Maraming nag-react sa YES! list ng 50 Most Powerful People in Philippine showbiz na inilabas sa April issue nito. Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga taga-industriya mismo. May mga natuwa at may mga kumukuwestiyon. Isa si Joey de Leon sa matapang na nagpahayag ng kuwestiyon sa listahang ito. (click here to read related story)
Kaya naman sinamantala na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Joey nang personal na ma-interview siya kamakailan ng PEP bago siya sumalang sa live chat na in-organize ng GMA New Media Inc. (NMI) through their iGMA.tv, ang official website ng GMA Network.
Isa sa listahang ito si Joey, being the number 10 most powerful person in showbiz. May problema ba siya sa numbering?
"Hindi, hindi, wala akong problema sa numbering. Nagtatanong lang ako," bulalas ni Joey sa PEP. "Sinabi ko na iyon sa Startalk. Ano ba talaga ang criteria nito? Kasi sa akin ang power... pag sinabi mo yung power ano, e, immediately, hindi naman sa nagdadrama, no, pero isa lang ang may power, e... all powerful, siyempre yung nasa Itaas. Pag tinatanong ko, ano ba yun, may pera ba yung Diyos? Wala namang pera yun, e. So, hindi puwedeng pagsamahin yung pera. Siguro achievement... dahil yung achievement ng God matindi. Yung achievement at saka power puwedeng pagganunin. Pero yung pera at saka power parang hindi mag-e-equate.
"At saka yung respeto ng tao siyempre power iyan, e. Parang si [Mahatma] Gandhi, walang pera, pero powerful, sumusunod yung mga tao, so, powerful. So, naguluhan ako. At saka may mga hinahanap akong tao. Hindi ko kinukuwestiyon yung listahan nila. Ang kinukuwestiyon ko, hindi yung nandun. Ang kinukuwestiyon ko yung wala dun," mahabang pahayag ni Joey.
THE ONE WHO SHOULD BE THERE. Sinu-sino ba yung sa tingin niya ay dapat na nasa listahan?
"Si Manny Pangilinan [Philippine Long Distance Company CEO and Smart Communications, Inc. chairman], bakit wala roon? Tatalunin ba nila yun? Si Manny Pangilinan... hindi ako sumisipsip, ha... pag naglakad yun. Hindi nga kami magkakilala, e. Kilala ko pero hindi personal. Although na-meet ko na. Pag naglakad yun, siguradong may masasabi kang maganda.
"At lahat tayo we have a part of Pangilinan in us. Hindi mo puwedeng i-deny yan. Ngayon kapag nag-text ka...
"Kapag kinuwestiyon nila, 'Hindi naman showbiz iyan, e?' Anong hindi, lahat ng TV ngayon may text na. Paano mo aanuhin yun? Yun ang tinatanong ko."
Sino ba ang nasa listahan ang kinukuwestiyon niya?
"Wala akong kinukuwestiyon. Problema nila yan, e. Sila ang nag-rating niyan. Kaya sa akin, wala yun. Yung tinatanong ko, sagutin nila. Ano ba yung criteria n'yo talaga sa pagpili ng powerful? Ako nga nahihiyang kasama dun, e. Ewan ko, kaya nga tinatanong ko.
"Powerful ka, ito ba'y nirerespeto ka ng mga tao, ng nakararami dahil ikaw ay may nagawang kabutihan? Wala kang bahid ng panloloko sa kapwa mo? O ikaw ay powerful lang dahil ang daming naghahanap sa iyo ng trabaho o humihingi ng tulong. Ano ba? Ang daming wala dun sa listahan nila, e."
SHOULD BE "INFLUENTIAL" NOT "POWERFUL." Sa tingin ba niya, mali yung term na powerful na ginamit ng YES!?
"Honestly, oo mali. Siguro influential. At saka naguluhan ako, e. Kasi iba-ibang tao, e. Yun na lang ang hinahanap ko. Esplika na lang nila, bakit wala sila ano... yung mga newscasters. Ang newscasters kasi kapag humarap sa tao, araw-araw, kahit anong sabihin nila tinatanggap. Powerful yun, dahil kung ano ang sabihin nina Mel [Tiangco], kahit sina Korina [Sanchez], sina Mike Enriquez, kapag sinabi nila, makikinig ka. Tinatanggap mo, yun ang power. Yung power na influence ang sinasabi ko, ha."
Nakarating daw kay Willie Revillame ang naging comment ni Joey sa Startalk at nang hingan ng reaksyon tungkol dito, nag-"No comment" ang Wowowee host at sinabi pang hindi naman siya ang gumawa ng listahan na iyon. Ano ang masasabi ni Joey dito?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
779 chattie78
778 khikkai
well said!
dami kasi dito makacomment lang, hindi gumagamit ng utak! lging pinipersonal mga hirit ni Joey...bsta ako I always go for Joey kasi may UTAK di tulad nung iba puros hangin lng !!!
777 khikkai
E tlga naman nonsense! Pagsinabi nga namang powerful malalim ibig sabihin noon at i agree kung INFLUENTIAL pa ang term na ginamit pwede pa nga paniwalaan!
Bsta ako wla akong bilib kay WR!
776 bigfoot12
775 superkid
Kailan mo ako ibabalik sa kinder ate?
katatapos ko lang kasi ng nursery...
kasama pa ako sa honor roll....
Salamat ate sa pagpapaaral mo sa akin...
heheheheheeeee.... ang saya saya ko....
salamat ate....
774 katharos
773 rainz
772 kapagpunonaangsalopisalinmosaiba
kadayaan laganap sa kanyang bakuran..
771 jokermania
770 jokermania
769 shyrlme
768 pepdubai
767 creed26
766 creed26
765 kapagpunonaangsalopisalinmosaiba
764 kapagpunonaangsalopisalinmosaiba
763 kpamilya4ever
762 lifeiswhatwemakeit
761 marvic
760 mArImArFaNaTiC
more comments