Jessa Zaragoza on Rufa Mae: "Hindi ko po siya naging best friend."

Julie G. Bonifacio
Thursday, April 10, 2008 @ 02:16PM  |  4569 views

"Hindi seryoso, hindi boyfriend-girlfriend, exclusive. So, ganun ang kanilang relasyon noon," Jessa Zaragosa said about the real deal between her husband Dingdong Avanzado and Rufa Mae Quinto in the past.
Photo By: Paul Mata (Rufa Mae) & file photo (Jessa)













Sa isang ekslusibo at eksplosibong phone interview na ipinagkaloob niya sa The Buzz kahapon, February 3, binuweltahan ni Jessa Zaragosa ang mga sinabi ni Rufa Mae Quinto sa YES! magazine.

 

Pero bago magbitiw ng maaanghang na salita si Jessa ay nagpasintabi muna siya sa manager ni Rufa Mae na si Boy Abunda, na kasama nina Ruffa Gutierrez at Cristy Fermin bilang host ng The Buzz.

 

"Bago ako mag-react, bago ko sagutin ang tanong ninyo, unang-una gusto ko pong...Nagpapasalamat ako sa The Buzz dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataon para makapag-explain. Kasi po malayo po ako at ito lang ang way ko para maiparating ang aking eksplanasyon.

 

"Pangungunahan ko na rin po kay Tito Boy, ‘Tito Boy, gusto ko na po kayong pangunahan ng pasensya po dahil maaari po kayong masaktan sa mga sasabihin ko dahil kayo po ang manager ni Rufa Mae Quinto. Nagpapakatotoo lang ako," ang panimula ng misis ni Dingdong.

 

Hindi na napigilan si Jessa na magtuluy-tuloy sa pagpapaliwanag.

 

"Kaya rin ako nag-react nang ganito at nagsalita nang ganito, nakarating po sa akin at nabasa ko pa mismo yung article. Okey lang po ang tell-all, wala po akong problema doon basta base on facts. Pero ano po, e, marami pong lies about me and Dingdong na sinabi po siya dito.

 

"Eight years ago noong nagsalita siya sa The Buzz, hinayaan lang po namin, hindi na po namin kinorek itong mga kasinungalingan niya. This time, hinihingi po ng pagkakataon na ikorek ko po itong mga lies na ito," ang sabi niya sa boses na 'di natitinag.

 

JESSA'S REVELATION. "Una, nung mga panahon na yun, wala pong inagawan, wala pong nang-agaw at wala rin po akong sinirang relasyon nila ni Dingdong noon.

 

"Kasi po unang-una, hindi po siya girlfriend ni Dingdong Avanzado. Uhm... kasi ang hirap umisip o magsabi ng disenteng salita kung paano ko pong mailalarawan ang relasyon nila ni Dindong. We were just going out," pahayag ni Jessa.

 

Nabalita noon na may isang lalaki raw na pumasok sa buhay ni Rufa Mae na siyang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Dingdong.

 

"Ah, actually, nahuli siya ni Dingdong. Kasi noong lumalabas pa sila ni Dingdong, nahuli siya ni Dingdong fishing other men aside from Dingdong. Nahuli siya ni Dingdong, nag-iiyak siya, syempre na-touch ang kanyang pride. But after that kahit nahuli na siya, nagkikita pa rin sila. Lumalabas pa rin sila. So, ganun ang set-up nila. Hindi seryoso, hindi boyfriend-girlfriend, exclusive. So, ganun ang kanilang relasyon noon."

 

Itinanggi naman ni Jessa na nahuli ni Dingdong si Rufa Mae na may kasiping na ibang lalaki.

 

"Ang nangyari, pumunta si Dingdong sa bahay ni Rufa Mae. Ayaw po siyang pagbuksan ng pinto. Hindi ko po masabi kung pinto ng kuwarto o pinto ng bahay, hanggang sa ayun nga, iyak siya nang iyak hanggang sa nag-usap sila ni Dingdong. Inamin po niya kay Dingdong yung lalaki, kung sino po yung lalaking yun," ang sabi ng singer.

 

Humingi ng clue ang host ng The Buzz na si Cristy Fermin kung ang lalaking tinutukoy ba niya ay pogi?

 

"Opo, isa siyang aktor at politician pero ayoko na pong magbigay ng names kasi lalaki pa po, e," ang mabilis na sagot ni Jessa.

 

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name