Masayang ikinuwento ng comedienne na si Eugene Domingo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang pagkikita nila ng kanyang iniidolong artista, ang Superstar na si Nora Aunor.
Nangyari ito nang magkaroon ng pictorial ang dalawa kamakailan para sa gagawin nilang mini series sa TV5, Sa Ngalan ng Ina.
"Hanggang dito ko lang siya [sabay turo sa noo]. Ang liit-liit lang pala ni Ate Guy?" natutuwang sabi ni Eugene media junket na inihanda para sa kanya at ng direktor ng Wedding Tayo, Wedding Hindi kagabi, Agosto 22.
Tinanong ng PEP kung kumusta ang una nilang pagkikita.
Sabi ni Eugene, "Pinakilala ko ang sarili ko. Sabi ko, 'Ate Guy, ako po si Eugene.'
"Tapos pinaalala ko sa kanya, 'Nagkita na po tayo sa Amerika, noong nag-show po kami ni Direk Wenn [Deramas].'
"Unti-unti nang bumabalik sa kanya. Ang dali naman niyang makaalala, e."
Bagamat walong taong nawala si Nora sa local showbiz, naging madali naman umano ang kanyang pag-adapt sa mga sitwasyon, ayon kay Eugene.
"Tapos parang naninibago rin siya.
"Noong pictorial, sabi niya, 'Ano ba 'to, ang tagal-tagal ko nang artista pero parang hindi ko na alam ang anggulo ko?'
"Tawa ako nang tawa kasi hindi ko naman akalain na gano'n siya.
"Di ba, para sa isang batikan, ang cute? Ang cute na makarinig ng gano'n, na nahihiya."
Hindi ikinaila ng award-winning actress na na-starstruck siya sa nagbabalik na award-winning actress.
Pero agad naman daw itong napalitan ng tuwa at sabik sa pagsisimula ng pagsasama nila sa trabaho.
Aniya, "'Yong pagka-starstruck ko naman din kasi ay may hangganan din. Siguro mga three minutes, four minutes, ganyan.




0

