Lovi Poe asks the public to spare her mom from intrigues

Rose Garcia
Tuesday, October 07, 2008 @ 08:59PM  |  22 views

  "Kasi, it's hard to talk about my mom na, kasi she's a private person. ‘Tapos, ayoko nang ma-drag ang name niya sa business na ito, sa ginagawa ko. Although, parang wala naman akong choice, e," says Lovi Poe about her mom Rowena Moran's name being dragged into the issues involving her.  
Photo By: Noel B. Orsal














Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lovi Poe kaninang tanghali sa Ditzy Diner sa may E. Rodriguez, Quezon City, para sa press conference ng kanyang first major concert, ang Lovi Bloom, produced by Dream Concert Asia Entertainment Productions. Ang musical director ay si Eric Narvaez and over-all director naman si Joven Tan.

 

Sa ngayon daw, okey pa siya, pero sigurado raw na by next week ay kabado na siya.

 

"Ngayon kasi, excited pa ‘ko. Okey pa ‘ko, pero next week, siguradong kinakabahan na ‘ko," natatawang pag-amin ni Lovi na lumagare pa from her shooting of her indie film, Walang Hanggang Paalam.

 

Ano ba ang posibleng mapanood na bago sa kanya with Lovi Bloom?

 

"Siguro yung different side of me. A bit matured. Grown-up na. Makikita nila yun through my music, through my performance. Iba-iba. At saka, yung mga songs na kakantahin ko, lahat yun, personal choice ko pong talaga."

 

Ang line-up ng guests niya ay sina Ogie Alcasid, Jay-R, Dennis Trillo, Jan Nieto at Aljur Abrenica. Pero may nagtatanong nga kung bakit hindi raw si Marky Cielo ang kinuha niyang guest dahil sila ang mas identified na love team at muli pang nag-reunite sa La Lola?

 

"Si Aljur po kasi, ka-duet ko siya sa album ko, sa bago kong album, yung Bloom. Siyempre si Marky, gusto ko nga rin po sana. Sabi ko nga kay Tito Leo [Dominguez], sayaw kami ni Marky. Siguro po, baka hindi available si Marky or late na pong nasabi."

 

JOLO AND MOMMY ROWENA. Sa ngayon, mukhang malabo pa yatang matupad ang wish ni Lovi na huwag na siyang maintriga kay Jolo Revilla. Si Jolo pa rin talaga kasi ang paboritong itanong sa kanya ng press, at bago umalis ang PEP sa kanyang press conference ay nakita pa namin na dumating ang kanyang rumored boyfriend na si Jolo.

 

Anyway, balitang namakyaw na raw ng front-seat tickets si Jolo at sigurado na ang panonood nito.

 

"Well, let's see...siguro makikita natin kung nandoon talaga siya."

 

Sinabi ng PEP kay Lovi na kinumpirma na nga ni Jolo ang pagdating at kasama pa raw nito ang pamilya niya na manonood.

 

"Ah, talaga? Let's wait and see... Siyempre, I'm happy kasi, finally, alam ko na may pupunta," natatawang biro niya. "I'm very happy naman."

 

Kung happy siya sa nangyayari, same feelings din kaya ang kanyang mommy na si Rowena Moran. Sigurado rin kasing manonood ito at ang pamilya nito sa concert niya

 

"Well, let's wait and see kung ano ang mangyayari sa concert."

 

Hindi kaya siya ang mailang?

 

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name