features

PEP EXCLUSIVE Vice Ganda on Praybeyt Benjamin's earnings of P200 million in eight days: "Alam kong maghi-hit ang movie, pero hindi ganung kalala!"

by Rommel R. Llanes posted on February 23, 2012  STATS: 1625 Views | 48 Comments


  "Sa simula pa lang, sinasabi ko na, 'I-claim na natin ang victory, i-claim na natin ang success, i-claim na natin lahat, todo. Sabi ko, wag na nating sabihing, 'Sige, okey na hanggang ganito lang, wag na.' Kasi baka mamaya, marinig ng Diyos, yun na lang ang ibigay. Basta ang feeling ko, kakabog talaga ang movie na 'to," enthuses Vice Ganda about his movie Praybeyt Benjamin.

Photo By: Noel B. Orsal

Biro ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz sa alaga niyang si Vice Ganda, kung sakaling kabugin nga ng Praybeyt Benjamin ang kasalukuyang Philippine all-time box-office movie na No Other Woman, malamang na may "este" sa title na ibibigay kay Vice ang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).

Ang GMMSF ang organisasyon na nagbibigay-parangal sa mga artista ng pelikulang kumita nang malaki sa loob ng isang taon.

"Meron ng 'este' sa title niya sa Guillermo. 'The New Box-Office Queen Este King," sabi ni Ogie sa pamamagitan ng text sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Maya-maya pa, nang katanghalian ay nakausap na ng PEP si Vice Ganda mismo sa pamamagitan ng cellphone at hiningan ng reaksyon tungkol sa nakakagulat na pagtabo sa takilya ng pelikula niya.

Ayon kasi sa report na na-publish sa spot.ph (CLICK HERE for story), naka-P200 million na ang Praybeyt Benjamin sa unang walong araw pa lang nito.

Maaari raw tuloy malagpasan pa ng Praybeyt ang No Other Woman, kung saan bida ang TV co-host niyang si Anne Curtis, si Cristine Reyes, at ang leading man na si Derek Ramsay.

Kumita ng P282 million ang No Other Woman matapos ang isang buwang pagpapalabas nito.  

"Sa simula pa lang, sinasabi ko na, 'I-claim na natin ang victory, i-claim na natin ang success, i-claim na natin lahat, todo.'

"Sabi ko, wag na nating sabihing, 'Sige, okey na hanggang ganito lang, wag na.'

"Kasi baka mamaya, marinig ng Diyos, yun na lang ang ibigay.

"Basta ang feeling ko, kakabog talaga ang movie na 'to," simula muna ni Vice.

Pero inasahan ba niyang puwedeng maging top-grossing movie sa history ng Philippine Cinema ang pelikula niya?

"Honestly, hindi. Alam kong maghi-hit ang movie, pero hindi ganung kalala!"

Nakakagulat daw na sumobra sa expectations nila ang Praybeyt Benjamin, na noo'y inaasahan niya lang na malagpasan ang nauna niyang pelikulang Petrang Kabayo.

Ayon sa international movie monitoring database na imdb.com, ang Petrang Kabayo ay kumita ng P115,494,375 sa loob ng anim na linggo na pagpapalabas nito.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

48 Comments

  • 48  pepreader123

    01/06/2012 | 06:29 AM
    Isa sa mga idolo ko si Vice. Gusto sya sa Showtime at Gandang Gabi Vice. Lahat ng episodes ng GGV ay napanood ko at madalas napapahalakhak ako sa show nato. Pero napanood ko ang Praybet Benjamin. Sa totoo lang hindi ako nagandahan, at hindi ako natawa. Disappointed nga ako dahil, kala ko maganda since box office ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  n9sapphire

    11/22/2011 | 09:38 AM
    no 40 puntahan mo dun sa ng top movies of the philippines 44million lang mahigit ang kinita ng my valentine's girl
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  xspring

    11/11/2011 | 10:48 AM
    ylanisxian 11/08/11 12:15 am Parang Kantar lang to. Nilalangaw sa comment. Marami palang supporters? Eh bakit wala pang 100 ang comments dito? Parang Kantar lang, No. 1 daw pero wala namang pumapansin. Strategy to ng ABS, palabasin sa viewers na Blockbusters ang mga movie nila kahit hindi, para may mattract.-----------------------------------LOL eh ung GMEwwww no.1 daw sa agb ekek pero ang mga movies dinadaan daanan lng at nilalangaw. Panalo daw sa rating pero khit sa mega Manila eklat parin at flop ang movie!! Ang super flop sa star cinema blockbuster na sa kanila! Wahhhh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  n9sapphire

    11/10/2011 | 02:04 PM
    tama ka jan 44 pano naman kasi parang agb pa rin pa rin ang akala purchasing power ang basihan dito un ang totoo kaloka more 300m na kinita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  hooney

    11/10/2011 | 06:57 AM
    kase ang mga fans ng ABS may mga trabaho at bibisita sa pep kung kailan nila gusto, anu naman feeling mo katulad niyo kami na lahat ng article ng mga artists niyo eh may comment kayo kahit yung mga starlets may copmment pa rin kayo haha, mga hibang, palibhasa flopsina queen ang nag iisa niyong reyna hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  ylanisxian

    11/08/2011 | 12:15 AM
    Parang Kantar lang to. Nilalangaw sa comment. Marami palang supporters? Eh bakit wala pang 100 ang comments dito? Parang Kantar lang, No. 1 daw pero wala namang pumapansin. Strategy to ng ABS, palabasin sa viewers na Blockbusters ang mga movie nila kahit hindi, para may mattract.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  n9sapphire

    11/06/2011 | 08:47 PM
    no.40 talaga lang nag post pep ng ganun kasi tiningnan ko sa lists of all top-grossing films in Philippines ang total gross sales ng My valentine's girl was 44.26million
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  n9sapphire

    11/06/2011 | 08:27 PM
    hahah kikita talaga to dahil nakakatawa congrats havey na havey
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  GMA_No_Other_Film

    11/06/2011 | 05:29 PM
    Congrats Mother Lily, 135 Million Pesos in 3 days only para sa My Valentine Girls ni Rechard anak ni Anabilbil with divine intervention pa, wala ng makakatalo sa record na yan. PEP ang nagpost nyan dati. Kaya Congrats sa Regal at GME Pelms. Cheers mga Kapuso Pans!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  chardine88

    11/06/2011 | 11:50 AM
    wow! parang intl movie!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  myca_bag

    11/06/2011 | 11:22 AM
    iba ka talaga, vice gander. congrats!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  offshore

    11/06/2011 | 10:50 AM
    kahit siguro ako ilibre di ako manonood nito. but in fairview pila talaga ang tao sa sm north. 3 o 4 na cinema pa yun. so far so good ito para sa movie industry. dun sa mga nagtatanong kung me kalaban itong foreign film na maganda meron naman like tower heist or trespass pero just like in US hindi rin ito nag-clik sa moviegoers kaya congrats vice!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  edric

    11/06/2011 | 09:42 AM
    hahaha HAGALPAK AKO SA KAKATAWA dito kaya ung nagsasabi dito kumita nga pero maganda ba, ineng word of mouth din yan kaya pinasok yung pelikula ibig sabihin madaming positive feedback pinkamagandang scene dun na first time ko na nakita sa isang comedy film na grabe yung atake yung hindi pinagsalita yung extra yung scene kasi tinanong ni vice yung mga kagrupo nya sa military camp kung pano sila napasasok nikki valdez, kian cipriano, vandolph, dj durano and others kasama yung extra, yung extra na yun babad sa eksena pag may mga training and obstacle course nasa isip ko sino ba itong extra na ito at laging babab sa mga ekesena wala namang dialogue, nung nagkwento na sila isa isa at moment na nung extra para magsalita kung bakit sya punasok sa military sabi ni vice hay naku tulog na tayo to dat effect hehehehehe napakamot sa ulo yung extra hahahaha ang galing ang galing
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  napazu7

    11/06/2011 | 09:04 AM
    honestly kumita naman tlaga ung movie ni vice pero tanungin mo ung mga nkapanood kung mganda, iisa lang ang sagot hhehehehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  gibraltar

    11/06/2011 | 08:25 AM
    Bakit walang ad ang Praybet Benjamin sa TFC, puro yung kay Pokwang na A Mother's Story? Di ba ipapalabas dito sa States?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  cygnet210

    11/06/2011 | 07:10 AM
    Congrats Kapamilya. I'm so proud!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  kalika

    11/06/2011 | 06:29 AM
    bakit lagi congrats viva... kumikita ang viva pag sa star cinema nag co produce...tingnan nyo pag sa gma... hindi makaabot ng ganyan... at ang star cinema kahit hindi ka tie up ang viva kumikita... at wag sabihin na dahil sa viva talents kaya kumikita ang movie...bakit ang movie ni anne with claudine and richard na co produce ng viva with gma...hindi nag hit ng ganyan?...hindi! ...here comes the bride ni angelica kumita without viva... at wag sabihin dahil kay eugene dahil bakit ang mamarazzi under regal hindi kumita?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  Monicafer

    11/06/2011 | 06:07 AM
    Congrats to the success of NOW and Praybeyt Benjamin. Just curious will it be the same if there is any foreign movie shown at the same time? If the accounting of the gross receipt of Praybeyt Benjamin is accurate, it will definitely surpass NOW as the sales covered only the Philippines. What more if it will be shown worldwide it would reach 300 million mark.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  Jockinthepan

    11/06/2011 | 06:05 AM
    Kaya love ko si Vice kasi gaya ng ibang Pilipino may utang na loob sya Kay Ogie at never silang nagka iwanan. May kasabihan nga ang taong lumingon sa pinang galingan ay makakarating sa patutungugan hehehe Love you Vice and Ogie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  Speed_OfLight

    11/06/2011 | 04:55 AM
    lokohin nyo lelang nyo. 'hit' dahil mahal ang presyo ng ticket ngayon kumpara noon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About