features

Daughter of Kuh Ledesma's cook demands reparation for mother's death

by Eric Borromeo posted on March 20, 2009  STATS: 315 Views | 93 Comments


  "Yung sinabi niya pati na wala kaming pera, oo, kaya nga siguro gano'n ang ginawa niya sa akin. Pinaasa-asa niya kami. Pinabalik-balik niya kami. Saka alam niyang walang kaming kayang ipanggastos sa abogado. Kaya gano'n ang ginawa niya sa akin. Pinabalik-balik niya," says Julie Jabellana, the daughter of Kuh Ledesma's (in photo) cook who died while working in Hacienda Isabella.

Photo By: Noel Orsal

Nag-react ang anak ng cook na namatay nang masunog ito habang nagtatrabaho sa Hacienda Isabella, na pagmamay-ari ni Kuh Ledesma, kaugnay ng naging pahayag ng singer sa Showbiz News Ngayon (SNN) noong March 18, sa ABS-CBN.

Sa taped interview ng showbiz-oriented program kay Kuh, nagpahayag ang Pop Diva na hindi siya magkokontra-demanda sa anak ng kanyang cook dahil wala naman daw itong pera. Nabanggit din ng singer na ang pagkamatay ng kanyang cook ay kasalanan nito. Hindi rin daw totoo na wala siyang iniabot na tulong sa pamilya ng kanyang cook.

Kahapon, March 19, sa radio program nina Ogie Diaz, Fernan de Guzman, at MJ Felipe na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ, nagpahayag ng kanyang saloobin ang anak ng namatay na cook na si Julie Jabellana hinggil sa mga nabanggit ni Kuh.

Ano na ang nangyayari sa kasong iniharap nila laban kay Kuh?

"Sa ngayon, wala po, kasi hindi sila sumipot sa hearing kahapon," sagot ni Julie.

Ano ba ang hinahabol ng partido ni Julie?

"Napanood ko po [si Kuh] kagabi sa SNN. Gusto ko po talagang sumagot sa ano niya. Kasi parang napaka-ano naman ng salita niya do'n, e. Yung salita niya na hindi siya magkokontra-demanda sa amin, kasi wala naman siyang makukuhang pera sa amin. Gano'n ba 'yon?"

Patuloy ni Julie, "Tapos yung sinasabi niya pong sinungaling ako, hindi po ako sinungaling. Wala kaming dapat ipagsinungaling. E, totoo naman pong gumastos siya sa ospital. Ang kuwan lang do'n, hindi kalahating milyon. Nasa one hundred twenty-three thousand [pesos] lang. Isama pa po yung sa funeraria, umabot lang po sa two hundred [thousand pesos].

"Parang inaano niya na hindi namin sinasabing gumastos siya. Gumastos siya. Wala naman kaming sinasabing wala. Ang sa amin lang, pinangakuan niya kami na may ibibigay siya sa amin dahilan siyempre, namatay ang nanay ko. Gano'n na lang ba 'yon? Nagserbisyo sa kanila ng 11 years?"

Isa rin daw sa inirereklamo nina Julie ay hindi raw tama ang pagpapasweldo ni Kuh sa nanay niya.

"Namatay nga nanay ko, gaya niyan, walang SSS. Wala naman siya sa minimum. Walang overtime [pay]," banggit ni Julie.

"Yung sinabi niya pati na wala kaming pera, oo, kaya nga siguro gano'n ang ginawa niya sa akin. Pinaasa-asa niya kami. Pinabalik-balik niya kami. Saka alam niyang walang kaming kayang ipanggastos sa abogado. Kaya gano'n ang ginawa niya sa akin. Pinabalik-balik niya."

Hindi naman daw nila hina-harass sa ginagawa nilang paghahabol ngayon si Kuh.

Ayon kay Julie, "Nakipag-usap siya sa akin. Bale lahat ng resibo sa ospital, ipa-refund sa PCSO [Philippine Charity Sweepstakes Office]. Tapos makihati siya. Fifty percent siya. Siya po mismo ang nagsabi niyan. Siya ang nag-offer niyan, wala daw siyang maitulong. Walang pera. E, bakit pinaasa-asa niya kami?"

Sabi naman ni MJ, ayon sa legal counsel nina Julie, ang kasong pinupursige nila laban kay Kuh ay ang violation nito sa Labor Code. Hindi na raw naghahabol ang pamilya ni Julie sa dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

93 Comments

  • 93  danyap

    03/21/2009 | 11:14 PM
    LAFEA, Im trying to make my own opinion here! kung may sarili kang pananaw, just post it and dont mind others! ok!?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  altec_lyk

    03/21/2009 | 09:54 PM
    hmm... parang may nagsusulsol kay julie. tingin ko lang. hehehe

    i still love kuh! :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  princesspeaches

    03/21/2009 | 01:10 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  lucky_star07

    03/21/2009 | 11:06 AM
    calling on the DOLE to look into this labor code violation of kuh ledesma...sana mabigyang hustisya ang sinapit ng kaawa-awang cook...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  lucky_star07

    03/21/2009 | 11:01 AM
    masama pala ugali nitong c kuh ledesma...karma din aabutin dahil sa ginagawang pang-aapi sa mga mahihirap...kung hindi sa yo eh baka sa anak mo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  gmaniac91

    03/21/2009 | 10:06 AM
    Before kau manghusga, tingnan nyo naman ka GARAPAL NG MUKA NG babaeng yan, 200 thousand LANG? sa panahon ngayon hindi LANG lang ang 200 thousand, jus mio isa nanaman itong paninira at saka Kuh is a Godly person, she will help if she can. saka bakit ngayon ka lang iha nag cocomplain about SSS etc? dapa dati pa kau nag demand saka TEPOK naman na pala nanay mo, ano gusto mo mangyari? buhayin???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  netadix

    03/21/2009 | 09:56 AM
    magulo na ang sitwasyon lalo pang pinagulo ng kaka-ano ni Julie

    magharap na lang kayong dalawa at pag-usapan ang dapat

    kay kuh: if you claim na espesyal sa yo ang cook mong namatay, ibigay mo ang pinangako mo.

    kay julie: wag kang umabuso pag natanggap mo ang pinangako sa yo

    sa inyong dalawa: walang may gustong mamatay ang cook/nanay nyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  mabs

    03/21/2009 | 08:27 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  mabs

    03/21/2009 | 08:21 AM
    PAGNAGKATAON DI LANG SAMPONG LIBO ANG BABAYRAN NYA KUNG MAPATUNAYANG NAGLABAG SYA SA LABOR...BILANG ISANG COOK FOR 10 YEARS OF SERVICE DAPAT MAY MGA BENIFITS SYA SA COMPANY NI KUH. DI NMN ATA PWEDENG SI KUH LANG KUMIKITA AT ANG TAUHAN NYAY MAMATAY NA KAWAWA...MATAUHAN KA NMN SNA BI-POLAR
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  mabs

    03/21/2009 | 08:18 AM
    naku itong si kuh may ugali din palang halimaw sa pera...sabihin ba nating mahirap yong tao, porke bat mahirap ganun nalang yon???ang pinag-uusapan dito 10 syang nagsilbi at namatay sa serbisyo, ma-kasalanan nya o hindi sa poder mo nangyari. Di pa nasunod sa Labor Code...gahaman sa pera. Ang buhay ng tao ay di mababayaran ng pera...Maka-dios pero ang totoo pera ang sinasamba...Kakahiya...sa huli lumabas din ang totoong kulay...palibhasa BI-POLAR...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  lafea

    03/21/2009 | 07:45 AM
    danyap- ikaw kaya maging mahirap.di kaya logic lang ang ganitong feeling ng mahirap dahil sa lipunan natin, kahit sa teleserya, basura at maliit ang mahihirap, eh di natural mente, mga sensitive yan at walng bilib sa sarili.Logic no? sana madanasan mo kung paano maging mahirap at wala, tingnan ko lang kung makapagsalita ka pa ng ganyan.
    Ito namang si Julie, nuknukan naman ng ulags, di man lang nagpa briefing bago magpa-interview, lumalabas tuloy na wala na nga siyang pinag-aralan pero malakas ang apog na manghingi pa ng more. Julie, alam mo nagbigay na si Kuh,ang pagbibigay ay voluntary will, kung yun lang ang gustong ibigay na kuripot na Kuh, wala tayong magagawa, you cannot demand for more.Wala ka naman sa States no, para mag-sue. may nanulsul lang sa yo for sure, na nagpauto ka nman, na akala mo magkakapera ka pa ng more because of the death of your mom which is sad, pero darling daming natabunan ng lahar, nabaon ng buhay sa lindol, pasalamat ka, at binigyan pa rin ng respeto ni Kuh ang pagk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  chinitangkulot

    03/21/2009 | 06:32 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  memyself

    03/21/2009 | 06:31 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  checkababe

    03/21/2009 | 06:10 AM
    ang masasabi ko lang kay khu ay sana tumolong ka na lang na wala ng daming sat2x, cguro naman yung pag tulong mo lalo na yung namatay ay nag serbesyu din naman, and besides malaki ang babalik sayo kung ang pag bigay mo ay mula sa puso
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  SweetSquirrel

    03/21/2009 | 05:36 AM
    gusto ko yung comment ni 48 halabira
    kahit sila ay ating swelduhan, tulungan din natin sila sa buhay kahit na anong tulong malaking na rin yun sa kanila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  jeeez

    03/21/2009 | 05:13 AM
    sa umaga daw yan nangyari....at sa hapon na dinala ang tao sa hospital...baka pinagiisipan kung saan ang d masyadong magastos,mamatay o sa hospital habang nagpapagaling sa sunog ng katawan....kung may awa ka at tinatanaw mo ang buhay ng tao dapat dinala na ospital.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  jasmyn

    03/21/2009 | 05:10 AM
    61
    yukacute
    March 20, 2009
    20:17 PM

    ====

    tama ka jan... ang mga kasambahay ngayon,kung makaasta mataas pa sa amo.. pag mabait ang amo,inaabuso ang kabaitan.. pag pinagalitan,magsusumbong pa sa ibang tao akala mo inapi ng todo!... sosyal pa nga ang iba ngayon,at may mga cellphone pa...kaya ang oras ng trabaho,minsan nagagamit sa katetext o kaya pakikipagchikahan....hayzzzz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  SweetSquirrel

    03/21/2009 | 05:01 AM
    haayy! nakakalunglot naman ang ganitong mga balita. ang sa akin lang, kung kukuha rin lang tayo ng katulong, yaya, O cook eh dapat alagaan din natin sila at pakisa samahang mabuti.binabayaran natin sila dahil nag serbisyo sila sa atin, pero dapat tingnan din natin ang kanilang katayuan sa buhay, kung mayron tayong maitutulong sa pamilya nila siguro naman hindi yun malaking kawalan O kabawasan ng ating ari ariaan. at the end of the day tayo rin ang mananagot sa ating ginagawa. yun lang po...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  lupine

    03/21/2009 | 04:37 AM
    Julie try to ask help from Rado, he has tons of connection..lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  abs_gma

    03/21/2009 | 04:06 AM
    Maganda itong isyu na ito para sa mga katulong na hinu-humiliate. Sa mga katulong na hindi maganda ang trato ng amo, nasa kamay ninyo ang kalahati ng kanilang buhay, lasonin ninyo sila. Kung hindi ninyo kaya, magnakaw kayo ng mamahalin na gamit nila at ibenta para makapag-hire ng hired killer, yun lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About