Bida na si Jackie Rice sa bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Sisid.
Ipinapakita talaga ni Jackie ang dedikasyon niya sa trabaho ngayon dahil kahit nagkaroon ng injury ang kanyang paa sa isang taping nila, hindi niya hinayaang maantala ang produksiyon.
Kagabi, May 24, sa press conference ng Sisid sa 17th floor ng GMA Network Center, naikuwento ni Jackie na one month pa raw ang healing period ng kanyang toe.
"Ako na ang nag-offer," sabi niya.
"Sila ang nagsabi na magpahinga ka, pero ako na ang nagsabi na okay na akong bumalik para marami kaming maipalabas.
"Kasi, mate-tengga kami. Ayoko kasi ng ganoon, e.
"Actually, puwede naman ako sa tubig, pero binabalutan namin siya.
"Okay naman na siya, pero yung buto, hindi pa rin nagdidikit.
"Mga one month pa raw para magdikit yung buto.
"Wala naman na siyang sakit or kirot, hinihintay ko na lang talaga na mag-heal siya ng buo."
A DIFFERENT JACKIE. Kung pressure naman ang pag-uusapan, sobra raw ang nararamdaman niya, lalo na't pagkatapos ng ilang taon ay ngayon lang siya napagkatiwalaan ng isang launching vehicle ng GMA-7.
"Sobra, sobra!" sambit ni Jackie.
"Kasi from Ilumina, ibang-iba naman ako ngayon.
"Ito yung first time na parang lahat ng attention, nasa 'yo. Hindi naman ako sanay na ganoon.
"Ipapalabas na siya. Ano ang reaction ng tao? Sino ba ang magugustuhan 'to?




0

