Jericho Rosales gains recognition for his first international movie

Rose Garcia
Saturday, August 20, 2011 @ 01:57AM  |  126 views


  "Hindi ko naman ikakaila ito, pangarap ko talagang makarating do'n [Hollywood]. Ma-experience kung paano sila magtrabaho. Maraming pagkakataon, so, sasamantalahin ko na," says Jericho Rosales about penetrating Hollywood.

Photo By: Noel Orsal













Live na in-interview ni KC Concepcion ang kapwa niya Kapamilya star na si Jericho Rosales sa The Buzz kahapon, May 8.

Pinag-usapan nila ang Hollywood movie ng Filipino actor na Subject: I Love You, na nagkaroon ng world premiere sa Newport Beach Film Festival last April 30.

Katambal ni Jericho sa pelikula ang Hollywood actress na si Briana Evigan (Step Up 2).


FIRST INTERNATIONAL FILM. Paano ba siya napili para gumanap ng lead role sa isang international film?

"Nagsimula ito noong February 14, 2008, I think, or 2009," simula ni Echo (palayaw ng aktor).

"May tumawag sa office namin, sa Genesis, sinabi na may isang audition na nagaganap para sa isang role na parang American movie.

"It's actually an independent film, that they needed a Filipino actor na puwede raw magsalita ng English."

Hirit pa ni Echo, "Kaya noong mga panahong natsitsismis po ako na English nang English, nagpa-practice po ako noon."

Ayon kay KC, ang hindi raw alam ng mga tao, bago matanggap sa isang Hollywood film, kailangan talagang matutong magsalita ng English the way Americans do.

Nag-take ba si Echo ng classes about diction, accent, etc.?

"Yep, yep," sagot niya.

"Kinailangan ko lang tumambay kasama sila, yung mga artista.

"Parang yung ginawa ko noon sa Manny Pacquiao The Movie. Kasama ko lahat ng mga trainors ni Manny Pacquiao. 

"So, ganoon lang, nag-a-adapt yung sarili mong dila kapag nagsasalita ka na.

"But, yung pinakamahirap gawin is to try to relax kapag kasama ko sila sa set.

"Siyempre, big stars, star-struck talaga ako—Briana Evigan, Dante Basco."

1  2  3  4  Next »

Related Articles

38 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name