Angeline Quinto on being dubbed the next Superstar by Regine Velasquez: "Female Pop Superstar ang dapat sasabihin niya."

Melba R. Llanera
Friday, December 02, 2011 @ 12:39PM  |  4135 views


After the success of her first solo concert at the Skydome at SM City North Edsa, sa Araneta Coliseum na kaya ang susunod na concert ni Angeline Quinto? "Pagkatapos ng Skydome, pinaplano nila na magkaroon ng repeat yung concert ko. Sana matuloy," Angeline says, adding: "Pangarap ko rin na magkaroon ng concert sa Araneta, pero hindi minamadali yun."

Photo By: Noel Orsal













Sa patuloy na pagkukumpara sa kanila ni Sarah Geronimo, samu't-saring mga intriga at usap-usapan ang kumakalat patungkol kay Angeline Quinto.

Kumakailan nga ay lumabas ang balita na namimili na raw ng mga kakantahin niyang piyesa si Angeline kung saan ang gusto raw nito ay bibirit siya nang husto para umangat sa mga kapanabayan niyang singers sa ASAP Rocks.  

Nasulat din na hindi raw pumayag ang kampo ng Star Power grand champion na hindi magkasinglaki ang kuha nila ni Sarah sa billboard ng Belo kung saan pareho silang kinuhang endorser ng nasabing beauty clinic.

Kabi-kabilang mga issues na agad namang klinaro at binigyang linaw  ni Angeline nang maka-usap  siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP Rocks last Sunday.

"Tungkol po dun sa namimili daw ako ng kanta, hindi totoo na namimili ako.  Unang-una, ang ASAP ang namimili ng kanta para sa mga singers nila, kahit sa mga dancers na nandito.  

"Kung tutuusin nga, may mga kantang ibinibigay sa akin na sobrang taas na pinapakiusapan ko na baka puwedeng pababain kasi di ko kaya.  

"Hindi naman lahat ng kanta ay matataas. Sinusubukan ko ring kumanta ngayon na medyo mabilis para hindi sabihin ng lahat na puro matataas na lang ang kinakanta ko," ang sabi ni Angeline.

"Regarding sa billboard, hindi rin totoo 'yan.  Sumasama lang ako lagi sa pictorials nila pero wala akong sinasabi na ayokong hindi kami pantay ni Sarah.  

"Hindi naman talaga kami pantay, kasi Sarah Geronimo 'yan.  Hindi ko pinipilit ang sarili ko na pumantay sa kanya, yun ang gusto kong sabihin sa tao.

"Star Magic ang nagbigay sa akin na maging endorser ng Belo kaya di ko alam ang desisyon nila.  Ano naman ang karapatan ko na sabihing 'Ayoko, di kami pantay ni Sarah,' baka binatukan ako ni Mr. M."

May kuwento ring lumabas na si Angeline daw ang pinu-push ngayon ng ABS-CBN dahil sa bali-balita daw na lilipat ng ibang istasyon ang Pop Princess.  

"Hindi naman siguro lilipat si Sarah kasi alam ko naman na masaya talaga siya sa ABS. Alam ko at nakikita ko naman na nag-e-enjoy siya sa trabaho niya.  

"Kaya hindi ko nga alam kung saan galing 'yang balita na 'yan—na ako ang pinu-push ngayon ng ABS.  Kumbaga, binibigyan lang talaga ako ng magandang trabaho dito."

Naging issue before ang nabitawang salita ni Sarah na iniiwasan niya munang makasama sa isang production number si Angeline dahil ayaw niya yung pakiramdam na pinagsasabong silang dalawa.

After a month's vacation, voice and singing lessons in the States, nakitang magkasama sa isang production ang dalawa kung saan nagpahayag din si Sarah na kahit sa concert ay willing na siyang makasama si Angeline. Bagay na sinang-ayunan naman ng Star Power champion.

1  2  3  Next »

Related Articles

54 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name