un di ba? pero to say she was a virgin bago nagpakasal kay oyo? naman! peace!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 94  inggiteraparin

    03/12/2011 | 09:49 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 93  tangerine_dream114

    03/12/2011 | 07:27 PM
    sana naman maghire sya ng bagong stylist, pansin ko kse nagmumukha syang mature sa makeup at outfits nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 92  indiahenretta

    03/12/2011 | 06:18 PM
    REALLY! Paano siya kaya naging influential? Good for her. She should stick with her Boss, Mr. Revillame.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 91  tintin4ever

    03/12/2011 | 06:18 PM
    n0. 81 inggiteraparin,bakit inggit ka kung inilagay ko man si Kristine sa pedestal, eh sa kanya lang ako humanga when it comes to decency,principles and wholesomeness.Kitam,hindi mo yan mapapahubad o mapapagawa ng sensual scenes in exchange of money and fame. Kung doon naman sa butas na sinasabi mo,kaya nga she married DO before because she didn't believe in living-in with him. She believes in the sanctity of marriage.Kung umalis lang ba si DO sa PANGANGALAGA NI DEO,I'm sure Tin is still married to DO but DO choose an easy life,a life na madali lang ang pera that's why for a principled woman like Kristine who wants to practice Christian principles,di niya yan matatanggap kaya ang ending hiwalay.Anyway,sinasabi sa Bible na puwede ka namang humiwalay sa asawa mo kung in spite of your efforts to bring him to the Lord,nangingibabaw pa rin ang pagiging unChristian niya.One more thing, di naman sila ikinasal in the name of God kundi sa isang mayor lang na optional pa ang paggamit sa pangalan ng Dios sa ceremony
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 90  rom_05

    03/12/2011 | 05:43 PM
    influential is not the right term.. dapat ang ginamit most pinag tsismisan online. Or maybe News maker but not necessarily influential.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 89  seikolang

    03/12/2011 | 05:14 PM
    GO SHALANI GO ANG MAHALAGA ok si Shalani ngayon laging napapanood sa TV5
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 88  seikolang

    03/12/2011 | 05:13 PM
    Alvino123 tama ka jan isIpin mo na lang ito si Cory A nung buhay ba ay nabalitaan mo ba na meet niya parents ni James yap na asawa ni Kris Aquino HINDi diba kasi di nila ka level kaya wala pinag kaiba si Kristeta at iba niyang kapatid mga Mata POBRE
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 87  alimango21

    03/12/2011 | 01:50 PM
    tingnan nio nga sa dictionary ang ibig sabihin ng influential... "powerful" "authoritative"... ano't pilit n tinitwist ang meaning pra ijustify ang list n etoh ng google na malinaw na malinaw na hindi nman akma... haler! khit ano p sabihin ng mga ta-tatlong tgapagtanggol ng list na etoh... still, this survey doesnt make sense,,, most influential, duh! most searched pwede p... at ang approriate tlga, most controversial...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 86  snowsheen

    03/12/2011 | 12:31 PM
    i think mali yung titulong most influencial. tsaka naman, bakit ito ang picture na pinost dito. ang panget naman ni shalani dito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 85  amber28

    03/12/2011 | 10:55 AM
    this is a joke.....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 84  alvino123

    03/12/2011 | 09:07 AM
    I am happy for Shalani . She deserves the attention. Eng eng lang si Noynoy at pinakawalan pa niya si Shalani. Nagustuhan siya nito before siyang naging presidente. Yung magiging karelasyon niya ngayon gusto lang siya dahil siya ay presidente. Hindi dapat nainpluwensiyahan si Noynoy ni Cory. Palagay ko si Cory ang umayaw kay Shalani dahil hindi siya legitimate child. Hindi ko alam na snob pala si Cory. Si Kris nga na anak niya nagka anak out of wed lock.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 83  inggiteraparin

    03/12/2011 | 09:06 AM
    influence....influenza sa tagalog?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About