Rocco Nacino on missing out as Best Actor in Cinemalaya: "People expected for me. But I wasn't really expecting."

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Wednesday, November 09, 2011 @ 08:19PM  |  88 views


  "Recently, may isa pa po akong offer. I think it's confirmed na, pero hindi ko pa po alam yung pinaka-details," says Rocco Nacino about his latest movie offer.

Photo By: Noel Orsal













Isang napakagandang experience para kay Rocco Nacino ang nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival, na tumakbo mula July 15 hanggang July 24.

Sa nasabing film festival ipinalabas ang kauna-unahan niyang pelikula—Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, na tinampukan din nina Jean Garcia at Paulo Avelino.

Pinuri ng karamihan ng mga manonood at mga kritiko, hindi lamang ang pelikula, kundi maging ang pagganap ng tatlong pangunahing artista, partikular na si Rocco.

Pero sa awards night ng Cinemalaya noong July 24 ay si Edgar Allan Guzman ang itinanghal na Best Actor sa New Breed category para sa pagganap niya sa sex comedy na Ligo Na U, Lapit Na Me. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rocco sa presscon ng Time of My Life noong Martes, July 26, ay tinanong namin siya kung nag-expect din ba siyang manalo para sa pagganap niya sa kanyang unang pelikula.

"People expected for me. But I wasn't really expecting, kasi I saw the trailers of the other films. Sa trailers pa lang...," sabi niya, na ang tinutukoy ay ang pagkamangha niya sa napanood na teasers ng ibang entries sa Cinemalaya.

Pero wala raw siyang napanood na ibang pelikula, maliban sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, dahil wala siyang oras.

"I wanted to, pero wala po ako talagang oras, e," aniya.

"Pero I really didn't expect to win Best Actor, first time ko lang naman.

"At bihira lang po namang mangyari [na manalo] yung first time mong sumali."

Sa ginanap na awards night ay kinabahan daw si Rocco, hindi dahil sa umaasa siyang manalo kundi sa pagpi-present niya ng awards.

"I got to present two awards, kasi hindi po nakarating si Alfred Vargas. So, ako ang nag-present in his behalf," banggit niya.

"Sobrang nakakakaba pala 'yon, to see a lot of people... lahat ng mga veteran actors, lahat ng magagaling. Tapos, to speak in front of them."

Nahirapan at nahiya raw siya dahil sa "first time" niyang umakyat ng stage ng CCP upang mag-present ng award.

MORE DARING ROLES. Bagamat may tema ng homosexuality ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, very wholesome pa rin ang pagsasalarawan dito at sa pamamagitan ng sayaw at tingin lamang ipinakita ang kakaibang pagtingin ng karakter ni Rocco bilang Dennis kay Paulo Avelino bilang Marlon.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name