PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daughter of Kuh Ledesma's cook demands reparation for mother's death

The Pop Diva is not filing counter-charges.
Published Mar 20, 2009
"Yung sinabi niya pati na wala kaming pera, oo, kaya nga siguro gano'n ang ginawa niya sa akin. Pinaasa-asa niya kami. Pinabalik-balik niya kami. Saka alam niyang walang kaming kayang ipanggastos sa abogado. Kaya gano'n ang ginawa niya sa akin. Pinabalik-balik niya," says Julie Jabellana, the daughter of Kuh Ledesma's (in photo) cook who died while working in Hacienda Isabella.

Nag-react ang anak ng cook na namatay nang masunog ito habang nagtatrabaho sa Hacienda Isabella, na pagmamay-ari ni Kuh Ledesma, kaugnay ng naging pahayag ng singer sa Showbiz News Ngayon (SNN) noong March 18, sa ABS-CBN.

Sa taped interview ng showbiz-oriented program kay Kuh, nagpahayag ang Pop Diva na hindi siya magkokontra-demanda sa anak ng kanyang cook dahil wala naman daw itong pera. Nabanggit din ng singer na ang pagkamatay ng kanyang cook ay kasalanan nito. Hindi rin daw totoo na wala siyang iniabot na tulong sa pamilya ng kanyang cook.

Kahapon, March 19, sa radio program nina Ogie Diaz, Fernan de Guzman, at MJ Felipe na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ, nagpahayag ng kanyang saloobin ang anak ng namatay na cook na si Julie Jabellana hinggil sa mga nabanggit ni Kuh.

Ano na ang nangyayari sa kasong iniharap nila laban kay Kuh?

"Sa ngayon, wala po, kasi hindi sila sumipot sa hearing kahapon," sagot ni Julie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ba ang hinahabol ng partido ni Julie?

"Napanood ko po [si Kuh] kagabi sa SNN. Gusto ko po talagang sumagot sa ano niya. Kasi parang napaka-ano naman ng salita niya do'n, e. Yung salita niya na hindi siya magkokontra-demanda sa amin, kasi wala naman siyang makukuhang pera sa amin. Gano'n ba 'yon?"

Patuloy ni Julie, "Tapos yung sinasabi niya pong sinungaling ako, hindi po ako sinungaling. Wala kaming dapat ipagsinungaling. E, totoo naman pong gumastos siya sa ospital. Ang kuwan lang do'n, hindi kalahating milyon. Nasa one hundred twenty-three thousand [pesos] lang. Isama pa po yung sa funeraria, umabot lang po sa two hundred [thousand pesos].

"Parang inaano niya na hindi namin sinasabing gumastos siya. Gumastos siya. Wala naman kaming sinasabing wala. Ang sa amin lang, pinangakuan niya kami na may ibibigay siya sa amin dahilan siyempre, namatay ang nanay ko. Gano'n na lang ba 'yon? Nagserbisyo sa kanila ng 11 years?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa rin daw sa inirereklamo nina Julie ay hindi raw tama ang pagpapasweldo ni Kuh sa nanay niya.

"Namatay nga nanay ko, gaya niyan, walang SSS. Wala naman siya sa minimum. Walang overtime [pay]," banggit ni Julie.

"Yung sinabi niya pati na wala kaming pera, oo, kaya nga siguro gano'n ang ginawa niya sa akin. Pinaasa-asa niya kami. Pinabalik-balik niya kami. Saka alam niyang walang kaming kayang ipanggastos sa abogado. Kaya gano'n ang ginawa niya sa akin. Pinabalik-balik niya."

Hindi naman daw nila hina-harass sa ginagawa nilang paghahabol ngayon si Kuh.

Ayon kay Julie, "Nakipag-usap siya sa akin. Bale lahat ng resibo sa ospital, ipa-refund sa PCSO [Philippine Charity Sweepstakes Office]. Tapos makihati siya. Fifty percent siya. Siya po mismo ang nagsabi niyan. Siya ang nag-offer niyan, wala daw siyang maitulong. Walang pera. E, bakit pinaasa-asa niya kami?"

Sabi naman ni MJ, ayon sa legal counsel nina Julie, ang kasong pinupursige nila laban kay Kuh ay ang violation nito sa Labor Code. Hindi na raw naghahabol ang pamilya ni Julie sa dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang tila ikinasama pa raw ng loob ni Julie ay ang pagpapabalik-balik sa kanya ni Kuh. Kuwento niya, "Pinabalik-balik niya ako, tapos binigyan niya ako dadalawang daan [piso]. Binigyan niya ako dalawang daan sabay tinarayan pa ako, sabi, 'Bakit, Julie, ano ine-expect mo sa akin, bibigyan kita five thousand, ten thousand [pesos]?' Yun ang sabi niya sa akin."

Pero hindi raw tinanggap ni Julie ang two hundred pesos na ibinibigay sa kanya ni Kuh.

Ani Julie, "Nahihilo na rin ako [sa] pababalik-balik. Hindi naman ako babalik kung hindi niya ako ano, e. Siya ang may kagustuhan na umano kami do'n. Saka kagustuhan niya talaga. May ugali siyang hindi ano... Alam niya kung ano siya. Kung anong ugali niya."

Pinagsisisihan niya na rin daw na ni-refer niya ang kanyang ina na magtrabaho kay Kuh.

Ano ang mensahe ni Julie kay Kuh?

"Hindi ako nagsisinungaling. Ang sa akin, katotohanan ang sinasabi ko. Wala naman kaming idinenay na naggastos siya, e. Pinaasa niya kami. Ang nanay ko namatay, gano'n na lang ba 'yon? Saka pangit yung punto ng salita na 'yon na dahil walang pera... Kaya pala dinedma-dedma niya kami sa tagal ng panahon na mag-iisang taon. Kasi sa isip niya, wala kaming pera. Siguro maraming tao na biktima rin na hindi lang makareklamo dahil kulang sa pera. Walang kakilala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabilang banda, agad namang hiningan ng PEP ng pahayag ang kampo ni Kuh hinggil sa mga akusasyon laban sa kanya ni Julie. Heto ang sagot ng legal counsel ni Kuh na si Atty. Nesauro Firme, na in-email naman ng miyembro ng staff ni Kuh na si Malo Cruz sa PEP.

"Inasmuch as we want to have our client answer all your queries, we believe, however, that a case is now pending and it is but ethical on our part to address all the legal issues hurled against our client before the proper forum. Further public appearance or further statements on her part may affect the outcome of the case, so it is better, for all legal intents and purposes, to face the matter in a forum where truth can be judiciously threshed out. Be that as it may, our client has a reputation beyond reproach and has known in the industry and Christian world to be good hearted, God fearing and compassionate."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Kuh Ledesma
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yung sinabi niya pati na wala kaming pera, oo, kaya nga siguro gano'n ang ginawa niya sa akin. Pinaasa-asa niya kami. Pinabalik-balik niya kami. Saka alam niyang walang kaming kayang ipanggastos sa abogado. Kaya gano'n ang ginawa niya sa akin. Pinabalik-balik niya," says Julie Jabellana, the daughter of Kuh Ledesma's (in photo) cook who died while working in Hacienda Isabella.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results