Lian Paz ignores Lolit Solis comment that affair with Paolo will not last

Roldan Castro
Tuesday, February 03, 2009 @ 08:04PM  |  66 views


  "Si Nanay Lolit talaga, mahirit talaga yun, e! Kami ni Mark before, ganoon din siya. ‘Hay naku, hindi kayo magtatagal, ganyan. Kilala ko  ‘yang si Mark.' Siyempre, mga alaga niya yun, di ba? Katawa nga, e. Sabi ko nga, ‘Ano ba ito? Ano na naman? Kay Nanay Lolit na naman!'" comments Lian Paz.

Photo By: Noel Orsal













Nakatsikahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lian Paz nang mag-perform ang kinabibilangan niyang EB Babes sa kapistahan ng Villasis, Pangasinan noong Biyernes, January 16.

 

Kinumusta namin ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Paolo Contis.

 

"We're very committed with each other naman," sabi ni Lian. "Exclusively dating kami. Wala naman kaming dine-date, pero wala kaming formal dates na opisyal na ganoon."

 

Ilang months na  silang magkasama?

 

"Magtu-two months," pag-amin niya.

 

Ano ang nagustuhan ni Lian kay Paolo?

 

"Yung pagiging protective  niya. Yung pagiging maalaga niya na hindi niya ako pinapabayaan sa kahit anong bagay."

 

Ano ang comment niya na mukhang marami ang hindi boto sa kanya para kay Paolo?

 

"Masasabi ko lang, okay lang. Siyempre, hindi maiiwasan na minsan mao-offend ka. Pero talagang ganoon, e, you cannot please everybody. Hindi naman lahat ng tao ay puwedeng gustuhin ka. Kanya-kanyang perception nila yun. It's okay, I understand.

 

"Kahit ano naman ang maging opinion sa aming dalawa, kami pa rin naman ang magsasama in the end, di ba? Mas nagiging challenge pa nga sa amin yun. Ang tawag nga namin sa aming dalawa pag magkasama at may intriga, ‘you and me against the world na naman tayo,'" tawa ni Lian.

 

Mas maintriga ba ang relasyon nila ni Paolo kesa sa mga ex niya?

 

"Yung breakup namin ni Mark [Herras], naging sobrang intriga rin. Halos araw-araw din. Pero hinahayaan ko na lang. Nasanay na rin siguro. Kapag may naririnig ako, hayaan ko na lang. Importante naman kung ano ang alam namin sa isa't isa."

 

Ano ang reaksiyon niya sa sinabi ng manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis na hindi sila magtatagal ni Paolo?

 

"Si Nanay Lolit talaga, mahirit talaga yun, e!" tawa ni Lian. "Kami ni Mark before, ganoon din siya. ‘Hay naku, hindi kayo magtatagal, ganyan. Kilala ko  ‘yang si Mark.' Siyempre, mga alaga niya yun, di ba? Katawa nga, e. Sabi ko nga, ‘Ano ba ito? Ano na naman? Kay Nanay Lolit na naman!'

 

"Pero hindi naman ako nao-offend kung yun man ang sinabi niya. Kasi knowing Nanay Lolit, mahilig talaga mag-comment sa mga intriga, di ba? Ganoon na talaga na siya, di ba? So, okey lang. Naiintindihan ko naman siya. Pero pag nagkikita kami, okay naman kaming dalawa, e. Siguro, ganoon siya talaga."

 

1  2  Next »

Related Articles

59 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name