features

Rocco Nacino on missing out as Best Actor in Cinemalaya: "People expected for me. But I wasn't really expecting."

by Erwin Santiago posted on November 9, 2011  STATS: 236 Views | 8 Comments


  "Recently, may isa pa po akong offer. I think it's confirmed na, pero hindi ko pa po alam yung pinaka-details," says Rocco Nacino about his latest movie offer.

Photo By: Noel Orsal

Isang napakagandang experience para kay Rocco Nacino ang nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival, na tumakbo mula July 15 hanggang July 24.

Sa nasabing film festival ipinalabas ang kauna-unahan niyang pelikula—Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, na tinampukan din nina Jean Garcia at Paulo Avelino.

Pinuri ng karamihan ng mga manonood at mga kritiko, hindi lamang ang pelikula, kundi maging ang pagganap ng tatlong pangunahing artista, partikular na si Rocco.

Pero sa awards night ng Cinemalaya noong July 24 ay si Edgar Allan Guzman ang itinanghal na Best Actor sa New Breed category para sa pagganap niya sa sex comedy na Ligo Na U, Lapit Na Me. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rocco sa presscon ng Time of My Life noong Martes, July 26, ay tinanong namin siya kung nag-expect din ba siyang manalo para sa pagganap niya sa kanyang unang pelikula.

"People expected for me. But I wasn't really expecting, kasi I saw the trailers of the other films. Sa trailers pa lang...," sabi niya, na ang tinutukoy ay ang pagkamangha niya sa napanood na teasers ng ibang entries sa Cinemalaya.

Pero wala raw siyang napanood na ibang pelikula, maliban sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, dahil wala siyang oras.

"I wanted to, pero wala po ako talagang oras, e," aniya.

"Pero I really didn't expect to win Best Actor, first time ko lang naman.

"At bihira lang po namang mangyari [na manalo] yung first time mong sumali."

Sa ginanap na awards night ay kinabahan daw si Rocco, hindi dahil sa umaasa siyang manalo kundi sa pagpi-present niya ng awards.

"I got to present two awards, kasi hindi po nakarating si Alfred Vargas. So, ako ang nag-present in his behalf," banggit niya.

"Sobrang nakakakaba pala 'yon, to see a lot of people... lahat ng mga veteran actors, lahat ng magagaling. Tapos, to speak in front of them."

Nahirapan at nahiya raw siya dahil sa "first time" niyang umakyat ng stage ng CCP upang mag-present ng award.

MORE DARING ROLES. Bagamat may tema ng homosexuality ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, very wholesome pa rin ang pagsasalarawan dito at sa pamamagitan ng sayaw at tingin lamang ipinakita ang kakaibang pagtingin ng karakter ni Rocco bilang Dennis kay Paulo Avelino bilang Marlon.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

8 Comments

  • kilabotako

    08/02/2011 | 02:35 AM
    we love rocco at paolo avelino,,magaling sila as an actor ,,ok sila sa movie na iyan,,kahit may temang gay ang movie,,na pweding ilabas sa ibang bansa,,walang exploitation at kalaswaan ang nakita na dapat ganun kase bata pa sila,,saka,,no need may mga star apil si roco at paolo,,hindi sila pauuto o pasisira dahil sa gay role na common na s actor,wag na,,sabi nga ni rocco,tamang work lang ang showbiz or else babalik sya sa nursing kase may fallback naman sya,.bakit sila paeexploit aber!.they can be an actor without showing skin,,eww,makasira pa sa kanila,we love also,IAN BATHERSON,KEVIN SANTOS,VIVO OUANO,PRINCE STEFAN,CARL GUEVARA,EJ FALCONetc,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • oskieness

    07/30/2011 | 01:48 PM
    CONGRTS ROCCO
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • intel23

    07/29/2011 | 09:28 PM
    kahit may injury siya s TOML tuloy pa rin very professional kaya dami blessings na dumating kay idol. keep on growing as an artist idol rocco. ur doing gud. we roccofellas are proud of u muah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • redd

    07/29/2011 | 09:24 PM
    dahil diyan sa achievements mo ang daming bitter hehehehe.. basta stay the same rocco at dapat lagi kang open for improvement... for challenges... iyan ang tunay na artista...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • intel23

    07/29/2011 | 06:24 PM
    yeah laki na ng improvement ni idol in terms sa pag arte grabe naiwan na mga kasabayan niya kaya sobrang happy and proud ako kay idol hes a hardworker alam natin lahat yan fellas puso ang ibinibigay ni idol sa trabaho niya kaya dami blessings ang dumating kay idol. lalo pa natin mahalin at suportahan ang ating multimedia hunk rocco nacino!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • purplebaguiocats

    07/29/2011 | 06:15 PM
    magaling sya kumpara sa mga datihan na ng GMA, natural na natural ang arte. gwapo pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • midnightblue

    07/29/2011 | 06:02 PM
    among the young actors sa gma,si rocco ang most improved. kaya hindi na siya rocco naSino? kasi unti-unti na siyang napapansin. sana mag-improve din sa acting sina richard, mark h. at aljur. si enzo, para talagang pa-kenkoy lang, walang dating.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • intel23

    07/29/2011 | 05:33 PM
    congrats idol rocco para sa amin na roccofellas kaw ang best actor sa new breed category!!! we love you rocco muhaugz keep up the gudwork at pagaling ka alam namin may sakit ka now huhu we love u muahugz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About