Proud na hinipo ni Sen. Jinggoy Estrada ang kanyang tiyan sa harap ng media habang iniinterbyu siya sa birthday celebration ng kaibigan niyang si Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. noong September 25. Nagubunga na rin daw kasi ang ilang buwang pagda-diet ng actor-politician.
Hindi naman binigo ni Jinggoy ang kanyang kaibigan nung gabing yun, bagamat nandun din ang mga kapartido ni Bong sa Lakas party, sa pangunguna ni Pres. Gloria Macapagal Arroyo. Ang intriga, sinadya raw ni Jinggoy na hindi muna pumasok sa loob ng Whitespace, kung saan ginanap ang birthday party, dahil nandun pa sa loob si Pres. Arroyo.
Totoo ba ito?
"Hindi ko alam na nandun siya," simpleng sabi ni Jinggoy.
Pagkatapos nito ay inalam na lang namin kung ano ang iniregalo niya kay Bong.
"Wala, yung pagmamahal ko sa kanya at loyalty ko talaga," sagot niya.
Ano ang birthday wish niya kay Bong?
"Sana maging maligaya siya sa buong buhay niya at sa buong bayan."
SEN. LACSON'S "EXPOSE." Isang linggo rin silang nagbalitaktakan ni Sen. Ping Lacson sa Senado dahil sa "expose" ng huli tungkol sa ama ni Jinggoy na si dating Pangulong Joseph Estrada.
Kumusta naman si Jinggoy pagkatapos ng mga pasabog sa pamilya niya at engkuwentro nila ni Sen. Lacson?
"Okey lang. Ako, nakakatulog ako nang mahimbing. Sa akin, dapat lang talaga na gawin ko yun sa kanya. Na pabulaanan ang mga sinabi niya tungkol sa aking ama. Mas mahirap naman siguro kung hindi ko dinepensahan ang father ko," saad niya.
Sabi ni Bong ay pinayuhan daw niya pareho sina Jinggoy at Sen. Lacson na i-settle na lang ang problema nila. Ano ang reaksiyon dito ni Jinggoy?
"I didn't start this. Siya lang ang unang tumira. Natural lang na umaksyon ako," sabi niya.
Ano sa tingin niya ang epekto ng bangayan nila ni Sen. Lacson at ang mga sinabi nito tungkol sa kanyang ama?
"Well, siguro may pinagtatakpan si Senator Lacson. Napatunayan ko naman na hindi kami mamamatay tao. Murdering is not our pastime," aniya.





LOL!!! =D
Noynoy for Pres..
totoo yung sabi ni ping na natalo ka ng 10 million. matagal ko ng alam iyan. ang pagkakaiba ninyo ni ping magaling magtago ng kalokohan si ping kayo ng tatay mo huli agad ang abogado ninyo mahina graduate ng ateneo. si marcos hanggat ngayon di pa makita ang hidden wealth tag-up ang mga abogado. hahahaha.
dinagdagan lang ni ping ang mga info ng tao about erap. anu naman masama doon.
actually kung nagkabaha man ay isa na kung may sisihin ay ang mga naging presidente dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na mamuno ay wala silang nagawa para sa mga tao. isa na si erap kung bakit patuloy na mahirap ang ating bayan.
guys, half billion pesos na daw ang international cash donations for Ondoy victims. sasaludo ako if kahit man lang kalahati ng perang yan may makakarating or magagamit for the victims. remember parating ang eleksyon sa May. ganyan ang nangyayari sa Leyte Landslide, isang building lang nakatayo doon at hindi naka tanggap ng pera and pamilya ng victims, meron man kusing lang. thats fact. dahil mga provcl officials naging mayaman after doon, nakabili ng new cars.
sana this time, sana makonsinsya naman sila at itutulong talaga ito sa mga victims and makapagbangon ang mga nasalanta. am sure overpricing na naman yan, sa bridge sa San Mateo na nasira.