Sa aksidenteng naganap kaninang madaling araw sa Silang, Cavite, nagtamo si Richard Gutierrez ng mga bubog sa mukha at sugat sa kaliwang kilay na mahigit sa sampu ang tahi.
Ligtas na ang 25-year-old actor sa kapahamakan pero binabantayan pa rin ng mga doktor ang kanyang kundisyon.
Ayon kay Jun Lalin, ang publicist at confidante ng Gutierrez family, nagpapahinga na si Richard sa kanyang kuwarto sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa.
Hindi pa alam ni Jun Lalin kung papaano tatanggapin ni Richard ang malungkot na balita na nasawi sa aksidente ang kanyang trusted personal assistant na si Nomar Prado.
Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa sinasabi kay Richard ang nangyari kay Nomar, na nakatakdang iburol sa isang funeral chapel sa Libertad, Pasay City. Inulila ni Nomar ang kanyang asawa at dalawang anak.
Nanggaling si Richard sa shooting ng cinema plug ng Full House sa Tagaytay City nang mangyari ang aksidente. Bumangga ang sasakyan nina Richard at Nomar sa isang lamp post. Kasama din nila si George Mustura, ang bodyguard ni Richard na parang parte na rin ng Gutierrezes dahil matagal na itong naglilingkod sa pamilya.
Dead on arrival si Nomar nang dalhin sa Adventist University Hospital, samantalang ginagamot pa si George sa Tagaytay Medical Center.






GALINGAN mu pa lalo!!
wag mong hayaan na agawin sayo ni
ALJUR ABRENICA yung position mo sa primetime!!! ayoko talaga sa kanya!!
go CHARD!!!
zone2guerre
May 26, 2009
00:22 AM Ewan ko ba kung ano pa dapat ang sabihin ko...
dun sa issue nila Galvante at Rama...sino ba dapat ang paniwalaan?
Once the wheel of justice starts rolling, then we will know. We will know who is truly THE EVIL one. Cgurado ubos ang kayamanan nila.
sana may hustisya para don sa PA nya
or baka naman tinambakan agad nila ng pera para lang tumahimik ang family ng PA ni ritsard
hayyyyy mainit yata ulo nya...
sana makulong ang taong ito
ano kaya ang hitsura ngayon ni taray
dumami yata ang wrinkles
di bale may tapayan pa naman sila para magpa-belo or calayan
KARMA na nga ba?
baka di ka lang fans..isa ka yata sa mga kapatid nya o binibigyan lagi nila ng biyaya.....
sus me....isipin mo naman kung dapat bang kaiinggitan ang pamilyang ito...
tingnan mo di ba KARMA na ito....
baka patikim lang to sa kanya
di po natutulog ang diyos
kaya sana matauhan na ang ina nya na
mapagmataas
baka wala pang tulog ang PA mo tapos sinisigaw-sigawan mo na....
mahirap mag drive pag mainit ang ulo lalo na pag ininis mo.....
siguro may dahilan kaya nagkaganon
ikaw pa na ewan ko lang...ayoko ng dagdagan pa comment ko....
gwapo ka lang pero di good boy
BAD BOY ang image mo....
sweet ka lang sa mga girlets mo na lumalandi sayo
ano ang ttawag dyan..KARMA na ba?
so dapat nakaapak na mga paa nyo sa lupa....
di na kayo ginabayan ng guardian angel nyo...ang sama kasi ng ugali nyo kaya nagkaganyan na kayo....
so ano ang kasunod
aabangan nalang namin....
magpakumbaba na kayo
sana matauhan na ang ina mong mapanglait ng kapwa....
di po ako binayaran dito para mag comment...talaga lang na ayaw na namin sa inyo...lahat kami ng mga friends ko...noon idol ka nila pero ngayon hate na nila kayo ng dahil sa MONSTER MOM nyo
Poorly lit pala eh d dapat nagdahan dahan ka. Nag menor ka pagdting sa area na un. Blidside pala eh bakit harabas ka pa rin? Madidisgrasya ka talaga.
Tutulog ang mga pulis sa kasong ito!!! Tsk tsk tsk. Pero pag ordinaryong tao ang involved kulong kaagad at kaso.