features

Eugene Domingo excited to work with Superstar Nora Aunor; explains "walk out" on The Buzz

by Nerisa Almo posted on December 9, 2011  STATS: 5727 Views | 61 Comments


"Katrabaho talaga ako," says Eugene Domingo clarifying the "walk out" incident on The Buzz after she was asked which among the three TV networks was the best. She further explains, "Lahat 'yan pinapakain ako, lahat sinuswelduhan ako. Para sa akin lahat sila katrabaho ko."

Photo By: Nerisa Almo

Masayang ikinuwento ng comedienne na si Eugene Domingo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang pagkikita nila ng kanyang iniidolong artista, ang Superstar na si Nora Aunor.

Nangyari ito nang magkaroon ng pictorial ang dalawa kamakailan para sa gagawin nilang mini series sa TV5, Sa Ngalan ng Ina.

"Hanggang dito ko lang siya [sabay turo sa noo]. Ang liit-liit lang pala ni Ate Guy?" natutuwang sabi ni Eugene media junket na inihanda para sa kanya at ng direktor ng Wedding Tayo, Wedding Hindi kagabi, Agosto 22.

Tinanong ng PEP kung kumusta ang una nilang pagkikita.

Sabi ni Eugene, "Pinakilala ko ang sarili ko. Sabi ko, 'Ate Guy, ako po si Eugene.'

"Tapos pinaalala ko sa kanya, 'Nagkita na po tayo sa Amerika, noong nag-show po kami ni Direk Wenn [Deramas].'

"Unti-unti nang bumabalik sa kanya. Ang dali naman niyang makaalala, e."

Bagamat walong taong nawala si Nora sa local showbiz, naging madali naman umano ang kanyang pag-adapt sa mga sitwasyon, ayon kay Eugene.

"Tapos parang naninibago rin siya.

"Noong pictorial, sabi niya, 'Ano ba 'to, ang tagal-tagal ko nang artista pero parang hindi ko na alam ang anggulo ko?'

"Tawa ako nang tawa kasi hindi ko naman akalain na gano'n siya.

"Di ba, para sa isang batikan, ang cute? Ang cute na makarinig ng gano'n, na nahihiya."

Hindi ikinaila ng award-winning actress na na-starstruck siya sa nagbabalik na award-winning actress.

Pero agad naman daw itong napalitan ng tuwa at sabik sa pagsisimula ng pagsasama nila sa trabaho.

Aniya, "'Yong pagka-starstruck ko naman din kasi ay may hangganan din. Siguro mga three minutes, four minutes, ganyan.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

61 Comments

  • 61  almond143

    12/09/2011 | 08:32 PM
    Ok lang tanong dapat pa joke ang sagot
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 60  ike

    08/30/2011 | 07:18 AM
    ang ganda ng kumbinasyon-Nora, Uge and Osang. Sana magkaron din sialng tatlo ng pelikula.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 59  adoboworld

    08/26/2011 | 06:39 AM
    Winner na winner ang teleseryeng ito. Dahil Nora, Christopher, Uge and Rosanna Roces. Sure na number one ito sa ratings.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 58  kilabotako

    08/25/2011 | 03:53 PM
    we love her kase she stay simple,humble at proffesional kahit sumikat na,,dapat ganyan nga,,walang yabang sa katawan,,matalino sya kase mas nanaisin nyang maging single wid god nalang kesa magamit o maloko lang sya ng mga guys,,we love that uge!!!more power,,at kahit supporting lang sya sa tv series nila ni NORA ok lang,,work ang mahalaga jan,,kase ang alam ko its NORA AUNOR VS ROSANA ROCES dito,,,xciting!!!mas like ko sya kesa kay AIAI,,kase si ai ai nasisira dahil sa mga guys na ibang lahi din,whahaah,,at edukada at may breeding si uge,,ituloy molang maayos na relasyon s adyos at bible,,im sure,,ok iyan,,sana makasama niya si KRISTINE HERMOSA-SOTTO,,ROXANE GUINOO-YAP,etc,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 57  rhiann3

    08/25/2011 | 08:30 AM
    redsand.. masyado k nman yatng assuming!! Kung si Eugene nga hindi sumagot e, ikaw pa! how did u know that in her mind kapamilya is the best!? Bka hindi mo alam kung magkano ang kinikita nya dun sa ibang network.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 56  greencardholder

    08/25/2011 | 07:30 AM
    napakairesponsible naman kasi na tanong yun. naturingang veteran tv host. ano ba nangyari sayo Boy?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 55  kalabaw99

    08/24/2011 | 11:46 PM
    tama naman si eugene eh. wala na kasi dapat ang ganyang grupo-grupo... kaya namatay ang industriya ng pelikula at musika sa pilipinas dahil sa exclusivity na yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 54  foofieboo

    08/24/2011 | 09:29 PM
    kung hindi galing kay boy ang tanong na ito, e bakit tinanong niya pa ri? Di ba pakiramdam niya intelligent siya? Pero bakit binasa pa niy? Saan na punta ang dunong niy? dahil kampi siya sa kapamilaya network? KUNG KA TALAGA SA FAINESS BOY... Si Angel locsin lang ang sumagot sa pang corner na tanong mo... si Alex de Rossi matalino din dahil hindi mo na corner noong ininterview na may gusto ka namang siraan na network...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 53  foofieboo

    08/24/2011 | 09:24 PM
    salamat naman at matalino si Oge.. hindi siya na corner ng question ni PaBoy... may gusto naman kasing ipalabas ang host na ito... Boy, mahalin mo ang kapwa mo. Hindi lang pulos kapamilya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 52  my2pesosworth

    08/24/2011 | 08:36 PM
    Ms. Nora and Ms. Eugene - winner ang combination!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 51  hayohay

    08/24/2011 | 05:33 PM
    oo nga "challenge" yung segment na iyon ni Boy Abunda. pero I think, hindi pa rin dapat 'yon tinanong kasi since the show was aired on ABS-CBN, parang LEADING na rin ang question. Siguro kung taga-NBN ang nagtanong pwede pa, or mga newspaper or magazine writers na not related to any network.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 50  chikorita_pikachu

    08/24/2011 | 04:12 PM
    Thats why i we dont like boy- npka overrated at trying hard magtanong.. mabuti pa si ricky lo..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 49  kokuryu

    08/24/2011 | 03:20 PM
    kaninong mouth nagleave ng bad taste sa taong tinanong o sa mga taong nakabsa nito na hindi naman talaga alam kung ano ang nangyari dun sa the buzz?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 48  fagero

    08/24/2011 | 03:03 PM
    whether the question was asked as a challenge or not, and whether the interviewee had the option to walk out or stay, asking it still leaves a bad taste in the mouth!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 47  starking

    08/24/2011 | 03:00 PM
    Yan ang hindi dapat itanong ng isang host, lumitaw tuloy na mas matalino si uge kay boy abunda
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 46  fagero

    08/24/2011 | 02:57 PM
    Boy Abunda or whoever wrote that question to be asked of Eugene should have thought many times before asking. What actor in his right mind would identify just one network as the best when he works for many others? Sa abscbn ko lang naririnig yang mga ganyang klaseng tanong kasi pumapayag yung mga talents dun na gamitin sila as mouthpieces of the network. long before, si Marvin Agustin e me mga masasamang side comments tungkol sa gma7 nung nasa isang entertainmnet show siya pag sat afternoon. kainitan noon ng demanda ni kris aquino sa gma7. e ngayon, nasan siya? nandun sa gma7. siguro hindi aware ang mga execs dun sa mga pinagsasabi nya. iilan lang ang tunay na matatalinong artista tulad ni Eugene.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 45  meldita143

    08/24/2011 | 02:47 PM
    oo nga naman. may point c eugene!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 44  florenz13

    08/24/2011 | 02:17 PM
    eh ano pa at tinanong niya kung alam naman nyang hindi rin ito sasagutin at sinabi pa sa una na ok lang mag-walk out? nagpapa-kontrobersyal ang interview.. para umingay ba? buti na lang matalino si uge.. tanungin ba sa taong nagwowork sa tatlong network kung alin sa mga ito ang pinakamaganda.. kaloka ka boy! gusto mo bang magkaproblema pa si uge sa mga networks na pinagtatrabahuhan niya.. common sense and respect
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 43  bitter_sweet123053

    08/24/2011 | 02:02 PM
    alam nyo kung ano ang mali sa article na to? d pinaliwanang ng PEP ung segment na un ng the buzz..hindi naman lahat ng reader nakapanood nito kaya they reacted the way this article was written. d nyo rin masisisi ung mga nagcomment ng nega because they never knew. this article should be substantiated para d mamislead ang reader.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 42  redsand

    08/24/2011 | 02:00 PM
    her answer is obvious..kaya lang ayaw nya ma reprimand cya ng kabilang estasyon pag cnabi nyang Kapamilya ang dBest. hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About