Bong Revilla laughs off rumor that Inah and Vince's marriage is already on the rocks

Nora Calderon
Wednesday, July 16, 2008 @ 01:28PM  |  1199 views

"No, it's not true, walang katotohanan ang intrigang ‘yon. Nakikita namin kung gaano kamahal ni Vince si Inah at very protective siya rito. Madalas din silang pumupunta sa bahay kaya nakikita namin ni Lani kung paano niya alagaan si Inah," says Bong Revilla about a report that the marriage of his daughter Inah Revilla and Vince del Rosario is already on the rocks.
Photo By: Noel Orsal














Isang get-together for selected members of the entertainment press ang ipinatawag ni Sen. Bong Revilla and his wife, Lani Mercado, kagabi, July 15, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Ayon kay Bong, chikahan lang daw ang naturang pagtitipon dahil gusto niyang makipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya sa media since wala siyang entry ngayon sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF).

 

Unang napag-usapan ang tungkol sa balitang pagtakbo diumano ni Bong bilang vice president sa 2010 elections. Inamin ni Bong na interesado siyang tumakbo sa naturang posisyon, bagamat marami pa raw siyang dapat i-consider.

 

"Malayo pa naman 'yon, saka ang dami pang dapat na i-consider," nakangiting sagot ni Bong. "Isa na rito ay kung sakaling tutuloy sina Jinggoy [Estrada] at si Ate Vi [Batangas Governor Vilma Santos]. Bilang pinakabata sa aming tatlo at dahil iisa ang aming pinanggalingan [ang showbiz], magpaparaya ako. Matagal ko na ‘yang sinabi. Nang may lumabas na balita na tatakbo si Pareng Jinggoy, sinabi ko sa kanya kung tutuloy siya, magpaparaya ako."

 

Kung sakali bang tumuloy si Bong ay papayag ba ang misis niyang si Lani?

 

"Yes, tinanong ko si Lani kung papayag ba siyang tumakbo akong vice president... Siya ang tanungin ninyo," sabi ng senador at saka inakbayan si Lani na katabi niya.

 

Ayon kay Lani, "Sinabi nga niya sa akin at medyo nabigla rin ako. Pero sabi ko sa kanya, ipaubaya namin sa Diyos at kung ano ang gusto ng mga tao. Ako, mag-isa lang ako para mag-decide. Kung ipagkakaloob ng Diyos na siya nga ang mapiling kumandidato sa partido niya [Lakas], nandito lang ako sa likod niya na susuporta sa kanya. Marami na kaming pinagdaanang hirap, pero lagi naman namin itong itinataas sa Kanya. Kaya kung ano ang gusto Niya, susunod lang kami."

 

INAH-VINCE RELATIONSHIP. Bigla-bigla ay may sumingit ng tanong kung totoong nagkakalabuan na ang anak nina Bong at Lani na si Inah Revilla at ang mister nitong si Vince del Rosario, bagamat kakakasal lang nila noong May 18.

 

"Ha, may intriga na namang ganoon?" naningkit lalo ang mga mata ni Bong sa pagtawa. "Kanina lang, nasa bahay namin sila at dala-dala ni Inah ang result ng ultrasound ng baby girl niya. Sabi niya, ang cute-cute daw ng baby at kamukhang-kamukha raw ito ni Vince. Biro ko sa kanya, ‘Buti na lang kamukha ni Vince ang baby!' Ay naku, ang anak namin, in love na in love kay Vince kaya siguro nakamukha nito ang magiging anak nila.

 

"No, it's not true, walang katotohanan ang intrigang ‘yon. Nakikita namin kung gaano kamahal ni Vince si Inah at very protective siya rito. Madalas din silang pumupunta sa bahay kaya nakikita namin ni Lani kung paano niya alagaan si Inah," kuwento ng actor-politician.

 

May nakahanda na bang name ng baby girl nina Vince at Inah?

 

"Meron na," sagot ni Bong. "Noong isang araw lang, magkasama silang nag-shopping dahil may kailangan daw silang bilhin para sa coming baby girl nila. May name na rin silang napili, Alexa Daniella. Hindi ko alam kung saan nila ‘yon kinuha, pero alam nilang ang meaning daw ng name na Alexa ay ‘defender of mankind' at ang Daniella daw naman ang ibig sabihin ay ‘God is my judge.'"

 

Excited na ba sila sa pagdating ng second nilang apo?

 

"Oo, kasi Inah is on her seventh month of pregnancy na," sagot ni Lani. "By September ay magsisilang na siya. Ang ganda nga kasi, boy ang una naming apo, si Gab, at ngayon babae naman ang kasunod." Si Gab ay anak ni Jolo Revilla sa dati nitong girlfriend na si Grace Adriano.

 

JOLO IS BACK TO SCHOOL. Speaking of Jolo, totoo bang wala na ito at ang napabalitang girlfriend niya si Lovi Poe?

 

Ayon kay Lani, "Hindi na muna namin tinatanong si Jolo tungkol sa kanila ni Lovi. Ayaw naming pakialaman ang kanyang love life.

 

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name