features

Cristy Fermin hits back at Nadia Montenegro
by Bong Godinez posted on October 6, 2008  STATS: 88 Views | 0 Comments
Columnist and TV-radio host Cristy Fermin fired back at former actress Nadia Montenegro (inset) in an interview with The Buzz yesterday, October 5. Photo By: Emerson Sy (Cristy) & Noel Orsal (Nadia)

Binuweltahan ng kolumnista at TV-radio host na si Cristy Fermin si Nadia Montenegro kaugnay ng binitawang mga salita ni Nadia laban sa kanya noong nakaraang Linggo, September 28, nang umupo ito bilang guest sa The Buzz.

Kahapon, October 5, sa The Buzz, ay sinagot ni Cristy ang mga matatalim na pahayag na binitawan ni Nadia. Limang punto galing mismo sa panayam kay Nadia ang inilatag para sagutin ng beteranong kolumnista.

Narito ang kumpletong sagot ni Cristy sa mga naunang birada sa kanya ni Nadia sa panayam niya sa The Buzz. Si Boy Abunda ang parehong nag-interview kina Nadia at Cristy.

"I LOST A VERY GOOD FRIEND."

Nadia Montenegro: "Seven months ago Tito Boy you know I've lost a very good friend [Gretchen Berretto]. I lost her because of intrigues. I lost her because of Cristy Fermin, who until this day has not proven that text message she told Gretchen that I sent to all these media, to all the reporters.

"Nagharap-harap kami sa Rembrandt [hotel] wala siyang napakita. Cristy Fermin, humingi ka ng oras kay Boy [Asistio], sa asawa ko, nakiusap ka kay Boy kung puwede mo akong solohin sa taas sa Rembrandt. Kahit ayoko nang makita ang pagmumukha mo, pinagbigyan kita!"

Cristy Fermin: "Boy, base sa sinabi ni Nadia Montenegro mga kaibigan, tahasan ko pong sasabihin na sinungaling na siya ay inconsistent pa. Ilang buwan na ang nakararaan kung tawagan niya si Gretchen, inilarawan niyang masamang babae—user, exploiter at schemer. Ngayon sasabihin mo, 'I lost a good friend,' mali ‘yon Nadia. Unang-una, ‘yong sinasabi mo na kasangkot ako sa kaso ninyo ni Gretchen, wala akong alam diyan. Pumasok lamang ako sa sitwasyon nung nasukol ka na parang daga sa lungga at ako ang ituro mo na nagkakalat ng balita.

"Nadia, natatandaan mo pa ba ‘yong mga gabi ilampung buwan kong itinago ito sa puso ko. Hindi ko isinulat sa limang columns ko, hindi ko sinabi dito sa The Buzz, hindi ko sinabi sa DZMM. Nadia, kung natatandaan mo pa, maraming gabi mo akong binubulabog. Pinagdadala mo ako ng camera sa Essensa [condominium in Taguig City] alas-otso ng gabi, alas otso ng umaga, lipstick, camera ang pinadadala mo sa akin. Ang sabi mo i-connive ko kuntsabahin ko ‘yong guwardiya ng Essensa sa basement dahil doon bumababa si Gretchen.

"Tanungin nating pareho si Gretchen Barretto kung mula nang sabihin mo sa akin ‘yon ay ipinagkanulo kita kay Gretchen. Ako'y pumasok lamang sa sitwasyon nung ako na ang idinidiin mo doon sa sinasabi mo na you've lost a good friend. Totoo, nawalan ka ng isang mabuting kaibigan.

"Nung nagkita-kita tayo sa Friday's at Rembrandt, hinawakan ni Gretchen Barretto  ang kamay ni dating mayor Boy Asistio. Ang tanong ni Gretchen, ‘Mayor, ano pa po ba ang dapat kong gawin at ibigay kay Nadia para huwag na niya akong traydorin?' Anong sabi ni Tito Boy? ‘Hindi ko alam. Matagal ko na siyang pinagsasabihan na lumayo sa ganitong mga isyu, hindi na siya nakikinig.'

"‘Yong sinasabi mo na ayaw mong makita ang aking pagmumukha nung gabing ‘yon, Nadia, mas kailangan mo ako nung gabing ‘yon kesa sa kailangan kita. Si Tanya Montenegro na kapatid mo ang kumuha sa akin para dalhin ako sa mezzanine floor kung saan ka naroon. Nakita kitang umiiyak, nandoon si Tanya, nandoon si Christine Puno, at pinangaralan kita kahit na ipinagkanulo mo ako, umiral pa rin ang pagiging pusong ina ko.

"Anong sabi ko sa ‘yo? ‘Kulang ang isang katawan mo, ang isang bibig mo para sa anim na anak mo at kay Tito Boy.' Umiyak ka nang umiyak sa ‘kin, ‘Sorry, nanay, sorry, nanay.' At 'yon ang panahon na nagpadala ka dito ng apology letter sa The Buzz na binasa ni Boy. Ngayon, sasabihin mo na ako ang may kasalanan?

"Si Gretchen, kahapon [October 4], maraming salamat sa paninindigan dahil sinabi ni Gretchen na wala akong kinalaman sa kanilang away. Ninety million, anong sabi mo sa akin? ‘She made me a slave for four years.' P900-million ang sangkot dito. Hindi P9,000, hindi P90,000. P90-million pesos! May bahay kayong nakasangla sa bangko ni Mr. Tonyboy Cojuangco, ginawa ni Gretchen ang lahat ng paraan para makatira pa kayo ng apat na taon. Anong sabi ni Gretchen kay Tito Boy? ‘Mayor, masama pa po ba akong kaibigan? Apat na taon pa kayo na nagkaroon ng ektensyon para makatira sa pakikipaglaban ko.'

"Anong sabi mo sa akin? ‘Pinababa ni Mr. Tonyboy Cojuangco si Gretchen. Pinalayas, walang natirang anuman sa katawan kundi ang dala lang niya. Ano'ng nagawa niya sa kanyang mga bags, sa kanyang mga alahas? Wala.' Ikaw ang nagkalat sa iba't ibang bibig. Nung nasukol ka na, ako ang iyong idiniin."

"WALA KAMING LABAN"

Nadia Montenegro: "Naeskandalo ako. Ako ang 'pinakamasamang tao', 'pinakamasamang kaibigan sa balat ng buong mundo', pero never akong lumabas. Hindi ko napagtanggol ang sarili ko. Kasi sabi nila, hindi titigil si Cristy Fermin. Tito Boy, hindi siya tumigil. May mga artistang hindi makapaglaban, wala kaming laban, Tito Boy. May mikropono siya, may makinilya siya, may ballpen siya. Tito Boy, pinapakain niya sa pamilya niya ‘yong sinasabi niyang hanapbuhay sa paninirang-puri. Ilang artista, Tito Boy, ang hindi makapaglaban. Walang mawawala sa akin, wala na ako sa showbiz, Tito Boy. Wala akong show, wala akong pelikula. Hindi ko kailangan mag-comeback. Wala."

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About