Heart Evangelista denies writing any blog entry about her breakup with ex-boyfriend Jericho Rosales. Photo: Noel B. Orsal

Iba't ibang social networking websites ang nagkalat ngayon sa cyberspace. Nandiyan ang Friendster, Multiply, Shelfari, MySpace, at iba pa. With these websites, mas madali at mas malawak ang proseso ng pakikipagkaibigan, pakikipag-communicate at pag-reach out ng account holder o member sa lahat ng tao sa buong mundo. At higit sa lahat libre lang ang pagkakaroon ng account sa mga sosyalang websites na ito.

 

Pero ang pinakamatunog ngayon among these social networking websites ay ang Facebook. Developed by Harvard University student Mark Zuckerberg in 2004, sa simula ay sa mga estudyante lang ng Harvard available ang website na ito. It then, expanded to include other Ivy League universities, then to high schools in America, at kalaunan ay open na sa lahat.

 

Marami ang natutuwa sa special features ng Facebook, tulad ng Wall, Pokes, Photos sharing at virtual gifts.

 

Hindi kataka-takang pati celebrities—lalo na yung mga may Internet savvy—ay nahahaling din sa Facebook at may sari-sarili na ring mga account. Kaya nga isa rin ito sa mga paraan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) para makipag-communicate sa mga artista.

 

Pero paano kung ang inaakala mong artistang kausap mo sa Facebook ay hindi naman pala yung totoong artista?

 

Ito nga ang situwasyon na napasukan ng PEP.

 

FAKE. Last week, nakatsikahan ng PEP through Facebook ang inaakala naming si Heart Evangelista. Kapani-paniwala talagang si Heart nga ang kausap namin dahil sa paggamit nito ng tunay na pangalan ni Heart na Love Marie Ongpauco.

 

Bukod pa rito, puno rin ang Facebook account ng inaakala naming si Heart ng naka-post na photos na may bilang na 158. May 27 albums pa na puro pictures din, na ang ilang album pa nga ay may title na "The Big Move" kung saan, naka-post ang mga pictures ni Heart with GMA executives nang mag-sign ito ng kontrata GMA-7.

 

Meron pang album doon na may title na "Ay Ayeng Shooting" na may photos na kuha sa shooting ni Heart sa Zambales with ex-boyfriend Jericho Rosales. May iba pang albums na sila lang ni Jericho ang nakalagay.

 

Wala talagang duda noon ang PEP na si Heart nga ang may-ari ng Facebook account dahil sa nakalagay na 355 friends na naroon. At kung ibu-view rin ang mga nakarehistrong friends sa account na ito, maniniwala talaga ang kahit na sino na si Heart nga ang may-ari ng Facebook account.

 

Mostly, friends and even relatives ni Heart inside and outside showbiz ang mga ka-member niya or ka-Facebook. And when you read the account's Wall, iba't ibang messages din ang mababasa na naka-post dito from her friends.

 

Masipag din ang Facebook account na ito sa paggawa ng iba't ibang poems and journals through her Love Notes blog. In fairness, masasabing magaling magsulat ang gumawa ng blog entries. Isa rin kasi sa mga talents ng bagong Kapuso star ay ang pagsusulat at pagpipinta.

 

Nakakuha ng atensyon ng PEP ang entry sa blog ng account, na tungkol sa dad ni Heart. May recent entry rin about changes naman, that obviously, talks about Heart's breakup with Jericho.

 

Under that blog, may comment na ibinigay ang ipinagpalagay naman naming si Echo na puwedeng PEP material. Although open for public viewing ang blog at ang mga comments at replies sa blog entry ni "Heart," we still asked for the account holder's permission kung maaari bang i-publish ng PEP ang particular blog entry niyang iyon at ang nabasa naming reply ni Jericho.

 

Maagap namang sumagot ang gumawa ng Facebook account na ‘yun sa PEP. Nakiusap itong huwag na lang ilagay sa PEP ang blog entry pati na rin ang comment ni "Jericho." Exclusive lang daw kasi ang blog niyang iyon sa kanyang online friends. Idinagdag pa nitong ang Facebook account lang daw niyang iyon ang only privacy nila ni Echo.

 

Now, this really confused PEP. Kung private pala ang blog entry at mismong ang Facebook account niya, bakit naging for viewing ng lahat ang mga pinaglalagay niya roon, pati na rin mga comments ng kanyang "online friends"?

 

Nakiusap pa uli later on si "Heart" na huwag ilagay sa PEP website ang kanyang blog entry at comment ni "Jericho." We assured "Heart" naman na hindi na nga namin ito ilalagay sa PEP since nakiusap naman talaga siya.

 

But still, umuukilkil pa rin sa isip namin ang lohika ng dahilan at pakiusap niya.

 

"WHAT BLOG?" Last Sunday, sa SOP kung saan binigyan ng welcome si Heart ng naturang show as the new Kapuso star and the new SOP co-host, direktang tinanong ng PEP kay Heart ang tungkol sa kanyang Facebook account at sa kanyang blog entry.

 

Mabilis ang pagsagot ni Heart, "What blog?"

 

We then, told the clueless Heart about her Facebook account at ang pinaniniwalaan naming blog entry niya, pati na rin ang comment ni "Jericho."

 

Again, with a confused look, umiiling si Heart na nagsabing, "That's not me! Believe me, that's not me. I don't have a blog. Someone's faking me. And you know what, you should warn them [fans] about that. Madali lang kasing makagawa ng account. So, siguro, yun..."

 

Paliwanag pa ni Heart, may Facebook account daw siya na siya talaga ang gumawa, pero wala raw siyang blog entries. Iba rin ang account name na gamit niya at maging ang primary picture niya na naka-post.

 

True enough, nang i-search nga ito ng PEP, we found out na totoo nga ang sinasabi ni Heart about her real account. Talbog pa ng pekeng account ni Heart ang original account niya dahil sa account na tunay ni Heart, 143 lang ang nag-register na ka-Facebook niya, walang blog at 72 lang din ang naka-post na photos at isa lang din ang kanyang album.

 

Pero mahahalata mong mas genuine ito dahil sa mga pictures na naka-post dito showing Heart with her friends.

 

Ayon kay Heart, may palagay raw siya na nakakakuha ng pictures ang pekeng gumagawa ng account niya through the Internet din na posibleng naka-post naman ang iba't ibang articles about her.

 

Tinanong din namin si Heart about Echo's reply and how come, hindi ba nito alam na hindi siya ang ka-Facebook.

 

Nakangiti pang sumagot sa amin si Heart na, "He doesn't have a Facebook account."

 

So, yun na!

 

Ang nakakaloka lang dito, napakaraming friends ni Heart ang naniniwalang sina Heart at Jericho nga ang ka-Facebook nila. Most of them even leave messages—baka nga private matters pa nga—sa inbox ng namemeke kay Heart.

 

THEY WERE FAKED, TOO. PEP also learned from Heart na maging ang mga kaibigan niyang sina Sarah Christophers at Angelica Panganiban ay biktima rin ng "identity thieves" sa social networking websites.

 

Si Sarah, who is now studying in Perth, Australia, at dating co-star ni Heart sa G-Mik, ay agad na hinanap ang pekeng Facebook account niya nang malaman ang existence nito. Hindi na nga lang siya makapasok o ma-view man lang ang Facebook account dahil naka-block na agad siya.

 

Ang nakakatuwa lang, since isa sa feature ng Facebook ay ang paggugrupo ng network, magkagrupo ang fake Heart, Sarah, at Angelica accounts, habang magkagrupo rin ang nga tunay na Heart, Sarah, at Angelica accounts.

 

Sa pagre-research pa ng PEP sa Facebook, tila hindi lang sina Heart, Jericho, Sarah, and Angelica ang merong fake account. Maging si Dingdong Dantes ay meron din.

 

But we learned from Dingdong na gumawa na siya ng sarili niyang Facebook account pero wala raw siyang ina-add na friends o iba pang Facebook accounts. Pang-asar lang daw sa namemeke sa kanya. Sabi pa ni Dong, hindi naman daw siya mahilig talaga sa mga online social networking.

 

Kris Aquino, on the other hand, announced in her show with Boy Abunda about a social networking website account claiming to be her. Sinabi niyang hindi nga siya ang gumawa ng account na iyon at hindi naman daw siya gaanong maalam pagdating sa Internet.

 

WARNING. So, siguro ay dapat nang mag-ingat ang mga fans at kaibigan, especially, ng mga artista bago mag-add or mag-invite sa kanilang social networking account. Siguraduhin munang "the real mccoy" ang ka-network nila, bago mag-add, magpadala ng mga komento at private messages o confidential informations.

 

You never know, baka isang fake o identity thief nga ang ka-Facebook, ka-Multiply, ka-Friendster o kung anumang social networking website, na kausap mo.