PEP EXCLUSIVE: Mikaela Bilbao denies sending threatening text messages naming Gretchen Barretto and Pops Fernandez

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Friday, October 09, 2009 @ 06:57PM  |  2808 views


  "As far as I know, I did not send any text messages that are bad to Ana Abiera, to Gretchen Baretto, or to Pops Fernandez," says Mikaela Bilbao.

Photo By: Noel Orsal













Itinanggi ng businesswoman na si Mikaela Bilbao na siya ang nagpadala ng text messages na nailathala rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 8.

 

Dalawang beses naming nakausap sa cell phone si Mikaela ngayong araw, Oktubre 9. Una ay noong 3:31 ng hapon at pangalawa noong 6:29 ng gabi. Tumagal lamang ng 12 minutes ang dalawang beses naming pag-uusap.

 

Sinabi niyang wala siyang ipinadalang text messages kay Ana Abiera na nagdadawit kina Gretchen Barretto at Pops Fernandez. Ayon sa text messages, "nakikikomisyon" daw ang dalawang artista sa mga road projects ng dating executive director ng Road Board na si Rodolfo "Dody" Puno. (CLICK HERE to read related story.)

 

THE FIRST CONVERSATION. Kung kahapon ay nahirapan kaming kontakin si Mikaela, kanina ay nakontak namin siya sa kanyang cell phone sa tulong ng isang photographer na malapit sa kanya.

 

Pagkatapos naming ipakilala ang aming sarili ay humingi kami ng pahintulot kay Mikaela na i-record ang aming pag-uusap. Pumayag siya.

 

Kinumpirma muna ng PEP kay Mikaela kung may ipinadala siyang maiinit na text messages kay Ana Abiera, kung saan binanggit din ang mga pangalan nina Gretchen, Pops at Dody.

 

"Wala akong pinapadalang text messages kay Ana Abiera except tungkol... Ang alam ko lang kasi, bebentahan ako ni Ana Abiera ng insurance, Sun Life, and then sa kanya ako umo-order ng pabango. Wala akong ibang, other... Is that it, tungkol ba sa pabango?" tanong sa amin ni Mikaela. 

 

Sinabi naming hindi ito tungkol sa pabango kundi sa diumano'y "pangongomisyon" nina Gretchen at Pops "sa road safety at road works ng mga raket ni Dodie."

 

"If you're talking about any text messages coming from me, I don't have anything to do with that...." sabi ni Mikaela.

 

Nang makausap namin siya, sinabi niyang hindi pa niya nababasa ang artikulong naisulat sa PEP kahapon.

 

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Gretchen noong gabi ng Oktubre 7,  kinumpirma ng aktres na may ganoong threatening text messages. Ipinadala raw ang mga ito sa kaibigan nila ni Pops na si Ana Abiera, at ang nagpadala raw ay si Mikaela Bilbao.

 

"Then the burden of proof lies on her [Gretchen]," sagot naman ni Mikaela nang kunin namin ang kanyang reaksyon sa sinabi ng aktres. "First, she has to prove that that is my phone... If the phone number is the one I gave you... If the number is what I gave you, then it is my number. If it is another number, I don't have any other number.

 

"As far as I know, I did not send any text messages that are bad to Ana Abiera, to Gretchen Barretto, or to Pops Fernandez. As a matter of fact, I've been trying to get in touch with Pops because I just received a letter from her yesterday with regards to her endorsement. So, I was trying to get in touch with her, but her number is not already... hindi ko makontak yung number niya. Palagay ko nagpalit siya ng number. But that is only because of her endorsement.

 

"Other than that, wala akong kinalaman kay Dody Puno, na text messages regarding Dody Puno, text messages regarding komisyon or whatever, wala akong kinalaman diyan," mariin niyang sabi.

 

Kung hindi siya ang nagpadala ng text messages na ito, may hinala ba siya kung sino ang nagpadala o nagpakalat ng mga ito?

 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

86 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name