Ketchup Eusebio (right) and Borgy Manotoc are co-hosts in Studio 23's "It's A Guy Thing" Photo: Emerson Sy and Noel Orsal

 

Kabi-kabila ang batikos na natatanggap ni Borgy Manotoc pagkatapos ng guesting niya sa radio show ni DJ Mo Twister na Good Times last Wednesday, November 28. Marami kasing binanggit na pangalan ang anak ni Congresswoman Imee Marcos bilang sagot sa "Forbidden Questions" segment ng radio program ni DJ Mo.

 

Maseselan ang ilan sa mga tanong kay Borgy-gaya ng kung sino ang mga nakaniig na niya at kung sino ang paaaminin niyang bakla sa showbiz-na sinagot naman niya lahat. Sa katunayan, sina Borgy at Lolit Solis pa lang ang nakaka-perfect 40 sa lahat ng nag-guests sa controversial radio program na Good Times.

 

Sa kabila ng mga nakukuhang batikos ni Borgy ay ipinagtanggol naman siya ng young actor na si Ketchup Eusebio. Magkasama ang dalawa sa show na It's A Guy Thing ng Studio 23.

 

Matagal na raw silang magkatrabaho ni Borgy at puro kabaitan ang nakikita niya sa apo ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos na nagdeklara ng martial law sa bansa mula 1972-1982.



"Dapat siguro intindihin natin na iba ang kinalakhang background ni Borgy. Lumaki siya sa iba't ibang bansa at para sa kanya, balewala 'yung mga sinabi niya sa radio show ni DJ Mo," sabi ni Ketchup sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sa press con ng Mano Po 5, noong December 2, sa Imperial Palace Suites.


Pagtatanggol ni Ketchup: "Siguro kung may nasabi man siya na para sa atin ay hindi tama, para sa kanya parang ordinaryo lang 'yon. Napapalaki lang naman kasi ng media ang lahat. Minsan blown out of proportion na.



"Sa pagkakakilala ko kay Borgy, mabait siyang tao and very down to earth. May times na mahilig siyang magbiro pero lahat iyon walang meaning. Huwag naman sana nating i-condemn ‘yung tao. Let's judge him fairly at hindi base sa mga nabasa lang natin. Kilalanin muna natin nang mabuti ‘yung tao."

 

Samantala, ginagampanan ni Ketchup ang role ng kapatid ni Angel Locsin sa Mano Po 5: Gua Ay Di, an official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival.

 

Ang Mano Po 5 ang sixth movie ni Ketchup this year. His other movies this year are Kapag Tumibok ang Puso, White Lady, First Day High, Ang Pamana (The Inheritance), Gigil, at Sa Aking Pagkagising Mula sa Kamulatan. Sa huling nabanggit na pelikula ay nanalong best supporting actor si Ketchup sa Urian Awards.