features

Michael V. on Bubble Gang: "Hindi siya makakatayo kung wala lahat."

by Jocelyn Jimenez posted on January 31, 2012  STATS: 2053 Views | 32 Comments


Michael V. reveals the secret of Bubble Gang: "Kasi ano lang, e, 'di ba parang ito lagi kong definition sa Bubble Gang, e— reflection ng society. So, kung may uso, nakikita niyo do'n sa show namin, kung ano yung trend ngayon nando'n sa show namin. So, habang may mga lumalabas na bago sa society, palagay ko may nagiging materyal kami. 'Yon ang sekreto no'n."

Photo By: Noel Orsal

Ngayong Oktubre ang selebrasyon ng 16th anniversary ng longest-running gag show ng GMA-7 na Bubble Gang.

Ang nasabing selebrasyon ay nahati sa dalawang bahagi. Ang una ay ipapalabas sa Oktubre 14, at ang pangalawang serye naman ay sa Oktubre 21.

Mula 1995 ay hindi pa pumapalya ang Bubble Gang sa paghahatid ng walang sawang kulitan at katatawanan tuwing Biyernes ng gabi. At sa tingin ng isa sa mga pioneer cast nitong si Michael V., ang sikreto sa kanilang pagtagal sa telebisyon ay ang kanilang kakaibang relasyon sa kanilang audience.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Michael V. sa set visit ng kanilang show noong Lunes, Oktubre 10, sa studio 6 ng GMA Network sa Timog, Quezon City.

Sinabi niya na, "Kasi ano lang, e, 'di ba parang ito lagi kong definition sa Bubble Gang, e- reflection ng society.

"So, kung may uso, nakikita niyo do'n sa show namin, kung ano yung trend ngayon nando'n sa show namin.

"So, habang may mga lumalabas na bago sa society, palagay ko may nagiging materyal kami.

"'Yon ang sekreto no'n."

Hindi rin naman daw mahirap para sa kanila na alamin kung papatok ba ang kanilang mga segment o karakter sa mga manonood.

"Kasi dito pa lang sa set nandito na 'yong audience, e," paliwanag ni Michael V.

"Mayroon ka nang A, B, C, D, E, na tao dito, e. So, mage-gauge mo na kagad kung magki-click ka o hindi, dito pa lang.

"So, kapag medyo sablay ka dito parang, teka lang baguhin natin."

MICHAEL V- OGIE TANDEM. Ang duo nina Ogie at Michael V. ang isa sa mga pinaka-epektibong tandem pagdating sa pagpapatawa.

Para kay Michael V., ang dahilan daw ng kanilang epektibong pagpapatawa ay ang maganda nilang samahan.

"A, siguro 'yong pagkakakilala na rin namin sa isa't isa," nakangiti niyang sinabi.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

32 Comments

  • 32  putingbato

    10/14/2011 | 02:06 PM
    kudos to bubble gang and GMA7 yan si M.V like German Morena may mas pinapahalagahan nila ang salitang paninindigan at loyalty,,,di natitinag at nasisilaw sa halaga ng pera...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  rscmisjic

    10/14/2011 | 11:10 AM
    Love this show, I even record it in dvd para mapanood the next morning. walang kupas, ang galing ni ogie sa boy pickup. Pero op kors bitoy is always there.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  diwani

    10/14/2011 | 08:07 AM
    mga 1990's p gumgawa n ng paraan pra mkuha c Bitoy khit triple p ang inoffer ng dos s kanya ang sagot nya ay satisfied n cya kung saan man cya, o anu gnagawa nya, gawen n lng sana ng 5x bka mppyag p ninyu c Bitoy hehe.peace
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  mandersnork

    10/14/2011 | 03:41 AM
    congrats!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  jimmycrackcorn

    10/13/2011 | 10:45 PM
    Thumbs up Bubble Gang! Cheers to Micheal V and Ogie A.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  Space_Ace

    10/13/2011 | 09:13 PM
    Bubble Gang parang Eat Bulaga, ilang beses na tinapatan ng kalaban pero palaging panalo! Congratz Beethoven Bunagan a.k.a. Michael V. Happy 16th Anniversary!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  darkman501

    10/13/2011 | 03:40 PM
    gusto ko ung mga sosyal na taong grasa... at ang mga spoof sa mga tvc..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  luvpinas4ever

    10/13/2011 | 01:25 PM
    sana lahat ng artista katulad ni Bitoy matalino,magaling at marunong lumingon sa pinanggalingan.good luck and more power.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  oskieness

    10/13/2011 | 01:25 PM
    CONGRATS BUBBLE GANG congrats din po sa KAPUYSO NETWORK...and congrats MICHAEL v..idol tlga kita...ang talino mo kase...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  kapuso_believer

    10/13/2011 | 01:16 PM
    congrats. buti n lng hndi totoo ung balita na tutsugihin na ang BG.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  avatar3664

    10/13/2011 | 11:37 AM
    haist... Tuwing Friday night, hindi ako takot sa multo dahil may Bubble Gang!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  kantaratarat

    10/13/2011 | 11:18 AM
    congrats together with eb wala kayong katulad patunay lang na gma ang tahanan ng mga quality shows
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  onebee_07

    10/13/2011 | 11:01 AM
    eat bulaga longest running noontime show at bubble gangan longest running gag show...why?dahil humble at tunay na magkakaibigan...at hindi nagpapatol sa mga negative issues...thanks sa pagbbgay kaligayahan sa amin...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  alexangel

    10/13/2011 | 09:17 AM
    magaling at matalino si bitoy at HINDI MAYABANG! di gaya ng iba jan na nagkaroon lang isang hit kala mo hari na. LOL! friday habit ko na talaga ang bubble gang. good job!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  trudis09

    10/13/2011 | 08:22 AM
    yes!! bubble gang no. 1.. i remember before,nanonood na ako,kahit mag isa lang ako kc enjoy tlga, now dna ako masyado makapg puyat kc i have kids na pero may pumalit na sa akin, mga pamangkin ko age 16 years old,at gustong gsto nla ang show na ito.. congratulations... bonggang bonggang bongbong!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  commentirador01

    10/13/2011 | 06:03 AM
    hahahahahha galing ng bubble gang!! agree with you number 16, pero idagdag mo din ang anime kasi mostly pa rin sa magagandang anime nasa gma at ang afternoon prime ng GMA tlgang mas maganda kesa kabila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  wallcrawler

    10/13/2011 | 04:53 AM
    sa totoo lang nasa GMA na lahat. Drama munting heredera, epicserye Amaya, noontime show eat bulaga, comedy show bubble gang, showbiz talk show startalk. tsk tsk tsk ang sa kabila naman MMK na lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  state18

    10/13/2011 | 04:30 AM
    sana ibalik nila un mga taong grasa sila na mayayaman, i forgot the title, pero ang saya nun sobrang nakakatawa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  kapusoakotalaga

    10/13/2011 | 02:54 AM
    iba ang bubble gang, da best! paborito ng asawa ko yan haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  MadamClaudia

    10/13/2011 | 01:20 AM
    wala ng makakatalo at makakapantay sa kanila kahit sa ibang network, all around talent, singer, composer, actor, at host pwede lahat. the best duo Michael V and Ogie A.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About