Sa pagkamatay ng cook ng pamilya ni Kuh Ledesma na si Mrs. Eliza Javellana sanhi ng pagkakasunog nito habang nagluluto sa Hacienda Isabella, na pagmamay-ari ng Pop Diva, pinaratangan si Kuh na pinabayaan daw niya ang anumang pinansiyal na pangangailangan ng pamilya ng nasawi. Lumabas din sa reklamo ni Julie Javellana, anak ng namayapang tagaluto, na tinakbuhan ni Kuh ang responsiblidad na dapat daw ay hinarap nito at pinanagutan. (Click here to read related story.)
Isa-isang sinagot ng singer ang mga akusasyon ni Julie nang makapanyam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago siya lumipad papuntang U.S. para sa series of shows ng Divas 4 Divas.
Kuwento ni Kuh, "Ang carelessness ay hindi sa Hacienda Ysabella. May nagluluto na kasi nun ng chicken barbecue, pinaalis niya [Eliza], siya ang umako ng trabaho. Si Manang Eliza kasi, mahal na mahal namin 'yan, napakasipag na tao niyan. Nakakita siya ng alcohol na hindi dapat ginagamit sa pagluluto, binuhos niya, pumutok at pumunta sa katawan niya.
"Si Manang strong siya, kaya lang she's 70-plus. Nagkaroon siya ng kumplikasyon, hindi na siya umigi, hindi na nag-rejuvenate yung skin niya. Two months na siya sa PGH [Philippine General Hospital], nasa special section ng burn section ng PGH."
Ayon kay Kuh, hindi sila nagkulang ng anumang tulong na maipagkakaloob nila kay Manang Eliza.
"Right after the accident, kotse ko pa ang ginamit, dinala siya sa pinakamalapit na ospital sa Cavite. Sinabi sa amin, 'Huwag dito, sa PGH ninyo siya itakbo dahil ang PGH ang magaling sa burns. Right that day, dinala namin siya dun, di namin pinabayaan si Manang, mahal na mahal namin siya.
"Lahat, pati lapida kami ang gumastos. Wala kaming pagkukulang. Kung ano ang gustong kainin ni Manang, ibinibigay namin sa kanya kasi talagang nahirapan siya," saad ni Kuh.
Ikinuwento rin ng Pop Diva na pumunta sa kanya si Julie at nanghihingi sa kanya ng pera. Ayon kay Kuh, hindi na niya responsibilidad ang anumang hinihingi ng mga anak ni Manang Eliza, lalo't hindi naman niya tinalikuran ang kanilang cook nang mangyari ang nasabing aksidente.
"Hindi, dapat bang tuluy-tuloy yun? Feeling kasi namin, nakatulong na kami. Pumunta nga si Julie sa amin, nanghihingi siya ng pera, tinanong ko siya kung magkano ang kailangan niya. Tapos may sinabi siyang negosyo daw na ipapatayo. Sabi ko, pag-usapan namin 'yan, maghintay lang nang kaunti kasi kagagastos lang at saka magpa-Pasko. What I wanted sana is to give something to them nung Pasko, pero nauna na siya. I don't know who gave her the idea.
"Ako, ayokong magsalita na masasaktan pa si Julie, kasi hindi ako ganung klase ng tao. Pinagpe-pray ko sa Panginoon, Lord, huwag Ninyo akong pabayaan na magkaroon ng resentment kay Julie kasi gusto ko mahalin siya. I'm a true Christian, I'm a serious Christian. In fact, sa Bible, love your neighbor.
"Mahal ko si Julie kaya lang masakit lang na bakit kailangang magsinungaling pa para lang siraan ako, tama ba yun? Dapat ba na dumukot ako sa bulsa ko at sabihing, 'Julie, heto na, huwag ka na lang magsalita.' Parang tinatakot kami, tinatakot ako na sisiraan ako. Sabi ko nga, imbestigahan nila, with all the proofs that they needed from the day na nangyari yun, may binili kaming gamot, tumulong kami.
"Hinihiling ko lang sa lawyer niya na huwag bigyan ng masamang advice si Julie because mali. Tumutulong kami. Pag sinabi ng judge yun ang ibigay ko, yun ang ibibigay ko."
Para kay Kuh, dapat nagpakumbaba ang taong humihingi ng tulong at hindi sa paraang nananakot.
"Dapat naman pag humihingi tayo ng tulong, nagpapakumbaba tayo, hindi sa paraang pangit. Yun ang leksyon ng buhay natin. Ang tao naman I think matulungin, lalo na ang mga artista. Sensitive ang artists sa pangangailangan ng tao, hindi lang sa mahirap pero sa lahat ng nangangailangan. Pero huwag sa paraang sisiraan ka. Ako, naghihintay lang ako, hihintayin ko yung tamang paraan, yung tamang way."
Magka-counter charge ba siya?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
63 faye_05
62 faye_05
61 princesspeaches
60 lollipop
59 prettygcm
58 prettygcm
57 prettygcm
babae_showbiz
2001
March 22, 2009
07:55 AM
read again her own words: quot;Hindi, dapat bang tuluy-tuloy yun? Feeling kasi namin, nakatulong na kami. Pumunta nga si Julie sa amin, nanghihingi siya ng pera, tinanong ko siya kung magkano ang kailangan niyaquot;
Meaning, wala kayong kusa! kailangan pa bang magpunta ni Julie sa inyo para humihingi ng tulong in the first place namatayan sya ng ina na nagsilbi sa inyo ng ilang taon?
_________________________________________
nagkamali ka lang ng intindi... yung sinabi niyang nagpunta i julie sa kanila at humingi ng tulong, hindi yung tulong na dahil nahospital yun nanay niya dahil nasunog sa pagtatrabaho kina kuh... yung tulong na hiningi niya, para daw yun sa gustong ipapatayong negosyo. so yun ang hindi dapat. pagsasamantala na kasi yun. porke bat sa kanila ni kuh nasusunog eh dapat si kuh na ang bubuhay sa angkan nila? ginawa niya namang negosyo yung nanay
56 prettygcm
nangyari na rin sa amin yan, nakasagasa yung driver namin ng 2 yrs old na bata. inako namin lahat -- as in lahat-lahat--- ng gastusin. sa lamay, sa burol, at sabi ni kuh, pati lapida. siyempre responsibilidad namin yun. ang masakit, pati pa kuryente nila, kami ang pinagbabayad, pati dapat daw ay suweldo ng magulang, at pati pa yung allowance daw nila sa araw-araw. hhaayyy...
55 stargate_atlantis
euan001
March 22, 2009
08:59 AM
Ang masama dun sa nangyari, sinasamantala nung kamag-anak yung nangyaring aksidente. Tumulong na nga sa hospitalization at medicines sila Kuh tapos ganun pa igaganti ng kamag-anak na yun. Sa tingin nyo ba kung pangit ang pakikisama sa mga nagtatrabaho dun sa Hacienda, magtatrabaho pa yung 70-year old na Manang dun? Tao nga naman. Inabot mo na nga ang kamay mo, gusto pa buong braso ang kunin sayo.
========================================
Korek ka diyan! may mga tao talagang gahaman!
54 euan001
53 babae_showbiz2001
Meaning, wala kayong kusa! kailangan pa bang magpunta ni Julie sa inyo para humihingi ng tulong in the first place namatayan sya ng ina na nagsilbi sa inyo ng ilang taon? kaya sya nagdemanda dahil hindi kayo patas magpasweldo sa sa mga trabahado ninyo.
52 californiastar5
51 amoret
ang mga mali ni kuh...
1.7o y.o. working pa..dapat retired na
2. kotse ko pa ginamit...eh kung ikaw lang naman ang may sasakyan dun e,,siyempre.
3.kulang sa precautions ang business place nila, imagine may alcohol sa cooking area..
kay julie naman, u only get what the law says u get, the rest falls into grace and extended help na..pasalamat nalang...
50 straub14
49 tabitabipo
48 jasmyn
pepato
March 22, 2009
02:14 AM
=====
exactly!!!
47 smokin_hot
kasalan mo rin toh julie..imagine nanay mo..super tanda na...sa kanya ka parin umaasa..dpat sa bahay nalang yan at inaalagaan mo..kapal mo!
46 jasmyn
25
rightorwrong
March 21, 2009
18:09 PM
====
inde po kami mayaman.. katulong din po ako dati..looolz
pero ang nanay ko ng mag age ng 50 inde na namin pinagwork na magkakapatid dahil sa age nya....
un po ang ibig kong sabihin...bakit kinakailangan pang mangamuhan ng nanay ni julie kung malalaki na silang lahat.. unless may kapatid pa syang below 10 years old... hehehe...
d2 sa dubai.. pag nag age na ng 50 hindi na nagbibigay ng housemaid visa kahit pa sabihing 25 years na syang nagwo work sa amo nya.. automatic po na lagpas na sya sa age bracket ng employment..under Dh rule lang po yan.. pero sa company hanggang 60 years old...
kaya dapat sa pinas magkaron din ng rule regdng domestio helper employment...nakakaawa naman kasi na ung over 60 nakikita mo pang nagkukudkod ng mga libag sa banyo instead na nakikipagl
45 pepato
44 ysay123
more comments