Walang maisagot na kumpirmasyon ang manager ni Ryan Agoncillo na si Noel Ferrer sa eksaktong araw ng pagdating sa bansa ng kanyang talent last week kasama ang girlfriend nito na si Judy Ann Santos. Balitang-balita kasi na on a weekday, hindi noong Sabado (June 28), gaya ng sinabi ni Noel, dumating sina Judy Ann at Ryan mula Europe.
"Saturday, kinausap ni Juday si Tito Alfie [Lorenzo, Judy Ann's manager] at Saturday sila nagparamdam sa amin. So, yun. Ako naman, ang requirement ko lang talaga, Ryan is supposed to be here for the activity nung Sunday [June 29]," lahad ni Noel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng Renee Salud for Natasha last Monday, June 30, sa Sulo Hotel.
Hindi siya aware na dumating ng Pilipinas nung Miyerkules sina Ryan at Juday?
"Ang requirement ko lang talaga, dumating sila ng before Sunday kasi may nakakompormiso kami ng Sunday," ulit ng talent manager ni Ryan.
Wala man lang bang sinabi sa kanya si Ryan na darating sila ni Judy Ann ng weekday?
"Hindi ako nagtanong. Kasi ang dami nang nagtatanong, ayokong magsinungaling," sagot niya.
ELUSIVE INTERVIEW. This is not the first time na umiwas si Judy Ann sa media. Pati ang manager niyang si Alfie ay tinaguan daw niya ng detalye tungkol sa engagement nila ni Ryan. At ngayon, pati ang pagbabalik nila sa Pilipinas ay parang inilihim nila sa media.
"Hindi," depensa naman ni Noel. "Eto na, sasabihin ko na ngayon, may interview sila kay Sharon [Cuneta] ngayon [June 30], para sa show ni Sharon. It's just proper that they have that first interview with Sharon kasi siya yung isa sa unang tinawagan nung engagement ni Judy Ann. ‘Tsaka nagkita na sila sa London."
After Sharon, kanino naman sila magbibigay ng interview?
"Hindi ko alam," ani Noel. "Kasi aalis sila papuntang Paris for the Paris Film Festival. Basta dapat nandun sila on the 4th kung saan ipapalabas ang Ploning."
Lumalabas tuloy na very selective ang mga taong pinipili nina Judy Ann at Ryan sa mga bagong kaganapan sa buhay nila.
"Hindi, kapatid," paglilinaw ni Noel. "I think, yun, ano lang... I think they owe it to Sharon. Sharon is one of the closest friends. I think nag-usap na sila sa London kasi nagkita sila sa London."
Pero hindi ba nila naisip that they also owe it to the public na malaman ang mga bagong kaganapan kina Ryan at Juday since they've been telling stories about it to some people in the industry?
"I think so, I think so," pagsang-ayon naman ni Noel. "I think in due time, they'll do it. And I think little by little, first they granted the interview with YES! And now, with Sharon."
Masyado na raw nagpapa-hard-to-get ang magkasintahan sa media. Ano ang masasabi ng manager ni Ryan dito?




