Matapos kumanta ng limang cuts mula sa album niyang Annebisyosa, nagpaunlak ng maikling interview si Anne Curtis bago lumabas muli ng stage para naman sa album signing at picture-taking kasama ang kanyang fans, kaninang hapon sa SM Megamall Activity Center.
Binati muna ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Fil-Australian na dalaga, dahil bukod sa box-office hit ang pelikula niyang No Other Woman, nag-gold record (7,500 units sold) na kamakailan ang kanyang album.
At kanina lang sa Showtime, dineklara pa siyang panalo sa labanan ng production numbers ng hosts na ginanap sa loob ng isang buong linggo.
Ano pa nga ba ang kulang kay Anne?
"Sobra lang akong masaya. As in sabi ko nga, wala na akong puwedeng hingin pa. Sobra na akong happy sa mga nakukuha ko," pahayag muna ng 26-year-old na aktres-TV host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa beteranong showbiz reporter na si Nora Calderon na naimbitahan ding makapanayam ang dalaga.
Isa nga si Anne sa mangilan-ngilang celebrities na na-e-enjoy ang successful na career at successful na love life.
Ano naman ang nasasabi ng kanyang businessman at part-time model na boyfriend na si Erwan Heussaff sa mga nangyayaring ito sa kanya?
"Sobrang proud siya. Happy din siya for me.
"And to top it all, binigyan pa 'ko ni Kuya Germs [German Moreno] ng star sa Walk of Fame," tuwang-tuwang balita pa ni Anne.
Sa December 4 nga ay magaganap ang paglagay ng star ni Anne sa Walk of Fame Philippines sa Eastwood City na siyempre pa'y pupuntahan niya.
Habang kinakausap si Anne ay ibinulong ng isang Viva insider na, as of yesterday ay malapit na sa P270 million ang kinikita ng No Other Woman.
Biro ng PEP kay Anne, lalo yatang ma-i-insecure ang Showtime co-host niyang si Vice Ganda sa kanya dahil malapit na ring ipalabas ang pelikula nitong Praybeyt Benjamin na sinasabing magiging malakas din daw sa box office.
"Of course not. When you're family, hindi nagkakaroon ng inggitan. Full support lang yun.
"Di ba yung prod niya nga sa Showtime, 'No Other Horse?'" natatawa pang sabi ni Anne.
May nakahanda na bang susunod na proyekto si Anne?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
36 comentaryo
35 philippineeagle
34 flipperayo
33 flipperayo
32 flipperayo
31 eugeniogozon2
30 dustmyeat
29 divina12345
28 divina12345
27 pinoycali_ako
26 angelofangel
25 kaepalmilya
24 flipperayo
23 kaepalmilya
22 butching
21 4627pw
20 sunshine2010
19 macmack213
18 sunshine2010
17 tangerine_dream114
more comments