features

Rosanna Roces warns the Revillas: "Kapag ako nag-Pasko wala ang apo ko, magiging kulay abo ang langit nila!"
by Trisha Alvarez posted on November 19, 2009  STATS: 3295 Views | 172 Comments


  "Hindi na ako basta, kaya kong manahimik kung mali ako. Pero kapag sumusobra na, kapag masyado ka nang nilalaktawan at hindi ka na... Nalilimutan na yung mga ginawa nilang kawalanghiyaan. Akala nila, e, kung nag-iisa ako, ang tapang ko. Ngayon pa ba na merong nasa likod ko na?" says Rosanna Roces.

Photo By: Noel Orsal

Kapansin-pansin ang pagpayat ni Rosanna Roces nang dumalo siya sa Cinema One Originals Awards Night last November 15 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. Si Rosanna ang itinanghal na Best Actress para sa pagganap niya sa Wanted: Border.

Mabilis namang sumagot si Osang nang tanungin kung bakit siya pumayat. "Binubuwisit pa rin ako ng mga Revilla, e!" sabi niya.

Bakit niya ito nasabi?

"Hindi pa rin isinosoli ang apo ko," ani Osang, na ang tinutukoy ay ang anak ng panganay niyang si Grace Adriano kay Jolo Revilla na si Gab.

Dagdag niya, "E, kanino ba yun? Sabi nag-aaral daw yung bata. Pero ano ba naman yung dalhin sa akin minsan sa isang linggo? Naku, e, kung hindi ako makikipag-cooperate sa kanila, may kaso laban sa kanila."

Sa isang panayam ni Jolo, sinabi nito na naghihintay lang siya ng text mula kay Osang para dalhin si Gab niya sa kanya. Gusto ba ng aktres na dalhin ni Jolo sa kanya ang bata?

"Kahit huwag na siyang magpakita sa akin, e," sagot ni Osang. "Dahil ako, talagang eto sasabihin ko ha, lilibutin ko ang Bacoor para ikampanyang huwag manalo ang ina niya [Lani Mercado]. At hangga't kaya ko, gagawin ko. Through Facebook, through bloggings, through whatever. Huwag lang, pag hindi nila ako... Ako, kapag ako nag-Pasko wala ang apo ko, tandaan mo, magiging kulay abo ang langit nila!

"Alam mo si Jolo, kasi parang puppet, uto-uto. Uto-uto ng magulang, walang sariling isip. So, tumatanda, dapat umaayos; hindi paurong, lalo na may anak ka. Hindi sapat yung nahiram mo, magpapanggap ka nang tatay.

"Apat na taon nasa amin yun [Gab]. Nakasama mo lang sandali, e, akala mo mabuting ama ka na, hindi ba? O, tama ba ako o hindi? E, paano yun? E, di nakikita nung bata yung ginagawa ninyo nung ano... Maganda yung... Tama na yung nakita niya ang nanay niya, nag-asawa ng iba, may kapatid siya doon, madali nang iesplika yun. Pero kapag nakita pa ng bata may iba pa, maguguluhan pang lalo, di ba? At para ilagay mo sa isa pang magulong pamilya, di ba?

"I suggest nga na... Ay, huwag na, baka hindi naman lumabas," bitin na sabi ni Osang.

CHRISTMAS DEADLINE. Pero itinuloy pa rin niya ang gusto niyang sabihin pagkatapos ng ilang sandali. Aniya, "Siguro hiramin na lang ni Lani yung anak ni Bong kay Jo Canonizado [former beauty queen]. Alagaan niya, baka dakilain ko pa siya. Pero yung apo ko, e, November na, ha...

"Pero kung hindi ninyo isosoli dahil sasabihin ninyo nag-aaral kunu-kuno, pag 'yan, Pasko, hindi ko nakita, pasensiyahan tayo. Susugurin ko kayo talaga sa bahay ninyo. Kakasuhan ko na talaga. 

"Hindi na ako basta, kaya kong manahimik kung mali ako. Pero kapag sumusobra na, kapag masyado ka nang nilalaktawan at hindi ka na... Nalilimutan na yung mga ginawa nilang kawalanghiyaan. Akala nila, e, kung nag-iisa ako, ang tapang ko. Ngayon pa ba na merong nasa likod ko na?" matapang na pahayag ni Osang.

Ang tinutukoy ba niyang "nasa likod" ay ang boyfriend niyang abugado?

"Hindi sa ganun," sabi ng aktres. "Pero mabuti na rin yung may tao ka na sa likod mo, kesa porke wala kang asawa kasi,  pinagsasamantalahan ka, e. Akala nila wala kang ano, e. Hindi nila alam, mas matapang pa ako sa asawa ko dati, e."

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

172 Comments

  • 172  bustard_echeng

    12/01/2009 | 08:50 PM
    dakdak ng dakdak ...naghahanap lng yan ng racket kya gumagawa ng paraan pra mainterview ng press..... pra nman napakagaling magpalaki ng anak at prang napaka galing n asawa......
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 171  rosen

    11/26/2009 | 01:06 AM
    parang wala na sya sa sarili , wala nang pumapatol sayo osang ... ewan lang kung may maniniwala pa sayo. sus!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 170  lea_ursua

    11/25/2009 | 11:38 PM
    hoy osang baliw kana talga
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 169  prettyasian

    11/25/2009 | 02:56 PM
    eto naman c osang oh..in due respect to Jolo sia naman un tatay ng apo mo! but i enjoy reading this article.. kaloka c osang!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 168  chunkyfunky

    11/25/2009 | 11:20 AM
    Luka - luka talaga si Osang.
    Kausapin muna nya si Grace para malaman nya na binigay na ni Grace kay Jolo ang anak nila. Counselling yata ang unang dapat gawin ni Osang para tumino
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 167  taberavanes72

    11/25/2009 | 06:09 AM
    Hay naku ito si Lola hindi inisip kon sino ang nasaktan kon apo niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 166  malayKo

    11/24/2009 | 07:01 PM
    When she talks akala mo eh possession nia ang kanyang APO. Eh lola lang naman sia.

    Kawawa ang bata talaga at sila Grace at Jolo ang aging magulang. Ano kaya maging personality nun paglaki?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 165  malayKo

    11/24/2009 | 06:58 PM
    Kawawang bata...
    ANG MGA LOLO AT LOLA eh dapat hindi na sinasaklawan pa ang kanilang mga anak... Pag na ke Osang ang bata, ano ba matututunan, ang bumingwit ng kung sino2nglalake at magpakakab1t? Pag sa Revilla naman, magkaron ng kab1t kab1t na kab1t. Excuse me sa terms ha. Pero napakababa na talaga ng quality ng life ngaun sa Pinas. Ang mga bata ngaun, wala ng makitang ROLE MODEL...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 164  cathy80

    11/24/2009 | 03:51 PM
    Best na gagawin mo osang magpabuntis ka na lng don sa atty mo un kng pwede kpang magbuntis hehehehe!!!! at least kng mgakakaanak ka ulit cguro nman ndi mo na guguluhin si gab tpos ung mgiging anak mo un na lng ang turuan mo abt sa bible oh dba maganda idamay mo nrin ung iba mo pang anak pra matuto sila ng magandang asal at malay mo twgin kng Sister Osang hehehehe.... ang sagwa ndi bagay!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 163  berna7deth

    11/24/2009 | 03:45 PM
    Ang chaka chaka mo osang,,,, bibigyan kita ng award lam mo kng ano isang ka ng BIG Loooooosssssseeerrrr Osang!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 162  amelia8guzman

    11/24/2009 | 03:36 PM
    ako magulang din me pero sa gingwa mo mali ka ng diskarte dhil unang una ung mismong anak mo si grace ay ndi nagrereklamo o nagagalit sa mga revilla eh ikaw lola ka lng wla ka sa lugar maginarte dhil ung apo mo ay nsa poder nman ng ama ni gab! Kya pagisipan mo ng maraming beses ung mga bibitawan mo salita dhil sa susunod wla ng maniniwala syo dhil ngyon pa lng panay kasinungalingan lng ang mga sinasbi mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 161  ra72ul

    11/24/2009 | 03:25 PM
    Isa lng ang magandang gawin mo magpasalamat ka na lng at wag magbanta dhil bka bweltahan ka ng KARMA!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 160  paul12basa

    11/24/2009 | 03:23 PM
    Ndi kba masya osang na nsa maayos na kalagayan ang apo mo dpat nga matuwa ka dhil nsa magandang klagayan ung apo imbes nman na syo wlang matututunan ng magandang asal ang bata syo dhil sarili mong anak ndi mo tinuruan ng magandang asal sa apo mo pa kya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 159  bebe23

    11/24/2009 | 12:22 PM
    napapansin ko bakit si osang ang nagrereact d ang anak nya mas maniniwala ako kung si grace mismo ang bumawi sa bata pero si osang parang nagpapakontrobersyal na naman sya feeling ko lang..peace!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 158  oragonini

    11/24/2009 | 08:43 AM
    eto naman si Rosanna Roces, hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? puro ka satsat, pagbabanta, ano pa ba gusto mo, ibibigay na nga yung bata sa Ama ng Nanay nya...bakit eto ka pa din...MAGTIGIL KA NA NGA, KAKAUMAY KA NA!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 157  electabuzz

    11/24/2009 | 08:27 AM
    Si Osang naman, masyadong obvious, porke magpapasko gusto nasa kanya ang apo, bakit ba? sobrang desperate move na yan Osang...kakasawa ka na...TIGILAN MO NA MGA REVILLA!!!

    Kung ako sa mga Revilla, ndi ko ipapakita kay Osang kahit kuko ng bata...hirap na sira na pagiisip nyan lola ng bata...hahahah
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 156  pangitkopangitkarin

    11/24/2009 | 08:24 AM
    Osang shut up!!!!!!! kapanipaniwala ka noon, nuong di mo pa dineny na buntis ang anak mo, kala ko pa naman sa laha t ng artista kaw yung totoo yun pala isa kang sinungaling.... tapang mo pa nga nagsabi na mali silang lahat kaso lang lumubo yung tiyan ng anak mo at yan si Gab ang lumabas......
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 155  hunthers57th

    11/24/2009 | 06:23 AM
    osang parang kailangan mo nang counselling. or you need to see psychologist.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 154  inquisitive

    11/24/2009 | 12:13 AM
    HOY OSANG SHUT UP!!! KAKASAWA KA NA!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 153  kapamilya2009

    11/23/2009 | 09:11 PM
    nako osang di ka ideal mother kaya anak mo nagmana sayo e anak mo nga nagpabuntis sa arabo yon may anak nanaman .ano papakain ituturo mo sa apo mo kapag 15years old narin siya magaasawa narin.pasalamat ka mabibigyan ng magandang future apo mo k revilla.kahit mag sampa kapa kaso talo kayo ng anak mo kasi di ideal mother anak mo yon may arabo nagnganak na naman kapal ng mukha mo gusto molang magka pera sa mga revillia
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About