Nominated sa Telenovela category ng International Emmy Awards 2011 ang Impostor—ang dating soap ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Melai Cantiveros, along with Maja Salvador, Sam Milby, at ng boyfriend niyang si Jason Francisco.
Noong nakaraang Martes, Oktubre 5, sa studio ng Happy Yipee Yehey! ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Melai para kunin ang kanyang reaksiyon tungkol sa magandang balitang ito.
"Sobrang happy ako!" bulalas niya.
"Sobrang saya namin ni Jason dahil na-nominate yung Impostor sa Emmy Awards.
"Yung Emmy Awards, pangmayaman daw yun, e. Yung sa abroad daw yun, e.
"I can't believe it! Sana manalo naman.
"Pero, in fairness, pag na-nominate pa lang, 'di na basta-basta, di ba?"
LEVEL UP. Ibig bang sabihin nito, pangmayaman at pang-international na sila ni Jason?
"Uy, hindi naman! Kasi sina Maja Salvador at Sam Milby ang bida dun.
"Pang back-up singer [second lead] lang kami dun. Sina Maja na lang tanungin n'yo diyan.
"Sila yung pang-international, hindi kami ni Jason," sagot ng komedyana.
Paano niya nalaman ang tungkol sa nomination ng Impostor sa Emmy Awards?
"Sinabi sa amin ng manager namin na from Ma'am Mariole [Alberto] daw.
"Kasama nga daw kami sa Emmy Awards," masayang sabi ng Star Magic talent.
Ano sa palagay niya ang naging edge ng Impostor sa ibang shows kaya sila napasama sa nominees ng Emmy Awards?




0

